Nanay, Mama, Momshie, My or Mom ano man ang tawagan niyo sila ang pinaka importanteng tao na parte ng buhay natin.
Nabigyan mo na ba ng regalo ay iyong Ina? Kahit simpleng thank you at I love you, nasabi niyo na ba sa kanya?
Minsan na kakaligtaan natin bigyan ng pansin ang ating ilaw ng tahanan. Dahil ba parati silang nandiyan?
Doon mo nalang napapansin ang pagkukulang mo kapag nawala na siya ng tuluyan dito sa mundong ibabaw.
Iyong mga ginagawa ng nanay mo na dati ay kinaiirita mo ngayon ay namimis mo.
Iyong bang tuwing umaga nagigising ka sa bunganga niya. Iyong na sesermonan ka kapag naging batugan ka. Tuwing umu uwing late sinasalubong ka ng palo.
Mga bagay na hindi mo akalaing hanap hanapin mo din pala.
SAna bago pa mahuli ang lahat bigyan niyo din siya ng atensyon. Iparamdam sa kanya kung gaano mong pinagpasalamat ang pagbigay buhay sayo.
Malaki ang pagsisisi ko na nawala ang mother ko sa panahon na nasa ibang bansa ako. Iyong mga plano ko para sana sa kanya, ni hindi ko man lang nasimulan dahil sa paglisan niya.
MAsakit mawalan ng Ina. Kahit pa sabihing kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa. Hahanap hanapin mo pa din ang presensya at pag-aaruga niya.
Kaya sana habang nandiyan pa siya iparamdam niyo sa kanya kung gaano niyo siya ka maha.
To my mother in heaven. Happy birthday to you and I love you po Nanay. Sorry for being malditang bunso. Magpapakabait na po ako. Kaya sana wag niyo na akong dalawin sa panaginip. ✌😘
Yes tama.habang buhay pa ang ating mga nanay o tatay ipakita natin sa kanila na silay mahal natin. Huwag bigyan ng sama ng loob