Maulamg umaga sa lahat.. May bagyo na naman sa pilipinas kaya mag ingat po tayong lahat, day off sana ngayun pero dahil may bagyo pinapasok kaming rescue team at naka stand by kami para sa mga nangangailangan ng tulong marami din kasi sa area namin ang mga binabaha at kung minsan kinakailangan irelocate at dalhin sila sa mga evacuation center pansamantala. Bumili ng pangspaghetti si misis at dahil may pasok sya kahapon ako na ang nagluto at munggo overload ang ulam namin kagabi umabot pa kaninang almusal bago pumasok sa work. Nakadami din ng kain si pogi..na pihikan pagdating sa pagkain pero dahil masarap ang pagkaluto ng spaghetti eh naahataw sya sa kain. O sya mga kanoisemate mag ingat po tayong lahat. God bless.
9 comments
Ingatan kayo ng Panginoon po
Wow mushroom
Opo masarap may mushroom dmtinamad n lang magslice..kaya buo na lang masarap naman..
Napaka risky pala ng iyong trabaho. Buhay Ang nakataya sa paglilingkod sa kapwa. Gabayan at ingatan po kayo at ng mga kasamahan mo sa pag ganap at pagtulong sa kapwa.
Opo, happy to serve naman po sa mga kababayan natin..mag ingat din po kayo palagi at God bless din po..
Natakam din ako sa spaghetti na iyan 😋
Masarap mate di nakakaumay di gaya ng usual na timpla ng spaghetti
Ingat po mate napaka risgo ang trabaho mo.. lalo na may bagyo
Oo mate ingat din kayo lagi, sumunod lang sa mga patakaran para safe tayo lahat. God bless