read.cash Log in
@Fairish more from that month

Ready na para Bukas. Gagawa ako ng Puto.. Mag iiwan ng tips para iwas palpak.. Tama ba caption ko basta nag prepare na kao ng maaga para bulas mag titimpla nalang..puto kasi sa akin para sa teachers day e ang start 6 gang 9am oh diba pag di ko niluto ng maaga yan ubos oras ko hehe. . Tips para iwas palpak sa puto mo kung gagawa ka.. 1. Dapat ang baking powder mo ay ok pa..para matiyak mo i try mo sa warm water kung bumubula ok pa yan kung hindi bumula itapon mo na kasi kahit kompleto ka lahat kapag yan ay di nabula apektado na lahat ang puto mo.. 2. Alalay ka sa tubig ako ang isang cup nag APF ay 3/4 cup na tubig, okay lang magdagdag pero wag bigla bigla..dahan dahan mong ilagay ang tubig..sa harina mo.. 3. Ang sukat ko sa baking powder ang isang cup na harina ay isang kutsarang baking powder wag masyadong madami papait ang puto mo.. 4. Oil o margarine pag naglagay ka ng margarine wag mo ng pahiran ang molder kusa na yan..ang isang calumet na baking powder na yan ay sakto yan sa anim na cup na harina.. 5. Bearbrand kung gusto mong masarap na puto mag bearbrand ka bakit swak kasi sukat yan sa isang cup na harina diba para di ka na malito..hehe..pag magluluto ka rin lang sarapan mo na para happy ka para di aksaya sa gas hehe.. 6. Wag masyadong mabilis maghalo mate dahan dahan lang dapat di matagal kasi babagsak ang puto mo pag ganun..diba nhalo mo na itaas mo panghalo mo tapos yong batter na ginawa tingnan mo kung yong tulo niya ay deretso walang putol ok na yon..stop ka na at salain mo na para maging pino ang puto mo..kahit madami pang buo-buo hayaan mo lang basta pag ok na ang batter mo isala mo na mawawala yang buo-buo.. 7. Ang gamit ko ay large molder..kaya yan tatagal ng 15 minits bago maluto..pero dahil ang cheese ko ay eden mabilis matunaw ilalagay ko yan sya pag naka 8 minits na yong kulo bago ko sya ilagay..sakto yan sa 15 minits nakadikit na sa puto.. 8. Ang large molder pala medium heat yan pag low magiging hilaw pag high naman puputok puto mo kaya tama.yan sa meduim heat lang.. Maproseso pero pag nalaman mo na ang sukat madali na lang..madami akong gagawen kaya maaga ng matutulog para magising ng maaga.. Good night mga mate..

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.