October 7, 2021. Huwebes.
Mapagpalang araw sa inyong lahat. Kamusta naman kayo? Sana ay nasa maayos na lagay kayong lahat. At tuloy tuloy lang ang buhay kahit ano pang mangyari. Huwag tayo susuko sa mga problemang kinakaharap natin ngayon dahil sabi nga nila lahat naman yan ay malalagpasan natin.
Ang article na ito ay tungkol sa mga guro. Dahil nagcecelebrate ang ating bansa ng “Teacher's Month”. Gusto ko lang bumati sa mga guro na nandito sa platform na ito ng “Happy Teacher's Month” at sa lahat ng guro sa buong mundo. HAPPY TEACHERS DAY/MONTH po sa inyong lahat. Grabe ang saludo ko sa inyo dahil kayo ang pinagmulan ng aming mga kaalaman. Kung hindi dahil sa inyo ay wala ngayong mga Doctor, Engineer, Architect, Lawyer, Police at marami pang iba. Kung walang guro ay wala ding estudyante ngayon at wala din ang mga successful na tao ngayon sa ating mundo. Kaya naman bumabati ako sa inyo at ako ay saludo talaga sa inyo.
Meron nga akong natatandaan na kinuwento sa aking noong bata pa ako eh. Mayroon daw limang tao na nakaakyat sa langit, isang doctor, isang police, isang engineer, isang business man at isang teacher. Nagkukuwentuhan daw sila kung ano ba ang nagawa nila at kung bakit sa langit sila napunta matapos mawala sa mundo. Ang sabi ng doctor “ako ay napapagaling ko ang mga taong may sakit kaya marami akong natulungang tao at iyan ang dahilan kung bakit ako napunta dito”. Ang sabi naman ng police “ako naman nanghuhuli ako ng mga masasamang tao, yung mga tao na gumagawa ng hindi naayon sa tama at sa tingin ko ay iyan ang dahilan kung bakit din ako narito”. Ang sabi naman ng engineer “ako ang dahilan kung bakit may magagandang building at may mga bahay ang mga tao at kaya sa tingin ko ay iyun ang naging dahilan kung bakit din ako nandito”. Ang sabi naman ng Businessman “ako ay nagtatayo ako ng maraming negosyo at dahil doon maraming tao ako na kinakailangan ko at nakakapagbigay ako ng trabaho sa maraming tao at dahil doon ay natutulungan ko din sila, iyan ang dahilan sa tingin ko kung bakit ako nandito". At ang sabi naman ng Teacher “Ako, ako ang dahilan kung bakit naabot nyo ang mga pangarap nyo, kung bakit kayo naging doctor, kung bakit kayo naging engineer, kung bakit kayo naging police at kung bakit kayo naging business man at marami pang iba. Dahil ako ang nagturo sa inyo upang kayo ay matuto at maabot nyo ang mga pangarap nyo. At dahil doon ay marami akong natutulungan na tao kaya ako napunta dito”.
Image source: Teaching
Alam kong luma na ang kwento na yan at sadsad na sadsad na sa pandinig ng mga tao. Pero hindi ko nakakalimutan ang kwentong yan.
Lahat ng guro ay dapat nating pasalamatan, magaling man silang magturong guro o hindi. Dahil nag eeffort pa rin naman silang turuan tayo. Alam kong may mga masisipag na teacher at may mga hindi din ganoon kasipag magturo, pero iniintidi ko pa rin sila dahil baka may mga pinagdadaan sila sa buhay nila o may problema sila kaya hindi sila ganoon kasipag magturo. Pero alam ko naman na marami silang pinaghirapan bago nila marating ang pagiging guro kaya deserve pa rin talaga nila ang ating respeto.
Sila ang dahilan ng ating karunungan, sila ang humubog sa ating mga kaalaman at pati na rin sa ating mga ugali at pagkatao. Habang nagkakaedad tayo ay nadadagdagan ang ating kaalaman at dahil yun sa mga guro natin. Nagsimula tayo na kakaunti lang ang ating nalalaman at sila ang tumulong sa atin upang madagdagan ito at mapalago. Kaya naman dapat talaga natin silang bigyan ng pasasalamat at papuri dahil sa kanilang itinuro sa atin. At hindi natin dapat sila kalimutan dahil naging parte din sila ang ating mga buhay.
Kaya naman gusto ko lang sabihin na Happy Teachers Month sa lahat ng guro at sobrang proud po ako sa inyong lahat and continue inspiring and teaching us!
At dyan ko na po tatapusin ang artikulo na ito. Sana ay nag-enjoy po kayo sa pagbabasa.
Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa, sana po ay huwag kayong mapagod at magsawang basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga gawa. Salamat muli. Hanggang sa muli.
Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcocomment at nag uupvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead Image Source: Pinterest
Kapag nabasa to ng mga Guro matutuwa dito mare 🥰 yung hirap at pagod nila sa pagtuturo malilimutan nila ng saglit dahil dito. Saludo talaga ako sakanila. Kahit na may mga pasaway na students mapag pasensya sila.