Hello noisemates... Kumusta kayo? Ngayun lang ulit nakapagpost at nakasilip dito sobrang busy na kasi kaya di na masyadong makapapost. Anyway dahil Sunday syempre family day gala na naman pumunta kami kanina sa SM val para ipasyal si bulilit at makapaglaro ulit sa kidzoona nag e-enjoy kasi sya doon dahil malawak ang playground sulit na ang isang oras. At syempre pagkatapos maglaro kakain naghahanap kami ni hubby ng ibang makakainan, kaso ayaw ni bulilit sa Ramen, kaya sa Jollibee ulit ang bagsak namin at syempre ang bee-da e ang bata batuta. Burger steak sa kanya, chicken spaghetti with rice sa amin ni hubby at may take out pa na tuna pie. Sa Jollibee, Bee-da ang bata, at feeling bata hahaha, bee-da ang saya🙂
1 comment
Kahit ako po mahilig din ako sa Jollibee ☺️