Yung ginawa mo na ang Lahat pero hindi ka pa rin Sapat

12 106

December 28, 2021. Tuesday.

 

Anong pakiramdam kapag ginawa mo na ang lahat pero hindi ka pa rin sapat? Hindi po ako humuhugot ah may nabasa lang po kasi akong post kanina sa aking Facebook newsfeed. Nakasaad doon ang katagang “Ginawa mo nga ang lahat pero bandang huli hindi ka pa rin sapat”. Nagbasa ako ng mga comment at bigla akong nalungkot. Marami kasi doon na nakaexperience na din nun o naranasan na mangyari iyun sa kanila. Maraming maraming comment akong nabasa pero hindi ko natapos ang lahat kasi habang dumadami yung nababasa ko ay mas lalo akong nalulungkot.

 

Bakit nga kaya may mga taong hindi naapreciate ang effort ng isang taong nagmamahal lang naman sa kanila? Yung tipong ginagawa mo na ang lahat, nagsasakripisyo ka, palagi ikaw yung umuunawa o umiintindi pero at the end kulang pa rin lahat ng mga ginagawa mo. Ang sakit lang po diba? Ganyan yung mga nababasa kong comment kanina doon sa post.

 

Pero sabi nga nila, yung mga taong hindi nakaka appreciate sayo hindi ka nila deserve at wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa kanila dahil may taong mas deserve mo. Gets nyo po ba? Hahhaha sana po ay oo. Parang sinasabi lang po nila na huwag mo ng sayangin ang lakas o oras mo sa isang taong hindi ka naman naa-appreciate dahil lahat ng yun ay mababalewala lang talaga. Ibuhos mo ang atensyon at effort mo sa taong alam mong minamahal ka talaga ng buong buo.

 

Pero hindi lang naman sa relasyon nangyayari ang ganyan dahil may nabasa din akong isang comment na tungkol sa kanyang pamilya. Isa syang bread winner, ginagawa nya ang lahat para sa pamilya nya. Nagtatrabaho sya ng husto para lang mapunan ang lahat ng pangagailangan nila pero bandang huli ay hindi naman pala naappreciate ng pamilya nya lahat ng effort nya. Grabe ang sakit naman nun, yung hindi mo na naiisip ang sarili mo dahil sila ang lagi mong inuuna at iniisip pero malalaman mo na hindi pa rin pala sapat lahat ng ginawa mo at kulang pa.

 

Meron din akong comment na nabasa doon  na bata pa lang sya ay napilitan na daw sya mag trabaho para din tumulong sa kanilang pamilya hindi na sya nakatapos ng pag aaral dahil nga pinili nya na matulungan ang mga kapatid nya na makatapos sa pag aaral pero ng makatapos ang mga kapatid nya ay parang nakalimutan na sya ng mga ito at hindi na naalala lahat ng ginawa nyang hirap at pagpaparaya para lang matulungan sila na makapag tapos ng pag aaral.

 

Meron din akong nabasa doon na tuwing may problema daw ang kanyang pamilya ay sya ang sumasalo nun, mapa financial man ito o hindi. Kapag may kailangan ang mga ito ay sa kanya lumalapit at hindi sya nagdadalawang isip na tulungan ang mga ito pero noong may isang mali lang syang nagawa ay parang nabalewala daw lahat ng mga naitulong nya sa mga ito. Hindi naman daw ganun kabigat ang nagawang nyang pagkakamali pero hindi na ito makalimutan ng pamilya nya.

 

Bakit nga kaya ang mga tao kahit na sobrang dami mong nagawang mabuti ay yung nag iisang pagkakamali mo lagi ang naaalala nila at nababalewala ang lahat ng kabutihan na nagawa mo?

 

Hmmm. Bigla lang pong pumasok sa isip ko ang katanungan na yan. Lahat naman po kasi tayo ay nagkakamali diba? Pero pwede naman natin itong itama at wag ng ulitin. Pero ang ibang tao kasi kapag may nagawa kang mali hindi na nila ito makakalimutan at paulit ulit nilang babalikan.

 

At iyan lang para sa araw na ito. Random topic lang po muna tayo ngayon. Bigla lang po kasing napukaw ang atensyon ko ng post na yun at naisipan kong gawan ng article, because why not? Hahahhah naging englishera pa hahahha. Hanggang dito na lang po muna. Hanggang sa muli. Bye. Peace.

 

Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works.  Thank you for your support and trust in me and my articles.  Thank you again.

 

 

I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous.  Please visit and read their articles when you have free time.  Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading.  And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles.  Thank you very much too.  And may you all be blessed for your kindness and goodness.

 

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 Thanks for reading this.

 Keep Safe and God Bless us always.

 

 Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

 Bye.

I made it with Canva

Lead Image Source: Unsplash

7
$ 3.81
$ 3.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Bloghound
+ 5
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

People only remember you at your worst and not at your best. Sad truth!

$ 0.03
2 years ago

Correct po kayo dyan! Sad truth nga po talaga. Mabilis po nila nakakalimutan yung mga nagawa nating tama kapag may nagawa tayong mali.

$ 0.00
2 years ago

Hindi man ma-appreciate ng ibang tao yung effort natin, kung alam naman natin na we did our part by exerting efforts on it, that's enough. Problema na nila yun kung may masasabi pa sila. 😊

$ 0.03
2 years ago

Tama po. Basta alam natin sa sarili natin na lahat ng kaya nating gawin para sa kanila ay ginawa natin.

$ 0.00
2 years ago

Ganyan talaga sis kaya kung minsan nakakasama din naman talaga ng loob ginawa mo ng lahat pero kulang at kulang pa din

$ 0.03
2 years ago

Hindi na po ata mababago yung ganun eh. May mga tao po kasi na ganun na talaga.

$ 0.00
2 years ago

Ungrateful ang tawag sa mga taong inuubos ka na pero di pa rin ma appreciate efforts mo.. Darating din ang araw na mangangailangan sila at naubos ka na at wala ng maibigay pa.. relate much lang haha!

$ 0.03
2 years ago

Hahhaha kaya nga po, parang based on experienced po ang commnet nyo ah. Heheh.

$ 0.00
2 years ago

Akala ko humuhugot ka lang sis. Nabasa ko din yan sa FB nung isang araw and I have been to those kind of situations, mygas anhirap. I fought against what I thought was wrong kahit my family hated me and I proved them I was right. Minsan guilty din ako kasi alam ko nagieffort ang partner ko pero minsan di sapat for me, but now I appreciate it.

$ 0.03
2 years ago

Opo parang ang hirap nga po kapag ganyan. Pero ang mahalaga po doon ay napatunayan nyo po sa kanila na tama kayo.

$ 0.00
2 years ago

Eto talga ang masakit, as people sometimes remember your mistakes but not what you have done. Kahit minsan sa trabaho nangyayari din to

$ 0.03
2 years ago

True po. Ang naalala po ng mga tao ay yung nagawa mong mali kahit na mas madami ka naman pong nagawang tama.

$ 0.00
2 years ago