Budget 5500 for 1 Month.. Bilang nanay isa na yan sa pinakamahirap ang mag budget ng kakailanganin naten sa isang buwan. Dapat magaling ka sa math sa 5500..yan na ang natira.. Tubig/ilaw -500 Groceries -1000 Sa pag go-groceries inuuna ko ang pinakakailangan ko sa isang buwan na yan, sabon, shampo, kape, asukal at gatas ng mga anak ko..yan ang pinakainuuna ko na talaga mawalan ako ng iba wag lang yan. Di ko na pinoproblema ang kulang..para iwas utang kung alin ang kaya yon lang ang binibile ko ang mga importante..sa mahal ng bilihin ngayon malupit na diskarte ang ginagawa ko dyan.. Di ako maabak sa gatas kasi mga anak ko nag sasawa dyan mas ok kasi sila sa kanin don kasi sila nasanay..minsan lang yan sila mag gatas pag gusto kaya di ko din tinatanggal sa stock ko yan..mas nakabusog kasi ang binibile ko sa kanila sa almusal meryenda kaya di ako hirap kahit sa ulam no problem dahil kahit anong bilhin ko di ko problema. Di ko din yan sila sinanay sa vitamins kasi sabi ng doctor nila di naman nila kailangan ng vitamins basta nakakain nila ang wastong pagkain..pag nag vitamins yan sila don naman sila sinisipon at inuubo kaya vitamins na binibigay dyan di ko pinapainom..payat daw ang mga anak ko sabi ko payat yan pero tama ang timbang s aedad nila..di ko kailangan ang patabain sila kung yan na taga katawan nila basta importante saken sila walang sakit malusog..tinanggal na nga sa feeding yong eldest ko kasi tama naman sya sa timbang..hehe..ganun din ang bunso ko.. Namulat sila sa buhay na may disiplena agad sa pagkain..di ko sinanay kung alin lang ang gusto ay yon nalang. Ang malinis na matira dyan 1000 lang yan na ang itatabi ko para pag may need na babayaran agaran ay ok na..di ko din sinanay sarili kong mangutang para natatanggap ko ang pera ko ng malinis na di nag paparte parte ng para sa utang pag ganun kasi wala ng matutira saken.. Diba ako din kawawa mag ka ganun..sa 3 years kong ganyan ang natatanggap ko buwan buwan never pa ako nag kautang ni piso..kahit sa tindahan..diba kaya easy na saken ang pag budget ng bonggabels hehe..mahirap sa mahirap pero kong marunong kang mag control sa nilalabas mong pera may matitira pa din.. Maiba naman ang content hehe..good evening mga kaingay🤗
10 comments
Hirap tlga sis mgbudget
Ang galing mo mag budget sis.Kami tatlo lang pero laki ng budget sa isang buwan.
samen sis kulang yan sa mhl ng bilihin saka need madami bisquit gutumin sila + diaper kaya akoy maloka loka sa pg budget pero iwas din ako sa utang nag tatabi ako para pag gipit dun ako kukuha
I'm sure ang galing mo sa budgeting sis.
korek sis! kaya todo budget tipid tayong mga nanay
Stretch muna pag may time hhaa
good job mi..cheers tayo...iwas utang talaga... ako ganyan din umiiwas sa utang kaya kung ano ang meron un pagkasyahin ko... matinding pagtitipid para magkasya..
Mhirap mag budget sis pero Alam kopo kayang kaya mopo yan lalu at andine naman C ninong noise
Buti pa kayo maliit ang binabayaran sa tubig at ilaw.
Mabuti pa sayo sissy may 5500 hihi sana may matira pa jan sissy, sana palagi Kayong healthy.