Pait ng buhay

0 12
Avatar for Eya12
Written by
3 years ago

Ang buhay ay sadyang mapait paminsan.

Kung ating titingnan ang pisikal na kaanyuan ng ampalaya, ito ay kulubot, at kung atin namang susuriin ang lasa nito ay masasabi nating mapait.

Gaya ng buhay ng isang tao, may karanasang mapait na sadyang hindi malilimutan. Hindi natin maaaring salain ang pwedeng mangyari sa atin, 'yong tipong pipiliin mo lang ang magaganda at masasayang kaganapan.

Kung palagi mong iisipin ang mapait na karanasan sa iyong buhay at hindi mo sisikaping bumangon, kawawa ka kaibigan. Ikaw lang ang din ang makatutulong sa iyong sarili. 'Wag mo ng hintayin ang iba na ibangon ka mula sa mapait na karanasang ito, magkusa ka, tulungan mo ang iyong sarili. Lahat ng tao ay nakasasagupa ng mapait na karanasan, iba-iba nga lang kasi hindi tayo "uniform".

Hindi natin kailangang hintayin na tayo ay mangulubot at mawalan ng sustansya bago tayo kumilos.

Bangon kaibigan! Bangon!

Lumaban ka! Isipin mo nalang ang patalastas ng Nescafe, para kanino ka bumabangon?

Habang tayo ay pinagkakalooban pa ng pagkakataong mabuhay, gawin natin ang nararapat.

Ang mapait na karanasan sa buhay ay bahagi lamang iyan ng pagsubok, kailangan mong lampasan, kung hindi matatalo ka. Kung baga sa exam kailangan mong pasahan para makamit ang tagumpay...

Hanggang sa muli mga kaibigan.

Maraming salamat po sa paglalaan ng oras sa pagbabasa. 😘

3
$ 0.03
$ 0.02 from @Khing14
+ 1

Comments