13th month pay from SSS Pension🥰 God is good ika nga. Salamat sa isang taong pag susuply salamat sa Lord at syempre sa late hubby ko na ang sipag kaya may natatanggap kaming malaking pension niya monthly..wala man siya para sya paren ang padre de pamilya namin kung di dahil sa kaniya ay wala kaming ginagastos sa pang araw-araw. Akala ko sa 16 ko pa to matatanggap pero na credit na pala siya noong Dec 4..kaya happy ang pasko salamat at may pag kukunan kami ng kaunting handa sa pasko at bagong taon..di naman mawawaldas yan mapupunta sa tamang gastosan..lalo sa mg anak ko.. Kamusta kayo dyan na credit na ba ang mga 13th month pay niyo mga kaingay hehe ang saya na may halong kaba pag nasa harap ka ng ATM machine kasi nag dadalawang isip ka kung may laman o wala at thanks God ayan na so happy...mga kaingay..
26 comments
malaking bagay na din yan kahit papaano may magagamit ka na kailangn sa bahay
Amen.. God will provide.. isang patunay yan na hindi Siya nahuhuli magbigay laging ontime..
Wow may panghanda kana sa pasko para sa mga bata
God is good talaga sissy, deserve mo yan. Happy na ang Christmas nyo talaga, so Advance Merry Merry Christmas😘.
Would you like to donate (minimum $0.25) for my project "Life line" in which I feed poor people every Friday. I provide Free assistance to people who find themselves in a difficult life situation, left without housing, released from places of detention, alcohol addicts, drug addicts, homeless
Yey ang saya ng pasko kasi andyan na si 13 month pay mo sa sss sissy.
Oo nga sis inaasahan ko naman talga to pero mas pinaaga nila ngayon..
May nakukuha ba sa SSS kapag december?
Sa mga pensioner lang sis..
Sis kahit wla na si hubby bukod sa mobthly pension may 13th month pay din?
Sis kahit wla na si hubby bukod sa mobthly pension may 13th month pay din?
Opo sis yearly yan may 13th month pag december..
Ay ganun pla kapag pensioner na kahit buhay pa sis?
Oo sis..hubby ko kasi namatay na kaya kami na ang nag pension mga anak niya..basta lahat ng pensionado may 13th month po.
Ah ok, salamat sa info nacutmrious kasi ako kasi safe na ung sa pension sa SSS kasi 13years na akong naghulog na kumpleto tlga, diba 10years naman un
Safe na yon sis kung pasok ka na sa minimum month ayos na yan..malaki laki na mapension mo pag nagkataon😊
Sabi kasi sis dati 10years na hulog at walang bungi or kulang ewan ko lng kung nabago na, ung akin kasi 13years na straight tlga
Sa hubby ko sis nakailang laon pa sya dyan pero complete padin...10 years din mahigit ang naihulog..
Pero maliit lngbung monthly pension sis? Bawi naman sa 13th month
Yong sa amin sis 5780 a month..
Ay malaki din pala ano
Congrats! Maaga ang Chrismas blessings ninyo
Blessing yan sis.
Ang dami naman nyan Sis congrats
ang saya noh.. kapag mayron ako nang ganyan ka dami...he he
Laki ng pension ni hubby mo ka-noise! Magandang gabi!