What's New!!🤗 Blessed morning noisemate.. May nag alok sa tindahan ko ng bagong paninda ang bayad daw pagbalik na nila sa katapusan nito.. Kung ano lang ang nabenta iyon lang daw ang babayaran ko.. Dahil curious ako kung maganda ba product ako muna gumamit.. Mabango dalawang fabric conditioner at diswashing soap ay okey din gamiyin.. sa liquid detergent lang ako nakukulangan ng performance..hehe Di masama sumubok ng bago lalo na kung mas mura sa nakasanayan..6.50 puhunan pang 8 daw ang srp.. doble ang laman sa lumang brand..😏
25 comments
Maganda din kaya iyan gamitin?
Maganda din sis swak sa nagtitipid mas madaming laman siksik at hindi puro hangin lang..
Okay na din yung alok nila, lalo kapag mura lang nila binibigay. Sana makabenta ka ng madami, or maubos lahat. God bless
Salamat sis.. parang ayoko na nga ibenta..ehehe panggamit ko nalang.. nextime kuha ko mas marami para maibenta naman..😅
Bago nga yan sis waley pa ko makita niyan sa mga tindahan dito...
Bka makarating din sila diyan sis mga sari sari store muna siguro target nila wala pa rin sa palengke..
Aba try
Oo sis kapag meron na diyan..😅
Blessed morning sis
Sayo din sis.. nawa magampanan natin lahat ng duties ngayon bilang nanay..😊
Sana maganda sis,nadala kami bumili sa mga nag aalok alok,bumili kami noon ng tooth brush,yun toothbrush fake,pagsisipilyo ko,ano ba yun naglalagas yun bristle nya,tapos yun shampoo naman na pantene nasa bottle ayaw bumula,gawgaw ata laman na may halong tubig. Kaya ingat din sa mga binibili.
Dami talaga fake ngayon sis.. kagabi lang ung dove ko sabon nabili amoy safeguard ang hirap pabulain pero same price nabili.. nakakadala din talaga.. kaya kapag ganitong may bago mas ok subukan ko muna bago itinda para hindi kawawa si customer..
tama yan sis, yun samin noon, di namin naibenta, nasayang lang din, di nagamit.
nakakadala po talaga...un biyenan ko nadali ng sabon n powder panlaba halos ibuhos ko lahat un sabon d nabula kakaunti tas mahal pa...binigyan nmn kami kc dto sa kalsada nmin cya nadali ng nag aalok na sabon...ginawa ko panglanis ko sa wiwi ng mga aso
nfake ka din pala hehe
akala ko una tingin juice yun heheh uu nga pwede naman m try lalo mura at maka tipid
Hehe iba iba kasi ng kulay sis.. Mas marami laman patok sa nanay na nagtitipid..😊
Minsan mahirap din sumubok ng ibang product baka masayang ang bayad kaya kapag bumili rin ako sa subok ko na. Pero yotoo sis wala naman masama sumubok para din malaman kung maayos ba gamitin :)
Tama sis wag lang bibili agad ng madami tamang isang gamitan muna para incase hindi maganda product tamang subok lang..
May ganitong sabon matingnan ng sa susunod n dalaw sa grocery
Nice, pwede Kang commercial brand. Magaling kang magmarket.
Di sya familiar sa akin sis pero mura lng sya oh.
magndang offer yan naalala ko bigla din sa nanay ko may nag offer ng hopia sila mag babagsak ng paninda tapos ganun din kung ano lang ang mabili tapos babalikan nila, kahit paaano wlang kang puhunan jan at ikaw pa ang kikita
Maganda ang offer nila sis
Pero ingat padin mga nag aalok minsan scammer. Baka maganda ung example tapos kapag bumili kana ng maramihan chalk na