Buhay Probinsyanong Mindoreño
Magandang araw mga kaibigan..
Masarap mamuhay sa gitna ng kabukiran lalo na at meron kang prutasan at gulayan, yan ang namiss ko sa aming baryo sa Mindoro kaya sa twing umuuwi kami ay sinasamantala namin na mamitas ng sariwang gulay at prutas para iyon ang ihain sa aming hapag..
Yan ay tanim ng aking ama sa aming bukid sariwang gulay na nasa bahay kubo, ang sibuyas, upo, kalabasa, ampalaya, malunggay, kamatis , sitaw, talong at okra lang ang wla dahil di nakapagtanim ang aking ama pero ang pangpakbet halos kumpleto na.
Sa aming bakuran meron kaming tanim na mga prutas pipitas ka na lang kagaya ng buko, mangga, chico, pakwan, bayabas, lemon, sampalok, kasoy at iba pa.
O sya mamaya na ulit at ako ay magsasampay pa ng nilabhan.
#noise.app
@Etong17
Magandang kagabi noisemates..
Take charge muna ako ngayun dito busy kasi si mister..haha..last time isinama ko sa work si bulilit kasi wala silang pasok dahil holiday nung papasok na ako sa work, sabi nya pwede daw ba sya sumama sa work ko? Sabi ko ipaalam ko kay boss kapag pumayag kasama sya pag hindi iiwan ko sya kay tita ana nya .eh pumayag si boss kaya naman happy sya makakapunta na daw sya sa work ko.
Ayan at busy din sya sa maghapon nanood at nagdrawing, nagcolor din sya para di sya mainip. Minsan minsan nasunod sa akin at hinahanap ako kapag nawala ako s paningin nya.
Tuwang tuwa din ang mga officemates ko kasi nameet na din nila ang aking anak bukambibig ko kasi sya ang bida sa kwento ko.haha
Binilhan pa sya ng food ng boss ko nalibre sya ng Mcdo. Kya naman di sya nainip at di naman sya istorbo sa work ko nakapagwork naman ako ng maayos kasi goodboy naman sya.
#officebabyboy
Goodmorning noisemates..
Lunes na naman unang araw ng pasok sa isang linggo. Malapit lapit na din ang bakasyon ng mga bata sa school. Maagang nagising si misis para ipaghanda ng almusal si bulilit bago pumasok sa school ako naman ang naghatid sa kanya ngayun dahil off ko naman sa work.
Chicken nuggets yan ang kanyang ulam, napakahirap pakainin ng gulay ang bata sa panahon ngayun. Madalas ulam itlog, chicken, nuggets at iba pa.
O sya busy na naman mamaya. Ingat tayong lahat.
Good morning noisemates..
Maaga binigay ang aming bonus, kaya naman naipasyal ulit namin sa kidzoona ang aming anak, bukod sa palaruan ay mayron silang minigames party sa mga kids kaya naman super nag enjoy talaga sya at nanalo sila sa palaro espadang lobo lang ang prize haha natuwa na din naman sya.
Nakapagshopping din ng polo at rubber shoes, size medium na dating small lang simula ng maggym kasi ako ay naliitan ko na ang mga polo at tshirts ko. Kay bulilit naman ay gamit nya pang school at sa church.
Sa warehouse kami bumili ng shoes dahil nakasale sila kaya naman nkabili ng 4 pairs na shoes at isang rubber shoes si misis, sa akin ay 2 rubber shoes na pang araw araw, sa halagang 1100 at 7 pairs na diba sulit na noisemates.
Kayo anong kwentong sulit nyo noisemates..
Magandang hapon mga kaingay..
Petsa de peligro na naman ilang araw pa bago ang sahod pero ang budget namin paubos na haha..mabuti nalang at may blessings na dumating galing sa aking magulang katatapos lang kasi ng anihan kaya pinadlhan kami ng 2 kabang bigas galing Mindoro, ang sarap ng kanin denorado mindoro sakto naman na naubos na ang bigas namin hayan at may kapalit na kaagad.
Ang isang kaban para sa amin at ang isa hati ang ate ko at ang aming pinsan.
Nagluto naman si misis ng tortang talong at piniritong tinapan at okra para sa aming ulam sawsaw sa alamang solve na ang kainan.
Kayo mga kaingay ano po ang inyong hapunan?
Sabado na ngayun day off punta muna sa gym at ng makapag -exercise.
Throwback time..
Noon
Atin munang balikan ang larawan ng nakaraan magboy friend girlfriend pa lang kami dito ni misis ng kami ay umuwi sa kanilang probinsya sa Baler, Aurora madaming magagandang tanawin at madami ding beach na paliguan at malinaw ang tubig lalo na sa ilog. Marami ding waterfalls at masarap ang inuming tubig at totoong lasang mineral fresh kasi na galing sa bundok ang tubig
Sa larawan Naglalakad kami patungo sa tabing dagat at para na din makalanghap ng sariwamg hangin. At nagselfie na din kami at pinityuran ang aming anino.🙂
Ngayun
Sa kasalukuyan kami din naman ang nagkatuluyan bilang mag asawa at masayang namumuhay sa isang simpleng tahanan kasama ang aming nag iisang napacute na baby at ngayun sya ay anim na taon na at napakabibong bata. Sa ngayun syabay nasa unang baitang na ng kanyang pag aaral mahaba haba pa ang lalakbayin para makamit nya ang kanyang pangarap sa buhay at para magkaroon din ng sariling pamilya.
O sya magandang hapon mga kaingay.
Magandang umaga noisemates..
Kahahatid lang kay pogi sa school umpisa na naman ng isang linggong pasok sa school at si misis ay back to work ba din ihahatid ko naman sya mamaya at ako naman ay nakaday off.
Nagluto ako ng humba para sa aming ulam katambal ng redrice para sa aming almusal, chicken nuggets naman para kay pogi at ham sandwich ang kanyang baon.
So paano hanggang sa muli..ingat po tyong lahat.🙂
Whaaaazz up dear noisemates..
Balita po dito, ngayun lang ulit may time kaya samantalahin ang mga sandali..
Late dinner na yan habang nanonood ng youtube sa laptop si bulilit at si mommy nya. Dahil friday naman na at bukas wala na sila pasok maya maya na yan makakatulog.
Pero mga 15 minutes na lang at magpapahinga na din.
Nagtake out na lang sa Mcdo si misis dahil di na nakapagluto kanina at ako naman ang papasok sa work di naman masyadong busy sa gabi kaya medyo hayahay. May time lang na maraming biahe, minsan wala. Kaya nakakapahinga din ng mahaba haba at nakakapagcp.
Bukas last day na din ng pasok ko, then 3 days off na naman.
Goodnight everyone.
Good morning noisemates..
Breakfast time adobong chicken at red rice..
Healthy living tayo dapat. Mas mahal ng konti sa white rice ang red rice pero worth it naman kesa sa gamot ang bilhin diba noisemates.
Day off ulit today kaya mahaba haba ang pahinga at bonding namin ng aming unico hijo. Hatid ko naman sa work si misis mamaya.
Ang bilis ng araw bukas biernes na change shift na naman sa work night shift na ulit. Last month kasi ay dayshift.
O pano ingat po tayong lahat noisemates🙂
DINE IN - DINNER
Good evening noisemates..
Katatapos lang maglaba gabi na din kasi ako Nag umpisa at nakakapagod kaya naman sumaglit muna kami sa Jollibee may 24hours kasi na open malapit s amin kaya nagdine in muna kami syempre happy tummy na naman lalo na si bulilit.
Day off ko kasi today at hanggang bukas, may lakad kasi ako bukas pagkahatid ko kay misis sa work kaya tinapos ko na ang labahin namin, si misis na lng ang magsasampay bukas.
Back to work na din sya bukas at back to school na si bulilit. May tagasundo naman sya inuupahan namin ang isang kaibigan namin kapag sya ang magsusundo sa school at don mag stay sa kanila hanggang mkauwi kami ni misis pag parehas kami may work pag off ko nman wala sya bantay.
Twing akinse at katapusan din ang sahod nya. Tuwang tuwa naman sya kasi kahit papaano my extra income sya. Mabait naman sya s bata at magkasundo din sila. Mas ok na dun magstay sa kanila kasi may kalaro sya ng mga anak nya at marami din sya nakakain kapag may mga kasabay sya na kapwa bata nya rin.
Hayan at nagwacky pose pa sa picture ang bata batuta. Maaga na din sya pinatulog dahilmaaga din sya gigising bukas.
O sya pahinga na din noisemates.
Goodnight.

FITNESS FAMILY BONDING
First day, husband and wife goal to be healthy and fit. First session na nakasama si misis sa Gym at ako ang kanyang instructor. Kasama din namin si bulilit at nag eexercise at naenjoy nya ang malaking bola.
Ngayun lang ulit nagkaroon ng time na makapunta at makasama ko sya sa gym, sa bahay lang kasi sya madalas mag exercise. Dito kasi mas mamomotivate sya lalo mag-execercise dahil maraming gamit.
Pati si bulilit nakikigym din at nag eenjoy.
#FitnessFirst
#HealthIsWealth
Beeda ang Batang Jollibee
Eto yung time na sinundo namin si misis after masundo sa work nagyaya sa Jollibee ang bata batuta request nya ay burger steak with rice nanawa na sa chowking kaya sa Jollibee naman nagyayaya kapag may budget na extra.
Chickenjoy at spaghetti naman kay misis at tuna pie sa akin. Busolve na ang tummy para pag uwi pwede na magpahinga.
Long weekend pero di kami nakapagbakasyon dahil may pasok ako sa work. Kya staycation nlng muna.
Goodmornight noisemates.
QUARANSTEAKS
Hi noisemates share ko lang ang isa sa favorite hang out namin ang quaransteaks..after pandemic nung pwede ng kumain at mag dine in sa labas naghanap kami ni misis ng masarap at malasa at mainit init na bulalo, may nagrecommend sa amin dito nga sa Qsteaks..masarap nga ang kanilang bulalo one of the best ika nga.
Pero meron din silang ibang menu that time na nag ooffer sila ng one choice of steaks then unli side dish like bake macaroni, lasagna, fries, and tacos at meron din naman ala carte. Kaya ng sumunod na balik namin steak ang inorder namin with unli sidedish.
Meron din brownies and fruits shakes like ube shake, watermelon and many more.
Kapag may sahod at extra dyan kami pumupunta, pero ngayung madalang na dahil busy na din one time naisipan namin ulit kumain dito at yung dati punuan sila ngayun parang kakaunti na ang mga costumers nila.
Yun pala nagchange na sila ng prize at promo single order na lang di na sya unli side dish, mas mahal na, kaya siguro dumalang ang costumer at may nakakumpetensya silang samgyupsal sa taas nila nasa 2nd floor sila sa 3rd floor 199 lang may samgyup ka na.
FOODTRIP sa tag ulan..
Magandang gabi noisemates, kumusta po kayo sana walang napinsala ng bagyong paeng.
Mabuti at pumayapa na ang panahon lumipas na din ang matinding hangin at ulan lumisan na din si paeng sa Pilipinas.
Usapang pagkain naman tayo ngayun.
Ham sandwich with lettuce, ketchup at mayo para sa merienda kanina at buttered seafoods at red rice para sa hapunan, meatloap at egg naman para kay bulilit.
Long weekend pero di makapagbakasyon dahil sa tawag ng tungkulin may pasok parin dahil sa bagyong paeng.
Goodnight guys pasok na ulit bukas.
Maulamg umaga sa lahat..
May bagyo na naman sa pilipinas kaya mag ingat po tayong lahat, day off sana ngayun pero dahil may bagyo pinapasok kaming rescue team at naka stand by kami para sa mga nangangailangan ng tulong marami din kasi sa area namin ang mga binabaha at kung minsan kinakailangan irelocate at dalhin sila sa mga evacuation center pansamantala.
Bumili ng pangspaghetti si misis at dahil may pasok sya kahapon ako na ang nagluto at munggo overload ang ulam namin kagabi umabot pa kaninang almusal bago pumasok sa work.
Nakadami din ng kain si pogi..na pihikan pagdating sa pagkain pero dahil masarap ang pagkaluto ng spaghetti eh naahataw sya sa kain.
O sya mga kanoisemate mag ingat po tayong lahat. God bless.
Magandang umaga noisemates
Ang mga larawan nakuhanan ko habang nabyahe kami sa kahabaan ng Roxas boulevard papunta kami sa parañaque, maaraw pa ng umaga tapos sa hapon biglang uulan..
Sa kababaan ng aming biahe marami na ang nabago sa lugar na makikita ang naglalakihang building at ang mga naglalakihang tulay at flyover na inumpisahang ipagawa ni tatay digong at patuloy pa na ginagawa mas malaki ang ginhawa sa mga namamasahero kapag iyon ang natapos.
Anyway friday na naman day off ko at wala din pasok si pogi, last day of work naman ni misis ihahatid ko na lang sya mamaya maya.
Good day everyone
FAMILY DINNER
Good evening guys..maaga ang aming payday dahil holiday na nextweek..kaya naman ng sunduin namin si misis nagrequest na naman ng Jollibee si pogi.
Ang batang marunong nang magcount down kapag malapit na ang sahod namin ni mommy nya, dahil makakain na naman sya sa Jollibee at di makakalimutan ang kinder joy na paborito nyang ipabili. Masarap ng chocolate nya parang ferrero at may kasamang maliit na toy.
Bukas wala silang pasok dahil absent ang teacher nila. Katatapos lang ng exam nila kanina. May naiwan pa na isang subject sa Monday na ulit sila mag eexam.
May madadagdag na isa pang subject nila sa next quarter kaya medyo tanghali na ang uwian nila next grading.
Magandang gabiiiii..
Good morning noisemates..
Start na naman ng unang araw ng pasok sa isang linggo..ito pala yung part 2 na gala namin nagselfie sya sa LegoLand sa Trinoma..sya na rib ang nagsulat ng pangalan nya sa registration marunong na sya magsulat ng pangalan nya, edad, address at cp number ni mommy for contact number.
Natuwa sa kanya ang receptionist dahil alam daw nya ang details pati cellphone number ..sabi ko oriented na kasi sya kapag halimbawa nawala sya sa mall ng di inaasahan lalapit sya sa guard at sasabihin nya na nawawala sya at ang detalye kung ano ang pangalan nya, pangalan ng daddy at mommy nya at iba pa.
Gusto sana nya magpabili kaso ng mamahal ng gusto nya kaya sabi namin mag ipon muna para sa susunod eh makabili na kmi ng gusto nyang toys
Happy naman sya na magselfie muna🙂
Hello noisemates...
Kumusta kayo? Ngayun lang ulit nakapagpost at nakasilip dito sobrang busy na kasi kaya di na masyadong makapapost.
Anyway dahil Sunday syempre family day gala na naman pumunta kami kanina sa SM val para ipasyal si bulilit at makapaglaro ulit sa kidzoona nag e-enjoy kasi sya doon dahil malawak ang playground sulit na ang isang oras.
At syempre pagkatapos maglaro kakain naghahanap kami ni hubby ng ibang makakainan, kaso ayaw ni bulilit sa Ramen, kaya sa Jollibee ulit ang bagsak namin at syempre ang bee-da e ang bata batuta.
Burger steak sa kanya, chicken spaghetti with rice sa amin ni hubby at may take out pa na tuna pie.
Sa Jollibee, Bee-da ang bata,
at feeling bata hahaha, bee-da ang saya🙂
Good evening noisemates..
Maaga ako pumasok kanina para maaga din sana makauwi pero grabe ang pila dito sa sakayan ngayun kanina pa ako nkapila dito mga 30 minutes na ang lumipas, umuusad naman ang pila pero wala pa ulit ejeep umaambon ambon pa. Mabuti at mahina lang ang ulan wala pa naman akong dalang payong mga bess.
Change topic muna masarap ang nabili kong vegetables salad kanina maliit lang ang binili ko solve at sulit ba din naman.
Wala pa ko naisip na ulamin namin mamaya pero parang masarap ang adobong tokwa. kayo noisemates ano ulam nio ngayung hapunan?
Good morning noisemates..
Sana maging maayos at magaan ang maghapon.
Kahapon kasi maaga sana ako mag out sa work dahil nahihilo na ako hirap na magwork pag may narardaman ka pero dahil di din ako nasundo kaagad eh alas sais pa din ako naka out.
Kumain kami at nagdinner na sa Papa Froy's Lugawan. Lugaw with atay balunbalunan ang aming inorder at kay bulilit tosilog.
Busolve na sa lugaw ang dami kasing sahog kaya medyo nahimasmasan ako at nainitan ang sikmura ko.
Pag uwi di pa agad nkapagpahinga dahil pinaayos pa namin ng linya ng ilaw sa eletrician. Mabuti at naagapan na maayos kaagad .
Good day sa lahat.
Pasok na muna ulit sa work.
LONG TRIP TO TRINOMA
Ito yung time na lahat kami ay walang pasok kaya naman naisipang gumala sa Trinoma, commute lang kami kasi kasama si bulilit pero pwede sana magmotor kya lang napagdesisyunan na magcommute na lang.
Grabe ang haba ng byahe namin monumento lang 45 minutes na sa layo ng inikutan ng bus binago na kasi ang ruta dati sa kamatchili lang nadaan nagyun umiikot pa pabonifacio hanggang sa Lrt grand Monumento. Tapos sasakay pa ulit sa bus paSM north o Trinoma.
At pagdating ng trinoma
grabe ang haba din ng lalakarin paakyat pa sa 3rd floor para lang makatawid at makapasok ng Trinoma kaya padating namin sa loob naghanap muna kami ng makakainan.
Sa kenny rogers kami napadpad at syempre grilled food ang sineserve nila kaya ang inorder namin ay high fiber grilled chicken with veggie salad at low calorie grilled fish with vegetables yan ang nakalagay sa menu nila, ok din naman nabusog at nasiyahan kami sa pagkain.
Then after eating my son decided to play at timezone at dito they required to buy a card for you to swipe and play. before they used token to insert and play ngayun card na ang gamit and reloadable sya then yung tickets na makukuha mo you can redeem it and store the points in your timezone card.
Madami choices na kung san ka maglalaro meron din carousel, big bike motor na una nya nilaro, train , at marami pang iba. Pero di naman lahat nalaro siguro kung sa kidzoona mas nag enjoy pa sya. Anyway hanggang dito na lang muna. To be continued next chapter. 😀
FAMILY PORTRAIT
Sabado na naman mga kaingay walang pasok si bulilit kaya naisipang magpaint ayan ang resulta ng kanyang pininta si Mommy, si kuya(sya) at si Daddy ang kanyang pininta ang aming daw pamilya.
At ng may dumaan na prutas vendor nagpabili ng prutas grapes, saging, orange at watermelon, pinya na slice na kaya naubos kaagad di na napicturan. Bumili pa ng ice cream na hugis watermelon, Mahilig kasi talaga sya sa watermelon kaya yun ng unang naubos.
Mahirap lang talaga sya minsan pakainin masyado mapili sa ulam. Mabuti at mahilig naman sya sa prutas at bawi na lang sa gatas.
FAMILY SUNDATE
Magandang hapon noisemates..
Kumusta kayo dito?? First post ko pa lang dito sa noise app..ngayun lang nagkaroon ng time..
Dahil sunday naman gala gala din pag may time para happy ang family, naglaro ulit sa Kidzoona si bulilit dahil payday naman at goodboy naman sya sa school deserve naman ang mag enjoy at maglaro si kuya. At pagkatapos umuwi na din kami may food naman sa bhay kaya nag take home na lang kami ng popcorn.
Tapos na din ang Church duties at bukas lunes na naman pasok na ulit sa school si bulilit kami namn ni misis back to work na ulit .
Have a blessed sunday to all.
Artwork ni Bulilit
Flex ko lang Ang drawing ni Bulilit, iginuhit Ang ating earth at Ang flag Ng ating Bansa Ang Pilipinas hayan at napakahusay Ng pagkagawa at pagkakulay Ng ating Mundo.
Chicken nuggets Naman Ang kanyang ulam at baon na din sa eskwelahan Mamaya sa kanyang pagpasok. Magana syang kumain kanina dahil masarap daw Ang kanyang ulam. Ang hirap mag isip kung ano Ang ipapabaon at ipapaulam sa nag iisang tsikiting.
Lunch out
Magandang hapon mga kaingay..kumusta naman inyong araw..ako at ang aking pamilya ay ayos lang naman.
Sunday ngayun at natapos na din sa pagtupad Ng tungkulin sa Ama.
Dahil tanghali na kami nakauwi di na nagluto kumain nalang kami sa Sizzling store malapit dito sa amin Pork sisig ang order namin ni misis at hotsilog naman kay pogi solve na ang tanghalian.
Day off na ulit hanggang miyerkules kaya kami na naman ang magkabonding ni bulilit at si mommy nya nman ay may pasok na ulit sa work.
Pinagbasa ko si bulilit para ready na ulit sa exam nila bukas.
Monggo Overload with Seafoods
Yan ang aming ulam ngayun mga kaingay..
At dahil birthday ko ngayun at
Namiss namin mag ulam ng monggo kya naman yan ang niluto namin ni misis ko overload dahil ang toppings ay seafoods..
Ingridients;
Bawang
Sibuyas
Kamatis
Siling berde
Monggo
Mais
Tahong
Hipon
Chicharong baboy
Dahon ng ampalaya
Ampalaya
Paano lutuin?
Ilaga muna ang hipon lagyan ng kaunting asin ihiwalay pagkaluto,
isunod ang tahong sa pinalutuan ng hipon ihiwalay pagkaluto
Igisa ang bawang sibuyas at kamatis
ilagay ang monggo at mais at timplahan ng ayon sa panlasa mo gamitin ang sabaw pinaglutuan ng hipon at tahong para mas malasa ilagay ang siling berde at pagluto na ilagay sa mangkok at ilagay ang toppings na hipon, tahong at chicharon..
Arat na mga kaingay.
Maaari nyo ring subukan iluto at tyak mapapaayayay kayo sa sarap ng monggo overload.
#Foodtrip
#Bornday
HAPPY WEEKEND
Salamat sa Diyos at payapa na naman matatapos ang isang linggo at dahil biernes naman ngayun walang pasok ang binata namin kaya pwedeng manood ng youtube.
Pinapanood nya ang paborito nyang character ngayun si mikey at jj sa minecraft ang husay din nya maglaro ng minecraft.
Noong isang taon pa lang sya ang paborito nya panoorin ay "baby bus" sumunod ang "peppa pig" tapos nauso ang " among us" nagulat pa nga ako minsan may kausap sya akala ko wala sya kausap yun pla meron parang naglalive chat sila with audio pa kasi.
Tapos sumunod si "PJ masks" pero pinatigil ko sya sa panonood ng among us at PJ masks mga bad deeds kasi ang naadopt nya sa halip na mabuti ang tularan mas natatandaan nya ang mga kalokohan sa napapanood nya.
Ngayun minecraft ang madalas nya laruin at panoorin sa youtube ang character ni Mickey at JJ ok naman at di bad influence sa kanya. mas nahahasa din sya sa english. Mas mabilis pa nga sya magbasa sa English kesa sa Tagalog.
Hayahay ang buhay ni bulilit.
Share Your Daily Life

BATANG JOLLIBEE
Nabudol na naman ni Jollibee...pagkasundo namin kay misis eh nagyaya kumain sa Jollibee si pogi. Dahil goodboy naman sya deserve naman nya magjollibee kiddy meal syempre ang inorder para may toy din daw sya.
Happy kid na naman dahil busog lusog sya naubos nya ang isang order ng burger steak.
Kahit wala pa sahod ok lang basta happy ang bata, pati si mommy at daddy happy na din.
Family bonding
Dahil walang pasok kahapon namasyal kami sa SM at naglaro sa kidzoona ang bata sobrang nag enjoy sya sa palaruan pagdating s bahay kumain lng at natulog na ng maaga dahil maaga din ang pasok nya ngayun dahil balik iskwela na sya ulit kami naman ni misis back to work na din.
Ang tita nya ng magsusundo sa kanya mamaya..tyak dadaan na naman ulit sila sa playground pagkagaling sa school.
Matatapos na naman ng buwan ng August at ilang araw na lang ber months na..night shift na ulit sa work. Napakabilis lumipas ng oras at araw.
Mag ingat po tyong lahat at magandang araw