Magandang hapon mga kaingay.. Petsa de peligro na naman ilang araw pa bago ang sahod pero ang budget namin paubos na haha..mabuti nalang at may blessings na dumating galing sa aking magulang katatapos lang kasi ng anihan kaya pinadlhan kami ng 2 kabang bigas galing Mindoro, ang sarap ng kanin denorado mindoro sakto naman na naubos na ang bigas namin hayan at may kapalit na kaagad. Ang isang kaban para sa amin at ang isa hati ang ate ko at ang aming pinsan. Nagluto naman si misis ng tortang talong at piniritong tinapan at okra para sa aming ulam sawsaw sa alamang solve na ang kainan. Kayo mga kaingay ano po ang inyong hapunan? Sabado na ngayun day off punta muna sa gym at ng makapag -exercise.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Magandang hapon sis... Wala pa ding hapunan hehe at di pa rin makapag decide kung anu ba ang lulutuin hahah wala na din kasing laman ang ref
Hahaha yan minsan sinasabi ko sa anak ko na petsa de peligro
diko pa po alam lulutuin ko, kapatid! have fun at the gym!
Mabuti at may dumating na grasya dapat pasalamatan natin Ang dios sa LAHAT na natanggap na biyaya sa araw araw Kaya thank you Lord.
Malaking tulong na nga po iyan at matagal tagal niyo din maisasaing yan.