read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Laruan Ko Noon, Modelo Ko Na Ngayon.🙃 Isa na namang munting gagamba Ang nakunan ko kaninang umaga Na nasa kasalukuyang nagpapahinga. Tinatawag naming Lawalawa o lawlawwa sa aming probinsya. Isa sa mga kinagigiliwan at nakahiligang laruan noon. Bago ang mga modernong laruan ngayon. Panahong hahamakin lahat para magkaroon At makahanap ng gagambang koleksyon. Pero mag ingat lang sa mga ibang gagamba Dahil sa panahon ngayon ay ibang ibang-iba na At may mga patibong na nakaamba. Yung akala mong panatag at wala kang pangamba Pero nalingat ka lang saglit, nabihag na ng iba.😁

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.