Blessed morning noisemate.. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon dito.. feeling ko makakatuyo ako ngayon ng sinampay.. Buti naglaba nako kagabi ang hina ng tulo sa gripo siguro sa dami ng naglalaba ngayon.. May nabili pala kong itlog na maalat na walang kulay.. sarap bagong gawa 50 pesos apat.. Matutuwa si ate brey nito paborito naming mag ina..hehe Thank God nalagpasan namin ang buwan ng September na ang dami pagbabago.. Welcome October.. Nawa mas maging maayos masaya angβ¦
@Encarnation3456 in October 2022
Blessed morning noisemate.. Kamusta nawa happy ang pasok ng unang araw ng October natin.. babye September sana maiwan na sayo lahat ng nega..hehe negang maraming aral din na pwede baunin sa bagong buwan.. May nabili pala kong Itlog na pula na kulay puti.. Mas bet ko ganitong klase walang kulay humahawa kasi kapag meron kulay pula.. 50 pesos apat..sabi ng nagtitinda hindi daw masiyadong maalat..π
Kain tayo noisemate.. Nalate na ng tapos ng luto ng chicken fillet.. Simpleng ipipirito ko nalang sana eh nag request si bunso lagyan daw ng coating.. Tuwing gagawa ako nito naalala ko si chef tatung reminder niya ang salitang FEB means Flour Egg Breadcrumbs yan pagkakasunod sunod..π
Sino pa hindi nakakain ng lunch? Same here hinapon na.. ganito kami madalas kapag walang pasok kahit anong oras bumangon mga bata hinahayaan ko lang.. kaya ang ending late lunch na..hehe Maulan dito diyan sa inyo noisemate.. kamusta.. Kanina kaganda ng araw eh pinagbigyan naman ako makatuyo..π
Mainit na hapon noisemate.. Nag aya si bunso bumili ng milktea may tira pa daw siyang baon.. magkano ba kako pera mo ang sabi 55 daw.. sige sabi ko icheck ko muna sa order mo kung may free delivery pa.. Ayon chineck ko nga at free delivery parin sila.. Di ko din napigil umorder ng para sakin na wintermelon.. si ate brey ayaw niya umorder mababawasan daw pera niya..hehe ang totoo ayaw niya ng lasa ng milktea.. 106 lahat total pinunan ko nalang kulang..π
Gandang hapon noisemate..π€ May mga milktehan na relate sa pag bubudget mo.. Tipong gusto mo mag milkte pero mahal.. Kaya naman nang makita ko to sa app sinubukan ko..pangalan palang mukang naiintindihan ang pangangailangan ko..haha Budgetearian..π
Gandang gabi noisemate.. Pagka tapos ng hapunan bicho bicho naman ang panghimagas.. Ang dami nitong tinda sa bayan kahilera ng bibingkahan.. tuwing sasapit ang ber months pinipilahan at dinadayo kung saan pwede pa doon mismo kumain.. sayang nga lang hindi ko na uli naranasan kumain at tumambay sa bayan.. Di bale for now take out muna.. kain noisemate..π€
Good evening noisemate..π€ Kain tayo ng bicho-bicho mas maraming gatas mas masarap.. Tuwing ber months kasabay ng bibingka puto bumbong ang bicho-bicho dito sa amin.. Masarap lalo na kung mainit..
Blessed morning noisemate.. Nandito na kami kila nanay pagdating ko nakapamalengke na siya at ready na ang lulutuing pang sigang.. Umaambon dito na umaaraw.. Happy Sunday noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Happy Sunday! Happy family day! Sunday ang favorite kong araw siyempre nakakasama ko sila nanay at mga kapatid ko dagdag pa ng makakatikim ng masarap na luto ni nanay.. God bless us noisemate nawa maging happy din ang araw nyo..π€
Namitas kami ng dahon ng saging sa bahay ng kapatid ko.. medyo malapit lang bahay nila kila nanay.. ayan dahil siya mas mataas samin dalawa siya na pinaputol ko.. Mamaya paiinitan ko yan sa apoy para malinis makainan..π
Gandang hapon noisemate.. Busog much sa tanghalian kanina.. Hindi napansin ang sinigang na hipon mamaya sure na makakain yon dahil walang ulam..hehe Nag sangag si nanay na may pritong hotdog nuggets tocino at talbos na nilaga.. Simpleng mga ulam na pinapasarap ng sabay sabay na pagkain ng pamilya..π
Feeling jackpot ako kanina ng utasan kami ni nanay pumitas ng kalamansi sa bakuran ng father in law ng kapatid ko.. ang laki ng mga bunga sayad na nga sa baba ng lupa.. sa laki nito parang maliliit na dalandan na.. ayos kako to sabi ko sa sarili ko matutuwa si nanay.. kumuha lang ako ng dalawa.. Nang makita ko ng kapatid ko sabi niya dayap yan hindi kalamansi..hehe natawa ko sa sarili ko.. Yung katabing puno pala ang kalamansi halos magkamuka kasi sila ng dahon at taas ngβ¦
Gandang gabi noisemate..π€ Sa edad kong ito ngayon lang ako nakapitas ng dayap na napag kamalan ko pang kalamansi..hehe Now i know na hindi pala lumalaki ng ganyan kalaki ang kalamansi..π
Blessed morning noisemate.. Ang sarap pa sana pumasok sa kwarto at tabihan ang mga bata sa pag tulog.. Kapag ganitong panahon ang hirap bumangon umuulan ulan na hindi kalakasan.. Nag sangag ako ng kanin at may ulam na itlog na maalat.. need ng energy.. Kain tayo noisemate.. GOD bless us..π€
Blessed morning noisemate..π€ Magandang umaga pa rin kahit hindi kagandahan ang panahon ngayon biyaya pa rin yan sa marami.. Almusal tayo ng itlog na maalat at sinangag.. Kape nalang kulang pampagising.. Nawa maging happy and safe ang Monday nating lahat.. GOD bless us..
Gandang tanghali noisemate.. Tirang sinigang na hipon nag ulam namin..kahapon pa yan.. hindi masiyadong napansin dahil may ibang ulam.. Init init nalang ng sabaw ngayon.. Sarap ng pagkaluto ni nanay maasim fresh sampalok ang ginamit niya diyan hindi pa nasiyahan dinagdagan pa ng maliit na powder.. Happy lunch time noisemate..π€
Happy lunch time noisemate..π€ Kain tayo ng tirang sinigang na hipon.. ininit ko lang bagay sa panahon ang mainit na sabaw.. Maulan pa rin dito.. buti wala kami pasok ng f2f ngayon..
Ginawa ko ng pinoy pancake ang mga bata.. Napalabnaw ang timpla pero mas ok pala un mas manipis ang kinalabasan.. Pinahiran ng margarine at konting budbod ng asukal naalala ko tig pipiso nagtitinda noon sa skwelahan namin ganito texture.. Miryernda tayo noisemate..π€
Maulan na hapon.. Mirienda time tayo noisemate.. Hot cake pancake o pinoy pancake basta masarap toh anytime..hehe Perfect with margarine and sugar on the top..π
Good evening noisemate.. Throwback ko lang birthday ni bunso madami siya handa diyan.. dati tuwing may okasyon naipag hahanda namin sila unlike ngayon marami nabago.. Mag bibirthday na siya this coming Wednesday sana makita ko uli ganyang ngiti niya.. Isa sa mahirap sagutin ang tanong ng anak kapag kulang sa budget ay kung ano ang handa niya sa birthday niya.. Kinausap ko na siya at pinaintindi ang sitwasyon na higit sa handa ang kahalagahan ng birthday.. Sobrang blessed akoβ¦
Blessed morning noisemate.. 4am palang gising nako at inatake na naman ng pag iisip na hindi na dapat isipin.. Tipong gusto mo pa sana matulog di na magawa.. Pinag pray ko na at pakiramdam ko enough na un para maka idlip pa kahit konting minuto.. may liwanag na sa bintana.. Nakakahanga mga nanay o tatay na gising na sa oras na toh para gumayak ng pagkain at pangangailangan ng pamilya.. GOD bless sa inyo noisemate..π€
Musta noisemate.. nakabawas bawas naba ng trabaho sa gawaing bahay.. Kararating ko lang hinatid panganay ko sa school.. tumuloy nako sa school supply para bumili ng kailangan niyang scientific calculator.. Nong last week pa niya sana kailangan to eh wala ako extra pambili.. nanghiram lang daw siya sa classmate niya.. Ngayon siningit ko na ibili dahil nag message teacher kagabi na kailangan magdala.. medyo mahal 360 pesos.. pero sa pag-aaral at ikakatuto ng bata sige lang..
Blessed morning noisemate.. Natatandaan niyo ba mga mate ng gumamit tayo nitong scientific calculator nong high school sa science subject?.. Ako noon hindi nakabili.. nanghiram lang sa kaklase pero naka graduate ako ng high school hindi ko man lang nalaman ang tamang pag gamit nito..hehe Paano ka ba naman gaganahan magtanong sa teacher eh laging galit at nakasigaw super sungit..hehe Makita ka lang niya naghihigab palalabasin kana.. paano pa kaya kung magtanong at paulit moβ¦
Gandang hapon noisemate.. Nadaan ako kanina sa bayan naalala ko bumili ng tinapay sa bakers fair.. bata palang ako bumibili na kami diyan.. laging cheese cake ang natitikman kong tinda nila dahil iyon nag pinaka mura pero iyon ang pinakamasarap nilang tinda para sakin.. Dating 5pesos naging 6 naging 7 ngayon 10pesos na isa.. Mag bibirthday bukas si bunso binili ko mga favorite niya tinapay.. macaroons, pianono, mamon at cheese cake.. bukas ko nalang papakita sakanila ni ateβ¦
Mirienda time noisemate.. Kain tayo ng Cheese cake na bihira matikman dahil sa bayan lang meron nito.. May mga bakery na hindi nagbabago ang recipe kaya naman kapag natikman mo uli eh parang nag pa bumabalik ang mga memories ng fast habang kinakain mo ito nuon.. Bumawas lang ako ng isa sa binili ko kanina para sa mga anak ko talaga yan..π
Blessed morning noisemate.. Happy birthday sa pinaka pogi kong anak na bunso..hehe si bunso laging cause ng ingay namin mag-iina.. Maharot pero malambing mapag mahal na anak.. May maganda regalo sakanya si God ngayon umaga akalain mo pabubunot dapat namin ung ngipin niya biglang nabunot ngayon umaga.. Imbis na pampabunot sa dentist ibibili ko nalang siya ng favorite food niya mamaya.. thanks God talaga.. iniisip ko palang kasi tuturukan siya ng karayom ng dentista ako naβ¦
Simple celebration but full of love..π Dahil birthday ni bunso ngayon mga paborito niya niluto ko.. carbonara at pancake.. Iyan na tanghalian namin.. Sabi ni bunso happy naman daw siya.. Kain tayo noisemate..
Gandang tangahali noisemate.. Kumain na bayo ng lunch? Kami ito kakaluto ko lang.. dahil birthday ni bunso niluto ko paborito niya na carbonara at pancake.. Iyan na tanghalian namin hindi nako nag saing.. Kain tayo noisemate..π€
Gandang hapon noisemate.. Hindi ko inaasahan mag uuwi si partner ng 3 manok na buo ngayon.. ipag handa daw kahit paano si bunso nagbigay din ng pang gastos pangsahog.. baka kako pambayad to upa ng bahay ah..hindi daw.. mainam na sigurado baka maghahanda tapos walang pambayad sa bayarin..hehe De siyempre happy mama dahil meron mailuluto.. Punta kami mamaya kila nanay gawin namin hapunan ang simple salo salo basta maramdaman lang ni bunso special day niya ngayon.. gumawa dinβ¦
Mainit na hapon noisemate.. Coffee jelly dessert para mamayang hapunan.. Pinapalamig ko muna.. sana magustuhan ng mga kakain.. nilagyan ko ng isang maliit na evap para medyo dumami..life hacks ba..π
Ito na nga sinama kami ng kapatid ko para pumili ng cake.. ang napili ni bunso may cookies sa ibabaw.. sabi ko di masarap yon dahil mahal nahihiya ako pero iyon talaga gusto kaya pinakuha na ng kapatid ko.. tapos yung sukli sa 1k binigay pa sakanya.. Thanks God sa lahat ng blessing..π
Gandang gabi noisemate.. Ito napili ni bunso cake bili ng tito niya.. Ang sarap lang ng may mga kapatid na laging nakasupport kapag alam nila kailangan mo ng tulong..π
Thank God nakaraos ang maghapon ng happy at maayos ang lahat.. Nagpost pala ko ng birthday cake ni bunso sa efbi at nag greet ang isa sa mga old friends ko na si haidee.. Everytime makakausap ko siya si heidi cartoons ang naalala ko sa kanya.. Kilala nyo rin ba si heidi mga batang 90s diyan.. Naikwento ko tuloy kay bunso at humanga siya sakin dahil kabisado ko pa mga character at theme song nito..π
Blessed morning noisemate.. Kakatapos lang maglinis ng bahay ung mga singit singit na hindi lagi nalilinis.. Naihatid ko kanina si ate brey sa school at bumili na rin ng almusal ni bunso.. May konting pila.. buti hindi ganon kahaba.. Lugaw itlog binili ko.. tulog pa kakain.. Thursday na noh bilis ng araw.. sweldo lang matagal..π
Blessed morning noisemate.. Kamusta morning natin? Ang ganda ng sikat ng araw dito.. Bumili pala ko lugaw ni bunso.. Sa dami lugawan magkakatabi sa kanto namin ito ang pinipilahang lugawan.. Siguro dahil sa tagal na nilang nakapwesto diyan.. Mas mahal ng 7pesos ang presyo nila kumpara sa mga katabi lugawan pero sila pa rin ang binabalikan.. Isang patunay nga ang lasa at kalidad ang hinahabol ng nakakarami at hindi ang presyo..π€
Gandang hapon noisemate.. Ang init ngayon kararating ko lang.. hinatid si bunso sa school at naghanap ng dental clinic para sa mga anak ko.. hindi ko lahat pinanghanda kahapon ung pera bigay ni partner nagtira ko pang dentist nila magkapatid.. mas importante sakin ito kesa ubusin lahat sa pagkain na sandali lang ubos.. finally nahanap ko na doktora fit sa pag handle ng mga bata.. mukang di matatakot sakanya sila bunso.. bukas punta kami clinic.. May dumating pala ko parcelβ¦
Good afternoon noisemate..π€ May dumating ako parcel ngayon isa ito sa mga inorder ko.. happy mama dahil sulit ang 12 pesos ko dito.. Itong brush ang panglinis ko ng tiles sa banyo.. Pagkatapos ko gamitin sa lapag ko lang iniiwan kaya laging basa.. napapansin ko naninilaw ung tiles kung san naka stay ung brush.. Kaya naisip ko bumili nito.. simpleng dinikit ko lang at ola matutuyo na si brush pagkatapos gamitin..hehe Ano kaya mamiryenda..π
Kainan na noisemate.. Bago sumundo sa school kanina 5pm nagsaing nako.. tapos na rin mag prito ng chicken fillet without coating.. konti lang manok eh tinamad nako lagyan ng bread crumbs..hehe Kain na at maglalaba pa.. Happy dinner time din sa inyo..π€
Blessed morning noisemate.. Tirang cake ang aking alamusal nabagyo na itsura pero masarap pa rin..hehe Ginising ko na mga bata pupunta kami dentist.. Si ate brey may pasok pa mamayang 1pm sa school kaya umaga pinili ko sched sa clinic.. Kain tayo noisemate..π€
Appointment na di nasunod pero ayos lang.. 10:30am appointment namin 12:10pm kami nasalang.. may inuna isa bago kami dumating.. 1pm pasok ni ate brey sakto 1pm dumating kami dito sa bahay sabay bihis na agad ng uniform bale naihatid ko siya sa school late na siya ng 10minutes.. pede na kesa umabsent.. Bawing bawi naman si Dra. Sa kabaitan makipag usap sa mga bata.. Dahil gahol na sa oras parehong cleaning lang ang nagawa.. babalik pa kami bukas 2pm para sa bunot at pasta..β¦
Good afrernoon noisemate.. Mainit na hapon.. kanina habang naghihintay sa clinic may pamiryenda at pa libreng nuod ng tv si mister bean ang palabas.. tipong naiinip nako at gusto ko ng magreklamo sa tagal pero natatawa ko sa palabas..good vibes talaga si bean.. First time pala ng mga bata magpa dentist natuwa naman sila at na enjoy ang cleaning ng kanilang mga ngipin.. Biglang umulan lakas diyan sa inyo kamusta noisemate..
Nung October 5 birthday ni bunso kasabay ng birthday ni inang o ni lola... pumunta kami panchon para batiin.. Yung alam mo di ka naman na maririnig pero babatiin mo pa rin.. Nakakamiss sila ni tatang.. Isang paalala sila na hanggat nakakasama pa natin ang mga taong mahal sa buhay iparamdam na mahal mo sila at mahalaga.. Mahirap na kumausap sa puntod eh.. wala na sasagot at hindi na masisilayan kung gaano siya kasaya at naalala siya.. hanggang alaala nalang ang matamis naβ¦
Hello noisemate.. Baka may nakakaalam diyan sa inyo kung expired na to.. naorder ko online sa official store ng watson.. Napansin ko iba kulay ng takip at iba packaging may pagkakaiba din ang amoy.. amoy plastic ung laman nito.. Samantala nabili ko sa SM hindi naman ganon ang amoy.. wala din nakalagay na expiration date maliban diyan.. para kay nanay pa naman sana to ibibigay ko.. kaso di ko alam kung na fake ako o baka nag bago lang sila ng packaging..
Blessed morning noisemate.. Miryenda tayo ng macaroons na sabi ng mga anak ko paborito daw nila pero hindi maubos ubos.. Mabuti mahaba ang expiration nito.. Ang ganda ng panahon ngayon.. Mamaya aalis uli kami puntang dentist.. Mukang magagalaw ko uli ipon ko dahil kailangan na ni bunso ng pantalon uniform at sapatos.. Plus pa ung pam pasta mamaya ni ate ng ngipin.. Thanks God may mahuhugot sa ganitong sitwasyon.. Thankful din ako kagabi nabunot ko na ngipin ni ate umuugaβ¦
Blessed morning noisemate.. Sabado na uli sadyang napaka bilis ng araw.. Umuupo ka lang sandali di mamalayan 1 oras na pala lumipas.. Kamusta kayo noisemate.. Miryenda tayo ng macaroons.. binili ko dahil paborito ng mga bata pero hindi nila maubos o di na rin pansin.. Minsan nag iisip nako kung ano ba meaning sa kanila ng salitang paborito..π
Gandang tanghali noisemate.. Ininit na kaldareta ang ulam namin.. Tira pa nung birthday ni bunso.. Mukang postponed ang lakad namin mamaya hindi daw makakapunta si doktora.. Hindi na naman ako mapapakali hanggat hindi natatapos ang isang kailangan gawin.. Kain muna tayo noisemate saka uli makapag isip..π
Smoothie.. Yan at hindi na nakatiis ang bata ginasta na ang regalo sakanya nong birthday niya.. binigyan siya ni tita niya ng 200 pang milktea daw... May nakita ko free delivery sa order mo.. yan nalang ang pinili ko may real fruits.. strawberry at cookies and cream.. Pampalamig sa mainit na hapon..π
Mirienda time noisemate.. Nilibre ko ni bunso ng smoothie strawberry cheese ang flavor.. Gift sakanya ng birthday niya pera pinambili niyan.. Bigay ni tita niya.. Kapag may pera si bunso sa pagkain napupunta.. yan ang kaligayahan niya.. May 200 pa siya natira mcdo naman daw.. sunod nalang kako..π
Gandang gabi noisemate.. Nakaraos din ng pag pasta sa ngipin ng panganay ko.. ang hirap ng biglaang lakad kala ko hindi makakarating si Dra. tapos biglang nag message assistant na dumating daw si Dra. kaya ayon madaliang gayakan mabuti 20 minutes lang ang layo samin.. Thank God na solve ang isang problema namin ngayon araw..π
Blessed morning noisemate.. Papunta n kami kila nanay.. Pupunta din mga bata sa sunday school.. Nawa maging happy and safe ang buong araw natin.. GOD bless us..π€
Gandang tanghali noisemate.. Napakainit dito samin tirik na tirik ang araw Napag usapan tuloy swimming nalang daw ang gagawin sa birthday ng kapatid ko balak lang di pa sigurado.. Pritong baboy ang ulam minarinade ng 2days..ehhe sa tagal buti hindi nasira.. pang ihaw talaga to kaso sa init ng panahon nakakatamad na magpa baga.. Kain tayo noisemate..π
Gandang hapon noisemate.. Ito yata ang buwan na maraming nagbibirthday sa pamilya namin.. Dumating si pinsan at binili ng kapatid ko ng cake.. Happy happy naman si pinsan di niya akalain ibibili pa siya..π
Gandang hapon noisemate.. Sunday family day.. may birthday uli samin ngayon si pinsan ko naman.. Niregaluhan siya ng kapatid ko ng cake.. Happy happy si pinsan may mauuwi siya miryenda sa mga anak niya..π
Pancit canton original ang hapunan namin.. Mga walang gana kumain ng kanin nabusog kanina sa miryenda.. Bukas may pasok na naman.. Aga sana makatulog para maaga din magising.. Feeling ko gumaganda ko kapag husto ang tulog ko..hehe feeling lang naman..π
Blessed morning noisemate.. Nagkaron ng pasok si ate brey ngayon hinatid ko na sa school.. Nakaka happy Freebies ni Dra. Sa dalawang anak ko tig isa set sila.. pinicturan lang sila at binigyan nito.. siguro pampalubanmg loob din dahil matagal kami naghintay sakanya..hehe Kahit simpleng bagay basta bigay ang sarap makatanggap..π
Sino aayaw sa freebies? Wala siguro..hehe happy makareceive ng bigay kahit ano pa yan maliit o malaki bagay masarap makatanggap.. Bigay pala yan ng dentista sa mga anak ko tig isa set sila.. Happy monday noisemate..π€
Talo man ako sa iba bagay ngayon.. panalo naman ang simpleng tinola ni nanay.. Sabaw pa lang makakakain na ng marami.. Kain na tayo noisemate.. Happy lunch time sa inyo..π€
Happy si bunso may uwi si papa niyang apat na gatas.. three days siya na diet sa gatas namiss daw niya..hehe Happy mama din kapag may stock sila pagkain.. Miryenda time na.. ano kaya mamiryenda kayo noisemate ano meron diyan.. Ako titigan ko nalang gatas ni bunso parang busog na ko..π
Gandang hapon noisemate.. Another blessing ang dumating uwi ni partner para sa mga bata.. Akala ko nuon ng maawat sila dumede sa bote ay makakabawas na kami ng gastos sa pagbili ng gatas.. Pero mali pala ko continues pa rin hinahanap pa rin nila uminom ng gatas.. sige lang kako wag na natin tipirin sabi ko kay partner pagkain naman yan at kailangan ng katawan nila.. Ako nalang mag aadjust magtipid sa ibang bagay..π Happy mirenda time sa inyo noisemate.. Hapunan nalang akoβ¦
Biglang buhos ang malakas na ulan may malakas pa hanging kasama.. napasarado ko ng di oras ng tindahan ang lakas kasi ng angge.. Kain tayo noisemate ng noodles na may itlog.. Happy dinner time sa inyo..π€
Maulang gabi noisemate.. Biglang buhos ang malakas na ulan hanggang ngayon hindi pa humihinto kaya baha na agad sa labasan.. Ito hapunan namin noodles with egg.. Kain tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Gayakan time na kami.. si ate brey ayaw mag almusal ng heavy meal gatas muna daw siya.. Ayan at kausap ang mga classmate parang mga hindi magkikita mamaya..hehe Hahatid ko lang siya si bunso mamayang hapon pa pasok.. nagbilin na ng almusal kagabi tempura daw.. batang advance mag isip gabi palang almusal na iniisip..π
Wentong tinapay.. Isa sa kahinaan ko mga ganitong tinapay sa bakery.. Di ko alam ang tawag parang siya cake.. Sarap di masiyadong matamis.. Miryenda tayo noisemate.. Pagkatapos nito saing time na..π
Blessed morning noisemate.. Binili ko si bunso ng tempura tinapay kanina sa bakery sumingit na rin ako ng akin mukang masarap ng makita ko.. bumili lang ako ng isa dahil 16 ang isa medyo mahal.. pero ng matikman ko ngayon sarap pala hindi masiyadong matamis.. Kain tayo noisemate..π€
Miryenda muna tayo bago sumundo ng istudiyante.. Ang bilis ng oras.. sarap umidlip kapag mag isa lang sa bahay.. kaso di rin magawa may tindahan..hehe Idaan nalang sa kain pangtanggal antok..π
Mirienda time noisemate.. My simple miryenda itlog with monay and catsup.. Two ways pa yan ng luto..hehe Konting oras nalang sunduan time na sa school.. Kain muna tayo..π€
Gandang gabi noisemate.. Bago umuwi pag sundo sa mga bata dumaan na kami sa prituhan ng manok.. bumili lang ako isang picho 80pesos.. may sinaing na rin tira pa kaninang tanghali sure ako gutom ang mga bagets pag dating at di nga ako nagkamali..hehe Tapos na kami kumain ligpitan na.. Masarap din maaga nakakayari ng hapunan may oras pa kami mamaya sa room mag kwentuhan mag-iina ng ganap nila sa maghapon.. Happy dinner time din sa inyo noisemate..π€
Good evening noisemate..π€ Kumain na din ba kayo.. kami tapos na.. No more luto kami ngayon kaya maaga nakakakain dahil bumili lang ako ng luto na pritong manok.. Tanda ko non bata pa ko 45 lang ang picho nila ngayon 80 na.. pero lasa same pa rin masarap at crispy.. ung lasa nalang talaga ang babalik-balikan..
Wentong banana bread.. Blessed morning noisemate.. Maaga ngayon ang pasok ng panganay ko kaya maaga din gumising at naghatid sa school.. Antok much pa.. Papauwi namin ni tatay na service ko nagpadaan nako sa bakery.. may nakita kong bagong tinda nila.. banana bread 70 pesos daw medyo mahal para sakin pero malaki.. Dahil paborito ko binili ko na para matikman.. Makulimlim ngayon may bagyo yata.. GOD bless us noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng banana bread nabili ko sa bakery.. Kamusta panahon diyan sa inyo noisemate.. Dito makukimlim ang lakas din ng ulan kagabi.. Ingat ang bawat isa GOD bless us..
Cooking time muna.. Iaadvance ko na friday ulam namin na monggo.. May binili din akong tokwa.. Ito ulam na mura masarap at healthy..π
Gandang tanghali noisemate.. Mainit na tanghalian kala ko kanina di aaraw dahil makulimlim.. Luto na ang aking simpleng monggo.. Simpleng gisa gisa lang wala ng karne sahog.. Sabi ni bunso masarap naman daw dami niya nakain..sulit na ang 60 pesos may natira pang ulam mamayang hapunan..π
Gandang hapon noisemate.. Ala una na mahigit maya maya miryendahan na.. Pero ako busog pa sa tanghalian kanina.. Monggo ang ulam.. Ang tindi ng sikat ng araw ngayon nakatuyo nako ng uniform ng mga bata para bukas.. isa sa mahirap kapag isa lang ang uniform dapat malaban agad at matuyo.. Kung araw araw na ang pasok kailanagan na talaga makapag dagdag..
Kain tayo noisemate.. Pancit canton at banana bread.. Namiss ko canton ng makakita ko ng post nito dito kanina.. Mamaya 5pm ay susunduin ko na si ate brey.. Mabilis lang ang oras matatapos na naman ang maghapon natin..π
Good afternoon noisemate.. Di nakatiis nagluto din ng miryenda.. Pancit canton at banana bread.. Natakam ako kanina sa post ng isa nating noisemate..π
Gandang gabi noisemate.. Ngayon ko lang pinirito tokwa partner ng monggo namin kanina ininit ko nalang ngayon.. Favorite ng dalawang bagets ang tokwa.. Buti mga mura lang ang mga paborito nilang ulam hindi mahirap ibigay..hehe Kain tayo noisemate..
Happy dinner time noisemate.. Monggo at pritong tokwa ang ulam.. Simple favorite ng mga anak ko.. Dati ayaw nila yan tokwa nito nagbago na naman ang panlasa nila.. Kain na tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Done na ko sa morning gawain ko pwede na magpipindot..hehe Binili ko ngayon si bunso ng tinapay tempura at bibingka yata ang tawag diyan sa merong dahon.. Ayos na yan saka gatas.. past muna sa lugaw medyo tipid tipid.. Have a great day noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Tinapay again.. mahilig talaga ko sa tinapay lalo na ngayon nagpasukan tuwing may pasok ang mga bata nakakalabas ako at nadadaanan lang ang bakery..hehe Nag almusal na ba lahat.. Kain muna bago trabaho para may energy.. GOD bless us noisemate..π€
Pasarapin ang ordinaryong itlog..π Ginisang kamatis na may itlog ang ulam.. Sumisigaw na kasi sa ref yung kamatis hinog na hinog na daw siya..hehe Napakain ko na si bunso gayakan time na may pasok pa ng 1pm.. Happy lunch time sa inyo noisemate..π€
Happy lunch time noisemate..π€ Simpleng masarap ang ulam ngayon ginisang kamatis na may itlog.. Happy lunch time mga mate!!
Makulimlim na hapon noisemate.. May bigay kapatid ko rite n lite nagbabawas siya ng timbang kaya ayan ang drinks niya kapag gusto niya uminom ng matamis.. Kayo noisemate ano miryenda.. Sa ibang kugar yata nagcancel na walang pasok.. nawa wag umulan mamayang sunduan sa school..
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo ng afritada at chicharon.. Makakain na ng maaga para bawas na sa ligpitin at mahaba ang time maghayahay.. wala ako labahin ngayon saka walang pasok bukas pwede magpuyat ng konti..hehe Happy dinner time noisemate..π€
Good evening noisemate..π€ Aftritadang tuna at chicharon ang hapunan kain na tayo.. Thank God dito samin hindi umulan ng malakas nasundo mga bata galing sa school na maganda ang panahon.. Sandaling ambon at medyo mahangin lang ang maghapon.. sana ok lang din diyan sa inyo noisemate..
Blessed morning noisemate.. Feeling blessed sa panahon maaliwalas ang kalangitan at tahimik ang paligid.. Sabi ang kadalasan may gusto ng tahimik na paligid eh ung mga lolo at lola na o ung may edad na.. pero ako bata palang sa tahimik na paligid ako nakakaramdam ng kapayapaan.. tipong nasa taas ka mag isa ng puno at nakatanaw sa malayo habang nanginginain..hehe Tulog pa mga anak ko wala kami pasok.. Mauna nako mag almusal ng tuyo at itlog.. Kain tayo noisemate.. π€
Blessed morning..π€ Happy Friday!!! Nag almusal naba na din ba kayo noisemate? Ako yan ang niluto ko ngayon.. Madalas nauuna muna ang gawain sa umaga tapusin bago kumain..π
Dumating si tatay may padala si nanay na monggo kahit kaka monggo lang namin nong isang araw di pa rin nakakasawa..hehe Kayo noisemate nakaluto na din ba.. Kami nalibre sa ulam ngayon.. Happy lunch time!!π€
Mainit na hapon noisemate.. Humingi ng favor ang pinsan ko magpa gawa ng mango jelly sakin natikman niya daw kasi ginawa ko noon ayun nasarapan siya.. Sige kako no problem.. gagawin ko na mamayang gabi dahil bukas kailangan sa birthday ng anak niya.. sana matamis ang nabili niya mangga para mas masarap..π
Gandang hapon noisemate..π€ May gagawin ako mamayang masarap na dessert pinagawa sakin ni pinsan.. gabi ko na gagawin para bukas pa naman yan kailangan.. Kamusta kayo noisemate.. Ano miryenda nyo.. kami wala pa..π
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo pritong tilapya ang ulam.. Dalawang piraso lang para sa dalawang bata.. ako may monggo pa tira kanina.. Tapos saglit kami kila nanay darating daw si tita.. Uuwi din bukas madaling araw magkita kita man lang kahit sandali oras..π
Blessed morning noisemate.. Kagabi gumala ako kila nanay nakalinutan ko may binabad pa pala ko labahin kaya pag dating ng bahay todo ang kusot at kuskos ko ang ending medyo tinanghali ng gising ngayon..hehe Almusal tayo ng tempura.. Maganda panahon ngayon nawa makatuyo tayo sinampay..π
Blessed morning noisemate.. Nahawa nako kay bunso na mahilig sa tempurang tinapay.. ang sarap ng palaman may chesse ham at green bellpepper sa loob.. kain tayo.. Happy Saturday everyone..π€
Kainan nahh.....π² Luto na ang shanghai inorder ko lang sa classmate kong masipag at maabilidad sa buhay.. 50 pesos per balot ako nalang nag prito.. Ayan sure mapapadami kain ng mga bata pabprito nila yan.. pagka yari saka ko palang magagawa mango jelly nabusy kahapon..ehhe hapon pa naman ang party may time pa para lumamig..π
Nag lunch na ba ang lahat noisemate? Ito pala inulam namin ngayong tanghalian.. Homemade shanghai ng classmate ko.. Masarap makatulong sa iba kahit sa maliit na paraan sa pamamagitan ng pag support sa kanilang small business.. soon magiging stepping stone nila ito para maging malago at magtagumpay sa buhay..
Sa wakas nakabili rin kami ng black shoes ni bunso siya nalang kasi naiiba sa school naka rubber shoes.. Last week lang nayari iniform niya kaya nextweek makakacomplete uniform na siya.. Thanks God din sa kapatid ko ginamit para dagdagan ang budget ko pambili ng shoes naka extra pa ng medyas.. naka less 20% din ang halaga ng sapatos kaya happy mama..π
Good evening noisemate.. Kararating lang namin bumili ng shoes ni bunso.. Tinulungan din ako ng kapatid ko para mabili yan pinunuan niya kulang sa budget ko.. Thanks God sa maraming biyaya..π
Blessed morning noisemate.. Kadadating ko lang kila nanay inaabangan ko lang kapatid ko at papadaan ako sa bayan.. May bigay si titang mga chocolate bigay daw ng kapitbahay niya binivay naman sa mga anak ko dahil ayaw niya ng chocolate.. pasa pasang blessing..π
Happy Sunday noisemate.. Hindi ako natukoy sa bayan napunta kami sa puregold.. sinamahan ko sila nanay mamili ng grocery.. ayon hindi ko na rin napigil bumili ng kailangan sa bahay..hehe Dahil tinanggali kami ng dating Magluluto palang si nanay ng ulam.. Happy lunch time sa inyo..π€
Super sukit ang maghapon namin nakapag laro ang mga bata ng badminton nakilaro din ang kapatid ko.. Mas gusto ko talaga nakakapag laro sila physically kesa sa mag cellphone.. Kayo noisemate kamusta maghapon nyo.. sana happy din.. Thanks God sa pag iingat at full of love sa maghapong nagdaan..π
Gandang gabi noisemate.. Kamusta maghapon nyo.. nasulit ba ang sunday dahil bukas eh may pasok na ang karamihan.. Kami super sulit nakapaglaro mga bata ng badminton.. pinagpawisan at hiningal sila diyan bagay na bihira na namin magawa.. Nawa naging happy din ang buong Sunday niyo..π€
Blessed morning noisemate.. Dahil gumala ako kahapon maghapon dumami ang labahin ko ngayon..hehe Ok lang nag enjoy naman.. Kahapon habang naglalaro mga bata may nakita ko sa lupa na balat ng shampoo sunsilk tanda ko packaging na yan elementary days ko.. Grabe ang tagal na di pa rin bulok tunay ngang ang plastic di nabubulok..hehe Naalala ko mga post sa fb about sa mga lumang bagay gaya ng.. "kung naabutan mo packaging na ito dapat may anak at apo ka na ngayon"π
Hello noisemate blessed morning.. Sin0 pamilyar sa lumang balat ng shampoo sunsilk na yan? Kung pamilyar ka noisemate certified batang 90's ka..π Nakita ko lang kahapon medyo nakabaon sa lupa naalala ko shampoo namin nuon pero madalas ko bilin kulay blue.. tres lang yata ang shampoo that time..hehe
Gandang tanghali noisemate.. Kain na tayo ng ginataang langka masarap at marami gata.. bigay lang ni tita kay nanay hinatian naman ako ni nanay dahil alam niyang paborito ko.. Happy lunch time noisemate..π€
Ang saya nila mag -asawa nakangiti na nakatawa pa..hehe Binigyan ni partner si bunso ng 500 para daw sa nakaraang birthday niya dahil hindi wala pa pera si papa niya non ngayon lang siya nabigyan.. Happy naman ang bata.. ngayon kinukulit ako iiorder siya ng pagkain.. San kaya makakarating ang 500 kadami gusto isa isa lang sabi ko..π
Kung may 500 pesos ka ano bibilin mo food?π Si bunso sa dami gusto bilin baka magpaluwal pa ko.. Gift sakanya ni papa niya yan ngayon para sa nakaraang birthday niya.. Puro pagkain naman ang pinapabili kaya ok lang..
Gandang gabi noisemate.. Happy dinner time sa inyo.. Kami ito na hapunan libre ni bunso.. Happy na ang bata..pati ang mama..hehe Si ate niya ayaw niyan matamis daw.. Ang matitira pwede pa nila ibaon bukas sa school..
Blessed morning.. Kamusta ang tuesday nyo noisemate?.. Nag hatid ako kanina sa school dumaan nako sa lugawan at bakery halos magkatabi lang sila ng pwesto.. Nakapagsampay na rin sa labas nakapag walis at nakagawa ng yelo.. tulog pa kakain si bunso.. mamaya ko nalang gigisingin para hindi antukin sa school.. GOD bless us noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Almusal ni bunso lugaw plain with egg at boling.. Dumaan nako sa bilihan pagka hatid kay ate brey.. Sino pa inaantok diyan?hehe ako lang ba.. makapag kape muna ng magising ang diwa..π
Gandang tanghali noisemate.. Dahil kami lang ni bunso dito sa bahay nag delata nalang kami corned beef na may patatas.. Papasok na rin siya ng 1pm hatiran time maya maya.. Ang init dito siguro naman hindi uulan iwan ko saglit ang sinampay sa labas.. Happy lunch time sa inyo..π€
Gandang hapon noisemate.. May nakita ko sa efbi mukang masarap at easy gawin.. Graham cheese cake.. Mamaya malalaman kung panalo ang lasa kapag natikman ng mga bata pinalamig ko muna.. Happy miryenda..π€
Happy miryenda noisemate..π€ Di perfect ang pagka arrange ng graham cracker manget..hehe sa lasa nalang siguro babawi.. Nakita ko yan sa efbi ginaya ko..hehe Graham cheese cake.. May miryenda na mga bata pag dating..
Ayan late miryenda ang nagaganap..π Nahusgahan na ginawa kong graham cheese cake sarap na sarap si bunso o gutom lang..hehe Panalo din kay ate brey dahil hindi matamis.. di nako naglagay ng condensed kaya walang umay.. Kain noisemate..
Late miryenda ng mga bata.. Nang matikman ni bunso sabi mas masarap daw ito sa nakaraang mga gawa ko! sulit naman.. naubos nila ni ate niya isang tub.. nanimot nalang ako..hehe May natira pang isang tub dalawa lang kinalabasan.. para bukas naman nila..π
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng cup noodles namiss ko lang paminsan minsan pag bigyan ang nais..hehe Tulog pag mga alaga ko dahil wala kami pasok ngayon.. Pagkatapos ko dito sila naman igagawa ko ng almusal.. Kain tayo noisemate..π€
Almusal tayo noisemate.. Cup noodles ang almusal paminsan minsan ay pagbigyan ang gusto.. Ininit ko tirang lamig na kanin kagabi ito na maiulam.. Kain tayo noisemate.. Have a blessed day..π€
Happy lunch time noisemate.. Napa shanghai uli kami bigay ng kapatid ko marami daw natira sa handaan sa side ng asawa niya kaya may naisharon.. ako nalang nag prito.. Nakalibre ng masarap na ulam.. Medyo makulimlim dito.. ok narin basta wag lang muna sana umulan para makatuyo ng uniform hirap din ng iisa pagkahubad laba agad dapat kasi walang kahalili..π
Late sa latest.. Noong last Sunday nagpunta kami sa puregold.. sa ilang buwan ko hindi nakapunta dito nalate nako sa latest na meron na palang ganitong rexona powder.. o siguro matagal na may ganito di ko lang napapansin.. Bet ko ganito powder para sa dalagita ko maghapon sa school na kailanagan ng extra protection for body odor.. Pwede din sa paa at kung di ako nagkakamali sa likod din..π€
Nakalagpas sakin paborito ko ngayong teleserye..hehe ilang taon nako walang sinusubaybayan pero ng makita ko sa tiktok eh sinubukan ko panoorin sa youtube.. ayon naexcite ako sa wento.. Mamayang gabi ko nalang papanoorin..π
Libre.. May sasarap pa ba sa libre? Nakalimutan ko ishare kuha yan ng bumili kami shoes ni bunso after non nag aya sila hipag kumain at nilibre nga kami mag iina.. Breaded pork ang inorder ko 92 pesos unli rice pa..hehe di ako makapaniwala may ganito pang mura at masarap.. mauulit uli kapag may budget..π
Gandang gabi noisemate.. Share ko muna bago idelete..hehe Ito huling labas namin kumain sa labas libre ng kapatid ko.. Inorder pa rin ng mga bata kilala lang nilang pagkain ang hotsilog at tocilog.. Kapag sa labas inorder ang pang kariniwang ulam sa bahay nagmumukang special..π Happy dinner time noisemate..
Blessed morning noisemate.. Kamusta kayo?.. kung may hindi man okey o problema tuloy pa rin tayo.. walang magagawa kundi magdasal at maghintay na mas magiging maayos ang lahat.. Sabi nga kalma lang.. sinasabi ko yata ito para sa sarili ko..hehe Nagluto ako champorado makapag almusal muna.. Kain tayo..π€
Blessed morning noisemate.. Almusal muna tayo ng champorado.. Kagabi maulan magdamag yata umuulan pero mahina lang..kaya ang sarap matulog ang hirap din naman bumangon kanina..hehe Ngayon kaganda ng panahon nawa makatuyo.. GOD bless us..π€
Sa bilis ng panahon hindi ko namamalayan ang ilan sa paninda ko ay malapit na ma expired.. mabuti naagapan ko isa catsup na sa katapusan nitong buwan eh masisira na.. Para kasing ang isang taon ngayon ay parang kelan lang sa bilis ng oras..
Mirienda time noisemate.. Squid ball at kikiam meron din gulaman samalamig.. Medyo makukimlim dito parang may ibig ipahiwatig.. Magsilong na daw ako ng sinampay..π
Gandang gabi noisemate.. Kanina pag sundo ko sa mga bata pareho pa silang may natirang baon ibili nalang daw namin ng barbeque sige kako para ulam natin.. Pinunan ko nalang ang kulang.. Si kuya rider naman pagka deliver nakaalis agad.. diko nacheck wala palang suka kasama minessge ko store nakalimutan daw lagyan ng nag gayak at pinabalik naman.. Kain tayo noisemate..π€
What's New!!π€ Blessed morning noisemate.. May nag alok sa tindahan ko ng bagong paninda ang bayad daw pagbalik na nila sa katapusan nito.. Kung ano lang ang nabenta iyon lang daw ang babayaran ko.. Dahil curious ako kung maganda ba product ako muna gumamit.. Mabango dalawang fabric conditioner at diswashing soap ay okey din gamiyin.. sa liquid detergent lang ako nakukulangan ng performance..hehe Di masama sumubok ng bago lalo na kung mas mura sa nakasanayan..6.50 puhunanβ¦
Blessed morning noisemate.. May nag alok sakin bagong product kung ano lang ang maubos iyon lang ang babayaran.. Hindi pa masiyadong pansin ng mga customer dahil bago mas binibili pa rin ang nakasanayang gamit nila.. Curious ako kung okey kaya ako muna ang gumamit.. okey naman lahat mabango din maliban sa liquid detergent na hindi gaanong nakakatanggal ng mancha.. o baka nagkulang lang ako sa kuskos..π
Gandang tangahali noisemate.. Nagluto ako ng porksteak o bistek kaso ayan ang nangyari iniwan ko lang saglit at tinakpan natuyuan ng sabaw.. Kain na tayo okey pa rin naman lasa kahit muntik na masunog..π
Gandang hapon noisemate.. Madilim ang kalangitan at may ambon na dito.. Nadaan si nanang naglalako ng miryenda bilo-biko ang dala.. bumili lang ako ng isang order 20 pesos na dating 15 lang.. sa mahal ng rekado napilitan na magtaas.. Miryenda tayo noisemate mainit pa..π€
Buko Pandan.. Gandang gabi noisemate.. Kakatapos ko lang maglaba inagahan ko na para magawa ko mamaya itong buko pandan pagka kain ng hapunan.. Birthday ngayon ng kapatid ko nag-iisa naming lalaki.. bukas namin isecelebrate.. kanya kanyang dala ng pagkain ito nalang napili kong dalin dessert madali daling gawin at less palpak din dahil hindi me expert sa kusina o sa pagluluto..π
Kamusta noisemate may gising pa ba.. Ayan natapos ko din gawin ang buko pandan.. Wala ng hiwa hiwa kagod lahat ang ginawa ko imbis na cut into cube ang gulaman at keso mabilis pala kapag ganon ang gagawin.. pumalpak lang ako sa sago di ko napalambot ng husto nasanay kasi sa nabibili luto na.. hindi ko nalang sinama at saka malalaki pala naibigay sakin ng tindera diko naman napansin.. Good night na pahinga na tayo.. maaga pa bukas ang gising.. GOD bless us noisemate.. Salamatβ¦
Blessed morning noisemate.. Maaga kumatok sila nanay at inabot sakin tong gulay at cream lutuin ko daw para gawing sepo egg.. Hindi pa kumpleto rekado kaya mukang hindi ko rin maluluto ng maaga. Hirap nako makatulog uli nito.. Kayo din ba mga mate kapag nagigising ng alanganin oras hirap na makatulog uli..π
Good morning again noisemate..π€ Kakatapos ko lang magluto ng sepo egg.. Nanuod lang ako ng tutorial.. May pa surprised pala kapatid ko may inarkila maliit na private swimming pool.. don icelebrate ang birthday niya.. lalo tuloy na excite ang mga bata pumunta.. 4 taon na din kami di nakapag swimming eh..hehe Have a nice day noisemate.. nawa maging masaya at ligtas ang buong araw natin..π€
Thanks God nakaraos ang maghapon kasama ang buong pamilya.. nag enjoy at safe nakauwi ang bawat isa sa amin.. iyan pala isa sa baong ulam namin kanina inihaw na baboy.. Mahirap pala mag ihaw mainit.. sakto swimming ang pinuntahan kaya nakapag lublob agad sa tubig pagka tapos magluto.. Kayo mga noisemate kamusta maghapon sana na enjoy nyo rin ang buong araw..π€
Gandang gabi noiseate.. Kala ko tahimik lang nag cecellphone mga bata sa kwarto pag tingin ko mga tulog na pala diyan sa pangalawang picture.. hindi kasi halos nagsi ahon kanina masiyadong nag enjoy sa tubig.. Itatabi ko nalang muna nasharon naming inihaw na baboy.. Happy dinner time sa inyo noismate..π
Blessed morning noisemate.. Kamusta.. Mukang stay at home kami ngayon buong araw.. Ayaw ng panganay ko pumunta kila nanay mas gusto pa matulog.. Yan pala kuha kahapon sa pinuntahan namin.. Ang ganda ng garden ng may ari ang dami tanim.. Napa sana all nalang ako..hehe
Gandang tanghali noisemate.. Hindi nakatiis at nagpunta din kami dito kila nanay.. Nagsigang si nanay sa sampalok.. Dumating din mga kapatid ko kahit pagod kahapon kaya sabay sabay kami kakain ngayon.. Kain tayo noisemate.. Happy lunch time..π€
Nandito pinsan ko nag-aalok ng kandila.. nalalapit na ang undas ito sideline niya taon taon.. Kapatid ko lang ang bumili.. wag lang mabasyo umuwi si pinsan.. Malamang dag sain ang mga simenteryo ngayon november 1 dahil mas maluwag na restriction order..
Gandang gabi noisemate.. Nakapag saing naba ang lahat..hehe Kahapon humabol sa outing namin ang tito ko taposs may pinahabol pa bigay kay bunso regalo cash.. Ayan at binili niya agad ng food nilibre din niya si ate niya.. kaya ako hindi nako nagluto.. May itlog na pula at sabaw pa kong nahingi kay nanay kanina.. Thanks God sa maghapong biyaya.. Kain tayo noisemate..π
Wentong bibingka..π Naalala mag uwi ni partner ng bibingka dahil alam daw niya hindi ako bibili.. nuon ko pa gusto makatikim uli nito kaso nanghihinayang talaga ko kapag para sa sarili kong gusto.. 65 pesos ang isa.. ang liit na ng serving..hehe Nakakapanibago size pero lasa masarap pa rin.. Siguro para hindi nila kailnganin magtaas ng presyo sa size nalang binawi.. Ang mahal ng uling itlog at halos lahat ng rekado kaya naintindihan ko sila bilang tindera din.. Kain tayoβ¦
Blessed morning noisemate.. Itlog para sa almusal.. simpleng prito masarap.. Dahil two days ako gumala tambak ang labahin.. Ganon talaga kung gusto mo sumaya eh matutong harapin ang kapalit na hirap..hehe hugot pa nga! Oh siya kain muna tayo noisemate at makapag babad na ng mga damit.. GOD bless us..π€
Masarap na tanghalian noisemate.. Meron padala si nanay gulay na ampalaya luto ni tita kong bikolana.. medyo kakaiba si tita magluto madalas may luyang sahog.. naiiba sa karaniwang ginisang ampalaya.. ayaw din niya ng may mga pampalasa gaya ng ajinomoto..π€ Makain muna bago ituloy ang mga gawain.. Happy lunch time..π€
Gandang hapon noisemate.. Nakatuyo na rin ba kayo ng sinampay mga ka nanay?dito sa init ng panahon kanina pako natuyo.. ito pa nilaban ko ng friday night.. ngayong araw lang naibilad..ehehe gala pa more..π May naitago palang buko pandan si nanay tira nong nag swimming kami.. pinadalan ako kanina kasabay ng ulam.. iba rin talaga kapag ikaw ang naglilikpit ikaw unang nakakapag sharon ng tirang pagkain.. sinop talaga ng nanay ko kundi walang miryenda ngayon..π kayo po noisemateβ¦
Throwback ng twinkle bell ko..π Way back 2014 may isang batang 4 years old na napakadaling picturan.. ones na sinabi mo, mag post magpopost agad yan.. May event sila during that time sa event center holloween costume ang theme.. Nakakamiss lang ganyan character ng panganay ko.. ngayon kasi mahiyain na siya at sapilitan na kapag gusto ko siya picturan..π
Natapos din maglaba at mamalansta ng uniform.. Ngayon ko lang malalagyan si bunso ng gamot nakatulog na nga siya.. Kahapon napansin ko ang dami niya pula sa hita makati daw sabi ko wag kamutin baka masugat.. Nanimot lang ako ng gamot at may masimot naman.. kaya nagpabili ko kanina kay tatay ng bago.. ito gamot nireseta sa kanya ng minsan mag pa checkup kami sa mga rashes at kati sa balat.. Parang namomoisturize niya mga part na dry.. Nawa gamuling na ng di na rin kamiβ¦
Blessed morning noisemate.. Mag 8 am na nadito pa kami sa bahay di pa tapos si ate mag sulat.. Ayaw din niya mag almusal kaya biscuit at gatas lang ang breakfast niya.. sana di kami malate nito.. Pagagayakin ko na nga ng maihatid ko na siya bago pa mahuli ang lahat..hehe GOD bless us noisemate.. Happy Tuesday..π€
Biglang ambon dito hirap manguha ng sinampay ng madalian..ehehe nabasa rin.. parang ang sungit ngayon ni haring araw.. makukimlim kanina pa.. Kahit di kainitan gagawa pa rin ako ng ice candy chocolate flavor uli with platops.. para maiba lang at added flavor na rin.. hinahanap ng mga bata kaya hindi pwedeng hindi gumawa.. extra kita din yarn..π
Kakahatid ko lang kay bunso sa school umaambon pa din.. ngayon ko lang naalala di ko pala siya nalagyan ng off ang lamok pa naman.. hirap talaga ng makakalimutin.. Ito pala ulam namin kanina tanghalian ginisang sayote na may carrots.. May bagyo kaya ngayon bakit ganito panahon.. Sarap matulog nito kung pwede lang..π
Maulan pa rin.. mabuti may uwi si partner na miryenda pizza.. nadaan ang antok sa kain.. Ang bilis talaga ng oras past 4 na agad.. Tamang tama may aabutan miryenda ang mga bata..π
Gandang gabi noisemate.. Nalibre kami ng hapunan ang dami pinadala ni nanay na sopas kaya hindi nako nagluto ng iba ulam ito na hapunan namin.. may tira pa rin pizza kanina sakto may kapares mabigat bigat na sa tiyan toh.. Happy dinner time..π€
Pizza and sopas tayo noisemate.. Sakto may padala si nanay hindi nako nagkuto ng pang hapunan namin.. Maulan pa rin hanggang ngayong parang maghapon yata umaambon.. ok na rin kesa super bagyo..π
Busy pa sila.. ako eh inaantok na talaga.. Wala kami pasok bukas review lang ang task nila tomorrow.. kaya ayan humihirit pa ng 30 minutes nalang daw.. Ay nako pray muna kako tayo.. Sarap matulog ng nakapag pasalamat at na isurrender lahat kay Lord lahat ng problema nakakagaang ng pakiramdam.. Good night noisemate.. Thanks God sa lahat ng biyaya at loved Mo maghapon sa bawat isa..π
Blessed morning noisemate.. Breakfast is ready pero ang kakain ay mga tulog pa.. Natutuwa mga bata kapag hinuhulma ko ng ganyan ang sinangag para daw inorder..hehe Kayo mga mate nag almusal na ba.. Mukang magiging maganda na sng sikat ng araw ngayon.. Happy Wednesday!!! GOD bless us..π€
Babad time is done..π Mamaya crispy ka na.. Nag babad ako ng manok at tinaggalin na rin ng buto para ichicken fillet mamaya.. at sa second picture nilagyan ko na ng coating tinatawag na FEB..hehe flour, egg, breadcrumbs.. ayan at ilalagay ko muna sa ref para mamayang tanghalian prito time nalang..π
Eto na nga nakaluto din.. Kumain na ba ang lahat?.. very good ako kay bunso nasarapan sa ulam.. Kain po uli tayo noisemate..π€
Gusto ko lang naman kumain ng biko..π Nagluto ako ng latik para sa biko kaya lang nawala sa isip ko pwedeng malusaw ang salaan kong plastic sa pag sala ng latik..hehe Ginawa ko pala isang tinuro sakin ng isa nating noisemate ang paglalagay buko sa biko.. nakalimutan ko na name may pagka ulyanin na talaga ko.. Thank you again sayo sis.. Sana masarap kalabasan..π€
Di sinasadyang nakaidlip.. Ngayon palang makakapag miryenda.. Mas masarap kaoag malamig na.. Kain tayo noisemate ng biko may buko.. hindi nako nakapaglagay ng toppings sa ibabaw konti lang kasi buko ko.. tira tira lang un tuwing bibili si partner tinatabi ko laman sa freezer.. Ayan at mutik pa masinog ang latik ko..hehe Grabe 5pm palang mahigit ang dilim na ng langit o sadyang simula na ng mahabang gabi ngayon..
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo ng tortang corned beef simpleng yummy.. noong isang araw pa toh pinapaluto ng pnaganay ko ngayon ko lang nagawa.. siya na nag hiwa ng bawang sibuyas para daw sure na ito ang ulam..hehe Catsup nalang kulang..π
Nasisira kaya ang perfume.. Nagligpit ako ng aparador nahalungkat ko ang pabangong 7 years na mahigit sa taguan.. napilitan lang ako bilin yan nuon dahil si tita ang nag-alok nahiya ako tumanggi.. Ako kasi ung amoy bagong ligo lang eh sapat na.. pag aalis o kapag may lakad cologne lang ok na.. Ginagamit ko nalang ito pang spray sa loob ng kwarto kapag ganitong nakikita ko pero nanghihiyang din ako ubusin..π Good night noisemate may pasok pa bukas.. Sweetdreams.. GOD blessβ¦
Blessed morning noisemate.. Oras na para magkape at tinapay.. Tamang sawsaw at higop lang sapat na..hehe Naalala ko tinapay na toh 6 pesos dati isang balot at anim ang laman non.. pang almusal na ng isang buong pamilya un.. ngayon 6 pesos ang isa bitin pa..hehe Pero ito libre lang bigay ni nanay kahapon makain na bago pako maunahan ng amag.. May mga pagkain at bagay talaga magpapa alala sa atin ng past.. past na kung saan mas simple lang ang buhay..π
Delivery received!! Sana ngayon wala na reklamo kapag binigyan.. pwede kayang thank you nalang at ngiti ang kapalit..hehe Sa tuwing may bibilin ako para kay partner lagi may nega o mali sa taste niya minsan ayoko na siya ibili..haha Sana this time magustuhan niya.. 45 pesos mahigit ang isa.. anim ang inorder ko.. Bibigay ko mamaya pag uwi.. kapag ayaw niya ako nalang magsusuot..π
Gandang hapon noisemate.. Mainit magluto pero masarap kumain.. Tiis sarap yarn..ehehe Pagka hatid kay bunso ngayong tanghali nagluto ako ng pancake kahapon pa mixture na yan nilagay ko lang sa ref.. hindi kona niluto kahapon dahil may biko naman.. Ako nalang mag isa ngayon dito sa bahay pwede ng maghayahay saglit..π
Gandang gabi noisemate..π€ Dahil pagod at stress ang mga bata sa maghapong exam ayan nagluto ako ng maaga.. shanghai at pritong tokwa.. ung shanghai nabili ko lang uli sa classmate ko.. may tira pang kanin kanina tanghali kaya sinangag nalang ngayon.. Kain na tayo noisemate.. mainam maaga makapagligpit at may labahin pa naghihintay.. Happy dinner time..π€
Nakuha ang atensiyon ko ng malakas na sigaw ni ateng nagtitinda ng balot penoy.. nang lumabas ako may kasama pa siya dalawang batang maliit na anak.. 2 o 3 taon siguro maliliit pa at nag iiyakan.. Hindi ko hilig ang penoy pero mapapabili ka kapag nakakita ka ng mag-iina na ganitong oras nasa kalsada pa at nagtitinda.. bumili ko penoy at Inalok niya rin ako ng itlog na pula bumili lang ako ng tatlo piraso.. Narealized ko dami ko minsan daing sa buhay pero mas may higit pangβ¦
Blessed morning noisemate.. Ramdam na ang lamig ng simoy ng hangin.. sayang at walang kami space ng tambayan sa labas.. apartment lang at maliit ang lugar.. Dahil wala ng pasok ang mga bata siyempre mga humihilik pa sila..hehe Ako eh mag aalmusal muna ng pancit canton.. Extra big para walang bitin.. Kain tayo noisemate.. GOD bless us..π€
Blessing? Kapag hindi nakikita..nakakalimutan.. Ung may nakita kang isang case na puno ng laman blessing? Oo naman.. akala ko walang laman ang ilalim eh puno pala? Ilang buwan ko na stock yan nakalimutan ko na meron pa palang nakatago diyan.. Ang tagal ko rin kasi hindi naaayos ung likuran namin.. May isang nakakatuwang kalimot moment ako.. ung minsan may 500 pesos ako nadukot sa bulsa ng sapin ng ref siguradong ako din ang naglagay non nakalimutan ko lang hindi lang isangβ¦
Late lunch.. Kain tayo uli noisemate ginataang papaya padala ni nanay.. May sahog na alimasag? alimango? Basta..hehe Hanggat na kila nanay si tita madadalas ang ginataang ulam namin.. dahil ang bikolana ay gata lover.. masarap naman lalo na may konting anghang...π
Miryenda time.. Cupkeyk at nestea juice for miryenda.. Si bunso lang ang kumain si ate niya may lagnat.. Buti natapat na wala ng pasok.. Nawa hindi na lumala at gumaling rin agad.. Pinainom ko na siya ng paracetamol..
Request ni ate brey noodles.. Pinagluto ko na para pag pawisan.. Thank God kahit may lagnat may gana pa rin kumain.. Kayo noisemate nakaluto na rin ba.. Happy dinner time sa bawat tahanan..π€
Gising pa ba kayo noisemate.. Nasulit ang gabi ko dahil nalinis ko na sa wakas ung freezer na sobrang kapal na ng yelo.. Ewan ko ba kung kelan gabi saka ako sinisipag.. Nalinis ko pati likod ng aparador na ang dami na alikabok na hindi madalas nagagalaw.. Tapos na rin ako gumawa ng yelo.. me time naman..hehe Good night sa mga matutulog na diyan..π€
Blessed morning noisemate..π€ Antok pa ba? Maulan pa rin dito pero mahina lang tipong masarap lang pakinggan ang patak ng ulan sa bubungan.. sarap pa sana matulog nito.. kaya lang kailangan na maghanap buhay para sa ekonomiya..ehehe Makapag timpla ng kape at may tinapay dito pampagising.. GOD bless us noisemate..π€
Ramdam na dito ang bagyo sa lakas ng hangin.. Parang gusto ko na mag sara ng tindahan nagkakalampagan kasi nakakanerbyos ang tunog.. ung pinaka tabing ng tindahan namin ay gawa sa yiso o yero yata ang tawag kaya kapag malakas ang hangin nagsisitunugan.. Hirap din kapag ganitong panahon walang iba kasama sa bahay kami lang tatlo mag-iina si partner nasa trabaho.. tulog pa mga bata.. Nawa nasa maayos lang din kayo kalagayahan noisemate.. matunaw na sana bagyo..π
Soup past.. Kain na tayo noisemate.. Walang maisip na uulamin buti may repolyo at hotdog pa sa ref.. Ang lakas pa rin ng hangin dito pati ulan.. Naalala ko sila nanay na mababang lugar at binabaha.. Pray po tayo para sa bawat isa lalo higit sa mga nangangailangan ng tulong.. God bless noisemate..
Gandang hapon noisemate.. Miryenda time.. Kape at biscuit.. Di ko tuloy ma enjoy ang walang pasok dahil sa bagyo.. Gusto ko lang naman magtinda kaso lakas ng hangin at ulan feeling ko may masisira sa tindahan kapag binuksan ko.. Kelan kaya aalis si Paeng..
Kumain naba kayo noisemate.. Kami ito ang hapunan tuna na may patatas.. Mabilisang luto at kilos baka mawalan ng kuryente mainam na handa.. Ganon pa din dito ang lakas ng hangin at ulan.. Mamaya pa yatang madaling araw ang alis ni paeng mukang di pa magpapatulog.. kung pwede lang iset ang mata makatulog muna magdamag para pag gising bukas ay ayos na ang panahon.. Ingat po ang bawat isa GOD bless..
Blessed morning noisemate.. Happy Sunday mas payapa na ang panahon.. Maaga ko nag saing para maaga maka almusal dahil pupunta kami kila nanay ngayon.. Samantalahin ang family day.. One' a week man lang eh maka sama sila.. Itlog na pula with kamatis yan instant na masarap na almusal.. God bless us noisemate..π€
Gandang umaga uli noisemate.. Makulimlim at may ambon pa kasama.. Nandito kami kila nanay ngayon makikikain..ehhe May nadaan na saging bumili kami.. Kapatid ko kasi hilig niya saging biro nga niya may lahi daw kasi siyang unggoy..π Maya maya tanghalian na rin makapag saing na nga..
First time.. Carwash girl.. Gandang tanghali noisemate.. Kumain naba kayo.. sarap sana ulam ngayon sabaw sabaw na mainit.. kami tapos na magtanghalian.. para bumababa ang kinain tinulungan ko kapatid ko maglinis ng kotse niya.. First time ko lang din makapaglinis nito..hehe di naman pala mahirap pwede na mag sideline..π
Sa wakas napalitan din ang sira kong siyense.. Nagpasama kasi si nanay sa unitop para bumili ng bota dahil binabaha sila at napadaan ako dito sa sandok lane..ayon hindi ko na nga napigil bumili ng bago matagal na kasi putol ung luma ko nag-iisa lang din yan kaya pinagtitiisan ko lang gamitin.. kumuha rin ako ng isang tupperware lalagyan ng dessert.. Nagmadali na kami umuwi at mukang uulan na naman.. Thank God happy ang maghapon nawa naging masaya at sulit din ang araw nyoβ¦
"I love chicken nuggets" sabi ni bunso..π May bituin na kanina kala ko di na uulan pero ngayon biglang buhos ang malakas na patak ng ulan.. Ito pala hapunan namin request ni bunso chicken nuggets.. naalala ko tuloy mga anak ni melai..ehehe Kumain na din ba kayo noisemate.. Kung di pa eh kain na wag palipas ng gutom..π€
Blessed morning noisemate.. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon.. Samantalahin ang pag labas ng sinampay.. Almusal tayo ng itlog na may patatas noong nakaraan araw tuna na may patatas..hehe ito kasi isa sa gulay na hindi inaayawan ng mga anak ko.. Masarap at pamparami din sa scrambled egg.. May kasunod pa daw na bagyo nawa matunaw nalang ito bigla ng di na magdulot ng pinsala.. GOD bless noisemate..π€
Kakatapos lang kumainng almusal pero mukang di nabusog si bunso kaya nag pabili pa ng taho.. Dahil sa masustansiya naman ang taho binili ko na rin.. Ano kaya maluto mamayang tanghalian.. Kayo noisemate may menu na ba.. Isip isip na..π
Gandang tanghali noisemate.. Tinanghali ako ng luto mga busog pa naman ang mga alaga ko.. Ito na nga monggo para sa tanghalian.. Sinalang ko na.. madali nalang mag gisa kapag lumambot na.. Salamat sa isa nating noisemate na nagpatakam sakin ng monggo.. kulang man ang sahog pwede na yan..hehe Happy lunch time..π€
Gandang hapon noisemate.. Kakatapos lang namin mag tanghalian.. Dumating si tatay kanina pinabili ko sa talipapa ng malunggay o kahit ano kakong dahon na pwede sa monggo.. Pero wala na siyang nabili kahit anong dahon dahil tanghali na.. pero may tinuro sakanya ang tindera ng puno ng malunggay malapit lang din doon.. si tatay nalang daw ang umakyat at pumitas.. tuwang tuwa naman si tatay umuwi at ayaw din siya pagbayarin.. Ang dami kinuha ni tatay..hehe
Hindi ako bored..π Effective kaya.. Habang nanonood ng teleserye kanina naisipan ko iplastic ang mga tirang dahon ng malunggay sa plastic ng ice candy.. Hindi ko alam kung gagana yan way ng pag isstock ng dahon sa freezer.. Tuwing mag luluto kasi kami ng tinola o monggo laging naghahagilap ng dahon pang sahog.. Dito samin bihira na ang libre halos lahat ay bibilin nakaka hinayang itapon ang sobra.. kaya mapapaisip ka talaga paano ma preserved ang mga tira tira upang diβ¦
Gandang gabi noisemate.. May dumating na blessing dinaan ng kapatid ko.. Bida ang saya spaghetti at pie para sa dalawang bata.. Pangarap ko maging kasing lasa ng Jabee ang spaghetti ko kaso ang hirap hulihin ng secret recipe nila.. secret nga eh..π Umuulan na naman.. buti hindi kalakasan.. Stay safe noisemate.. happy lunch time..π€