#2022 Magandang hapon noisemate.. Ang ganda ng panahon para sa unang araw ng taon.. makulimlim na mahangin at ang araw na tila hinaharangan ng pulo pulong ulap.. Nakaraos na kagabi at masaya kami kumpletong pamilya sumalubong sa bagong taon.. Ngayon nandito pa kami kila nanay, mamaya ay uuwi narin.. tapos na ang dayoff..hehe back to hanapbuhay na.. Enjoyin na natin ang natitirang pang pahinga Pilipinas!
@Encarnation3456 in January 2022
#miraclebaby Blessed morning po sa inyo noisemate🤗 Habang nagsscroll nakita ko tong picture kahapon ng aking pamangkin na si Micus from the word of Miraculous.. yan ang pinangalan sa kanya ni hipag dahil di na nila akalain na sila pa ay magkaka anak ng aking kapatid dahil sa kanyang kondisyon na dialysis patient..na kinakailangan idialysis ng 3x aweek.. Sa dami ng nagdadasal na maging safe ang magina lumabas si Micus ng napaka healthy... kahit si mommy niya ay nagpositive sa…
#magstay #magbagona Hanggang ngayon can't decide kung magbago na o magsstay pako.. Sa ngayon kasi puro pasensiya nalang at unawa ang ginagawa ko, iniintindi ko kasi baka busy lang o may maliit lang na problema.. Nakokuntento nako sa maghintay kung kelan magiging maayos uli.. minsan kasi ok naman.. madalas hindi, lalo ngayong month sumosobra na.. Yung lagi ka umaasa na baka magbago pa baka umayos pa.. Kung magbabago naman ako.. panibago nanaman lahat.. kaya lang paano ko…
#bagongtaon #bagongunan Happy dahil ang napili bilin ni bunso sa pera niyang naaginaldo ay bagong unan..regalo daw niya kay ate niya yan nag exchanged gift magkapatid.. pero sigurado tig isa din sila mamaya diyan.. Dati pag may pera sila puro sa laruan lang inuubos tapos kinabukasan ay limot na at matatambak nalang.. ngaun nakakatuwa mas masusulit ang perang niregalo sakanila.. magagamit din ng mas matagal!
#Firsthoodie Dumating na regalo ni ate para kay bunso.. kanina unan naman para kay ate.. ngayon hoodie daw ang gusto niya at hoodie din ang gusto ibigay sa kapatid.. Buti nalang at may kaibigan ako sa mall nagtatrabaho kaya minesage ko nalang skanya yan para bilin, diniliver nalang niya ngayon sa amin.. Mahirap na pumunta ng mall tumataas na uli ang kaso ng bagong virus.. Happy naman sila.. natupad nila ang exchange gift nilang magkapatid.. at sabi ubos na daw ang pera…
#taglamig Ito na yata ang isa sa mahirap gawin pag ganitong panahon ang paliligo sa umaga.. Sapilitang pag pasok sa cr.. noong bata pa ko during elementary di ako nakakapaligo ng walang mainit na tubig dahil sakitin at madaling magkasipon.. Hanggang isang umaga pagkabuhos ko ng mainit na tubig sa timba na nakalagay ang tabo nashoot sa tabo ang mainit na tubig at pagkalapag ko ng takure nalimutan ko ihalo ang tubig sa timba kaya ayon yung napakainit na tubig na bagong kulo…
#asimanghangkilig #sinampalukangmanok Kainan na noisemate!! Luto ni tito ko yan mainit init pa.. pag siya nagluto sure na extra rice sa kainan.. Hinatiran niya lang kami naparami daw ang luto nila..(buti nalang) Maasim na may anghang.. nilagyan ng usbong at bunga ng sampalok.. sabayan pa ng may siling sawsawan.. Ang mga anak ko po sabaw lang sapat na matitipid sa ulam naiiwan yung laman.. Alam na kung sino taga ubos..hehe Kain po tayo mate hanggat mainit pa sabaw🤗
#namissed back to module na again.. tapos na ang mahabang bakasyon.. Namiss ba talaga? hehe Oo namiss ko lumabas mga mate halos ito lang ang way ko para makalabas ng bahay.. pero para naman akong hinahabol sa kakamadali dahil iniiwan ko lang ang dalawa kong anak na walang kasama.. habang nasa daan binubuyo ako ng kaaway na magisip ng negative o pagaalala na baka magkasunog o madulas ewan samot sari nega.. kaya pinagpipray ko nalang na ingatan dalawa bata, ang hirap umalis ng…
#sharingiscaring May kapitbahay din ba kayong kaibigan.. Ang sarap magkaroon ng kapitbahay na kaibigan, di lahat kasi ng kapitbahay ay matatawag mong kaibigan yung iba kakilala lang as kapitbahay ganon lang walang kwentuhan at sharing ng pangyayari sa buhay.. Di kami marites ha..hehe kung may pinag uusapan man kami eh tungkol lang sa buhay namin dalawa.. Ang edad namin ay nasa kalahti mahigit ang agwat pero pag kami naguusap parang barkada ko lang siya.. si inang ay 74 na..…
#kakayanin Blessed morning noisemate.. Napakaganda ng sikat ng araw ngayon.. Bakit kaya habang tumatagal at nagkakaedad mas naapreciate ang mga bagay bagay na dati di naman pansin.. ako makita ko palang sa umaga na maganda ang panahon feeling blessed na! palibhasa kabado ko pag may bagyo. Yan muna nga pala ang pipilitin ko ialmusal ngayon.. Sa dami ng kinain ko ng mga nagdaang okasyon para akong hinipan.. kailangan makapag bawas ng timbang.. sinasabi ko palang to ngayon…
#ginataanglangka My mother is bikolana, mahilig sa gata kaya namana ko narin, nagluto siya ngayon at pinadalan ako.. sarap ng may nanay na may taga luto ng paboritong ulam.. sinahugan niya ng maliliit na alimasag, maanghang ang pagkaluto nasunod ang aking request.. Kain na po tayo mga ka mema noisemate!
#instantmiryenda Yan po pala isa sa hinanda ko noong medya noche.. nagtira ko kasi baka di naman maubos.. Tama nga di naubos di masyadong napansin nasapawan ng ibang pagkain..😄 Ngayon wala kami mamiryenda naalala ko may prituhin pa sa ref.. makapagtimpla nalang ng juice.. sana ok pa ang lasa.. makapgprito muna, Kayo po ano miryenda diyan..
#saltedegg #project Blessed morning noisemate mga ka mema! last December pa yan project ng anak kong bunso ngayon lang namin titingnan kung naging salted egg nga.. tamang tama walang pang almusal nilaga ko na at pinicturan para isend narin kay teacher ang kinalabasan.. Binabad po yan sa may asin na tubig at maghihintay ng three weeks bago maging itlog na maalat..gumamit lang po ako ng itlog ng manok. Tama nga instant salted egg di ganun kaalat pero masarap hawig din sa…
#ginilingwithegg Kain na Pilipinas! Tanghalian na po.. kabilis ng oras.. Minsan lang magkaroon nito sa lamesa namin kaya pag nagluto si nanay nito ibig sabihin may extra budget siya..hehe (sana all) Tinuruan kami nuon bata palang ng aking mga magulang na di pwede laging masarap ang ulam, paborito o di gusto dapat kainin kung ano ang nasa lamesa.. dahil hindi lahat daw ay may kinakain at higit sa lahat biyaya yan ng Diyos na dapat ipagpasalamat.
#turon #bukojuice Dumaan si pinsan nagtanong kung may pabibili sa bilihan ng kwek kwek, sige kako pakibili rin ako.. Kaso tumawag wala daw palang tinda, buko turon lang daw ang miryenda.. sayang kala ko pa naman makakain narin ng pugo ang dalawa kong alaga.. buti nalang masarap ang pagkatimpla ng buko at mainit pa turon.. ayaw ng mga bata nito, ako nanaman ang kakain lahat.. Mag gagatas at biscuit nalang daw sila.. Kain mga ka mema.. kain ng kain hanggat may kakainin..basta…
#panicbuyingngabatalaga Totoo nga ang balita wala ng mabili biogesic kahit generic ayaw magsipag benta naubos na daw.. lahat ba ng tao may lagnat at nagkaubusan na? Ano kaya ang plano.. paano ang mga umaasa lang sa abot kayang gamot na di kayang mag pa doctor... Nawa malagpasan muli natin itong mga pagsubok dala ng pandemya..
#followtheinstruction Blessed morning noisemate! Nakapagluto narin ng hotcake fun cake fancake basta yan.. minsan nabasa ko po sa isang post ng mommy dito sa noise na dapat daw basahin ang instruction ng packaging to make it perfect.. Naalala ko siya kanina at binasa ko muna nga..madalas kasi tinatamad nako magbasa at niluluto nalang ng tancha tancha kaya di ko ma perfect.. nahuli ko din sa wakas ang tamang timpla. Nilagyan ko nadin ng hotdog at cheese para tanggal umay…
#extraprotection Uso po ang sakit ngayon kailangan may vitamins pampalakas ng resistensya tulong laban sa mga kumakalat na virus.. Ako po araw araw marami nakakaharap na ibat ibang tao dahil sa pagtitinda kaya sinisingit talaga sa budget makabili ng vitamins.. Nakita ko po yan sa pose ng anak ng teacher ni bunso.. 2 hanggang 3 vitamins iniinom ko araw araw depende may laktaw kasi dapat yung isa klase vitamins kaya ng makita ko to pasok sa budget binili ko na pang 2months mas…
#throwbackthursday Nakakainip parang ang tahimik ng paligid dito samin kung gaano kaingay at kabusyhan noong nkaraang buwan ngayon parang tulog ang karamihan.. Pasyal muna tayo sa Ocean adventure!! Fieldtrip po ng mga anak ko yan.. nuon pag dumadating ang fieldtrip di ko alam kung matutuwa bako o malulungkot.. masaya sana dahil makakapasyal kami makakakita ng ibang lugar.. ang problema ko malungkot naman pag dating sa bulsa o pambayad.. kasi 4 kami lagi pag sumasama dahil…
#madaliangluto Gandang gabi mga ka mema! Pag gabi samin kung ano nalang maiulam nahihirapan na magisip.. yan ang available sa stock corned beef with potato.. gisa gisa lang at may ulam na! Dati nung bata ako tinanong ako ng kalaro ko kung kumakain daw bako ng baka? Sagot ko hindi.. hindi kami kumakain non! Sabi niya pero kumakain ka ng corned beef? Sabi ko oo masarap yun! Natawa kalaro ko sa diko malamang dahilan.. Grade 6 nako ng malaman ko baka pala ang laman ng corned…
#Godisgoodallthetime Parang ang hirap ngumiti pag may pinagdadaanan na problema.. ang bigat bigat kung iisipin at daramdamin.. pero one's na naalala ko nandiyan si God para sakin na di ako iiwan ano man ang mangyari na may plano siya at kontrolado Niya lahat.. nakakalakas ng loob para akong nabubuhayan! mapapa thank you Lord kana lang talaga..
#earlyblessing #thankyouLord Blessed morning noisemate! Friday na.. kabilis ng araw! Kaaga aga kumakatok si tatang kapitbahay ko at suki narin sa utangan ng sigarilyo pero nagbabayad naman.. sabi niya pautang!! Tapos sabay abot ng suman.. Isawsaw ko nalang daw sa asukal naubos daw yung halaya partner sana.. Bigay daw to ng asawa niya, dati ko teacher ng elementary.. Basta daw lagi siya pauutangin..haha May kapalit pala noh?.. Ang saya lang makatanggap ng bigay sana sa…
#bestbefore Naumay na po ba kayo mga ka mema sa spaghetti noong pasko't bagong taon? Kami po hindi pa.. dahil di kami gumawa niyan noong new year kasi ang dami natira noong Christmas as in napanis nalang kakainit.. Napansin ko kanina may malapit nako maexpired na sauce sayang naman kung di magagamit kaya niluto ko na bago pa mahuli ang lahat😄 Tanghalian na yan hanggang miryenda! Kain po tayo!
#timesopast Nakakainip na hapon noisemate.. buti may noise at may nakakausap ako.. naisipan ko magligpit ng aparador nakita ko tong tambakan namin ng mga ipit ni ate may eldest.. 11years old na siya ngayon at wala ng hilig gumamit ng mga ribbon o anik anik sa ulo.. noong may pasok pa during elementary days gusto ko iba-iba gamit niya at different style din ng pusod araw araw.. nalalate kami kakaayos ng buhok niya.. lagi kami may demerit na late dahil narin mabagal siya…
#parehongmasarap Kung ang mga bata di nagsasawa sa bida ang saya.. ako di rin magsasawa sa tuyo.. Para sakin mapa umaga, tanghali, gabi pedeng iulam.. mas masarap yung sakin may sinangag.. ayaw nila ng tuyo kaya solo ko.. Kayo po kumain narin ba noisemate.. Kain na po tayo🤗
#sorpresa Blessed morning noisemate! Literal na nakaka surprised pag may ganitong pasalubong.. uwi yan kagabi ng papa nila.. Chessy mamon at banana bread.. Pag gising nila maitimpla nalang ng gatas.. nagising na kanina si bunso pinabalik ko uli sa higaan para matulog kasi pag may pasok ubligado siya gumising ng maaga ngayon lang at bukas makakabawi.. Nakapaglaba nako kahapon medyo hayahay na ang buhay ngayon, walang masyadong gagawin.. ligpit ligpit lang today at isip na…
#monthlyobligation Gumagawa din po ba kayo niyan noisemate everymonth?.. Listahan ng mga bayarin.. minsan nasusunod madalas hindi dahil may mga extra bayarin na dumadating na di kasama sa budget.. Iyon ang tinatawag na di maiiwasang gastos.. pede may nagkasakit, may kailangan bilin o may emergency.. Habang tumatagal ang hirap makaipon para sa pangarap na bahay at lupa.. kahit maliit lang sana basta sarili.. Kung kalooban ni Lord alam ko ibibigay.. waiting muna at tuloy lang…
#goodvibesmuna Naiyak ako dito sa kakatawa ng minsan picturan ko si pamangkin kasi ng makita ko kuha lumago bigla yung buhok niya! Di pala kagandahan pag malago masyado ang buhok ng 2 months na baby!🤣🤣🤣 Tumugma ulo ni pamangkin sa buhok ni nanay na may hawak sakanya! Hehe ako lang pala natawa..🙄 Mema lang po✌😁
#paboritongitlog Nakakain din sa wakas namiss namin to.. kwek kwek din po yata tawag diyan.. Kasi may malaking itlog na may orange din na balot kwek kwek din yata tawag dun.. dati piso lang isa niyan tapos naging dos ngayon 3 sampo na..hehe ako nalang talaga ang di tumataas! May suki kami niyan sa kanto ang sarap ng sawsawan..yun talaga ang lalong nagpapasarap timpla ng sauce.. 12 pcs ang ang binili ko tinapon ko lang sa basurahan ang plastic na pinaglagyan ng sauce, pag…
#PamananiTatang Blessed morning po noisemate! Tara na at magkape't tinapay.. Ang pag sawsaw sa kape ng tinapay para sa iba ay eoww.. for me, yummy to! Kung di mo pa natry subukan mo din..haha Sila tatang ay mahirap lang, literal na isang kahig isang tuka eka nga, kaya basta may tinapay at kape masaya na siya.. sila ang aking napakababait na lolo at lola kung tawagin ko eh tatang at inang.. Sila ang bantay ko lagi dahil sila nanay at tatay noon ay naghahanap buhay maghapon..…
#sipoegg It's family day.. nagrequest si kapatid ng sipo egg nasarapan sa niluto ko noong new year pero nachambahan ko lang yun sa tulong ni youtube.. Hindi sana kami pupunta ngayon kila nanay kaso namimiss daw dalawang anak ko.. mamayang hapon uuwi narin kami.. sinamantala lang namin makalabas hanggat di pa naglalockdown, nakasanayan lang talaga kumain ng sabay sabay kapag linggo.. Kain po mga ka mema🤗
#magingalisto Ang hyper ng aking pamangkin ayaw matulog.. halos tuwing linggo ko lang siya nakikita.. At totoo nga ang sumbong ng lola na may bagong bisyo.. ang pagtatapon ng gatas.. hay nako bad talaga ginagawa sayang.. sabi ng mommy niyang call center napakarami muna niya kailangang kausapin bago siya makabili ng gatas..hehe kaya sabi ko kay nanay wag malilingat.. pag natatahimik magtaka kana..
#lechonliempo Uwi ni papa nila paborito ni bunso.. Kaya lang may nakita siyang isa part na may balahibo.. tinatanong niya kung ano daw un.. sabi ko part ng baboy kasi pag sinabi kong buhok baka di na kumain..hehe wag mo nalang kako kainin parteng meron kung ayaw mo non.. Maaga ko sila pinakain at lunes nanaman bukas para maaga makapahinga.. God bless mga noisemate..
#panglinisnghangin Gandang gabi mga mate.. Nakahiga na rin sa wakas.. kahit sabihing nasa bahay lang di ko magawa pumasok sa room maghapon para mahiga dahil may tinda sa harap.. sa gabi lang talaga pwede umunat.. Ito pala nabili ko last year na air purifier.. Siningit talaga sa budget para sa mga bata para malinis ang hangin dahil kulob ang aming kwarto.. Pag tinitingnan ko to di ko makita paano niya nililinis..heehe my naglilinis kaya sa loob?! Gaya nuong bata ako kala ko…
#notordinaryday Blessed morning noisemate.. Kala ko kagabi ay ordinaryong gabi lang ang lilipas .. nakahiga na kami ng mga bata ng bigla akong makaramdam ng kakaibang ginaw feeling ko nilalagnat ako.. kaya sa labas nalang ako natulog bagay na di sanay dahil gabi gabi ko katabi ang mga bata.. di nagpatulog ang sakit ng ulo ko.. Ang magising ka sa umaga na maayos ang pakiramdam ay biyaya na dahil di lagi masigla at malakas kang babangon.. Ingat po kayo noisemate.. God bless po…
#tinolangegg Maipilit lang na Tinola.. Tinolang walang manok.. Tinolang walang sili berde.. Tinolang walang dahon.. Wala available sa ref mabuti at may sayote.. pwede na samin yan basta may sabaw.. di naman kinakain ng mga anak ko manok pag meron, sabaw lang kinukuha.. tamang tama walang masasayang! Kain po tayo mga ka mema! Simpleng ulam na masarap!
#freshbuko Buko po tayo Pilipinas! Wala nga lang halong asukal as in pure lang.. Feeling ko umaadar ang uti ko kaya eto muna.. Di ko maintindihan pag masama pakiramdam ko naiisip ko lahat ng masarap na pagkain..hehe Parang kailangan ko yata ng 3siopao para gumaling😁
#itolangnuon #sapatna Noong kabataan ko pag may sakit na trangkaso ito lang binibili sakin ni nanay.. tipong nakakatikim lang ako nito pag may sakit talaga.. kaya natatak sakin na ito ay gamot.. Minsan mas gusto ko noon nagkakasakit kasi dun lang ako tinatanong ni nanay kung ano ang gusto ko kainin.. ang problema di ko rin maenjoy dahil mapait ang panlasa pag may sakit.. Napaka simple lang talaga nuon pag may lagnat lagnat at di pa gumaling ng 3 araw dadalin lang sa tiyahin…
#Itlogwithpatatas Itlog na may patatas ang niluto ko para sa mga bata.. paborito nila yan basta may itlog mabubuhay na.. Isa sa pagkukulang ko bilang nanay ang di ko sila nasanay kumain ng gulay.. sinubukan ko maraming beses pero bigo.. pinipilit ko nalang ihalo ang gulay sa mga paborito nilang pagkain.. Ang hirap kasi nababahala din ako di kumpletong sustansiya ang nakakain nila araw araw kaya sa ganitong paraan kahit paano nakakakain sila.. Di ko sila masisi dahil dalaga…
#thanksGOD Blessed morning noisemate! Thanks God maayos na ang aking pakiramdam nawala na sakit ng ulo at lagnat.. Nakabili narin ng biogesic.. bumili nako ng 30pcs.. Noong ininom ko pinagpawisan naman ako kaya sure na original brand ang dami kasi kumakalat na fake ngayon.. May nabasa pako sa fb na nakainom ng fake na biogesic namaga ang buong katawan baka allergic reaction un.. may mga ibang taong kumita lang di bali makasakit ng iba.. Siguro makakatulog nako mamaya gabi ng…
#soupast #sopas Tanghalian namin mga ka mema sopas.. May soup kana.. past pang lutuin! Hinawa ko ng maliliit ang repolyo carrots para makain ng mga bata.. pag malalaki kasi ang hiwa tinitira.. eh iyan ewan ko lang kung mapili pa nila isa isa..haha paraparaan! Challenge sakin bilang tindera at bilang nanay.. tipong ma oover cooked na niluluto saka may tatawag na "pagbilan". Lahat ng gagawin ko putol putol.. Susubo kana lang may tatawag uli, di na nabusog isang tayo isang…
#Halohalongsarap Noong isang araw ko pa to nakita sa post ng aking suki sa fb pero nagdadalawang isip ako umorder baka lumalala ang aking sipon.. pero ngayon di na talaga napigilan mapaorder.. 35pesos kasama na delivery fee.. sulit narin marami naman sahog! May turon din siyang tinda isa lang inorder ko dahil sa mga bata tinapay na may hotdog ang miryenda dala ng papa nila.. Medyo nababawasan na ang lamig ng panahon siguradong mas dadami pa ang magtitinda nito habang…
#kukutin Di ko maalala ang tawag dito.. may nagdaan na naglalako bago gawa daw at napabili si aling tindera..hehe mamaya maalala ko na tawag diyan.. nagloloading pa sa isip ko.. Nakakain narin ba kayo niyan mga mate... Medyo malapit ang lasa sa greenpeas na maalat alat..
#myreward Pag ganito kalambing ang anak tanggal ang pagod.. kahit sa gabi bago kami matulog mag tatanong yan "ma gusto mo masahe" tinatanong pa ba kako yan... Ang taba ng mga kamay niya kaya ang sarap magmasahe tugon sa buto ang sakit..haha naghahalong masarap na masakit pero nakakarelax talaga.. iba ang pagka sweet ng lalaki sa babaeng anak base sa experience ko.. Si ate kasi panganay ko sa iba bagay niya pinapakita ang pagiging malambing.. si bunso mas expressive mahilig…
#pampainitsaumaga Blessed morning noisemate! Maaraw na Miyerkules matutuwa ang mga dakilang ina sa paglalaba makakatuyo agad.. natutuwa ba talaga? Oo dapat daw matuwa kasi may anak at asawa ka pinaglalaba ibig sabihin kasama mo sila at kumpleto kayo.. Mainit na gatas at hopiang ube ngayon umaga parang diko feel magkape napupuyat ako.. gusto ko rin sana maadjust ng tulog sa gabi.. maaga makatulog dahil ang hirap hirap bumangon sa umaga.. Ang dalawa ko anak masakit narin ang…
#adobonimader Kararating lang mainit init pa chicken adobo! Pag may gusto kami kainin ipadala ko lang ang pambili kay tatay at si nanay na ang bahala magluto.. Isa yan sa di ko makaya lutuin mahina ako sa panancha ng timpla.. kung matuto man ako mas hahanap hanapin parin ang luto ni nanay.. Nilalagyan niya yan ng redbell pepper.. Mas nakakadagdag sa sarap.. Tipong sabaw palang ulam na.. Thank God din malakas pa si nanay at tatay na nandiyan parin para samin kahit may kanya…
#halagangbarya Ang barya maliit ang value.. pero pag pinag sama sama malaking tulong.. sa oras na wala nakong madukot na buo sa coins kumakapit..hehe Araw araw nagtatabi ako ng buong 5 o 10 pesos kung magkano lang.. nakalaan talaga yan para pag nauubusan ng pamalengke may mabubuksan.. Sabi pala sa nabasa kong hugot.. "barya ka ba? Kasi umaga palang kailangan na kita"🤪 may kasabihan po tayo pag may sinuksok may mahuhugot.. legit 100%!
#togetheragain Namiss ko ang dalawang katabi ko.. Ako mama dito pero pinakamaliit samin.. Nakamedyas ako lagi pag natutulog nakasanayan ko na dahil dry ang balat ko sa paa kaka zonrox ng banyo gabi gabi.. eh pag dry parang sumasabit sa kumot basta ganon ang feeling may magaspang kaya i cant sleep without medyas..haha Nagsawa nako maglagay ng petroleum jelly.. Eto na nga hindi naman ako umalis sa labas lang ako natulog ng 3 araw dahil baka mahawa ko sila ng lagnat.. Ngayon…
#lowprice Blessed morning noisemate! Dumating na deliver ko na hoodie para sa dalawang bata wala kasi kahalili ginagamit nila ngayon.. kaya napaorder ako.. sabi sa review di raw mainit ang tela at maganda! Sa halagang 109 isa sinubukan ko baka sakali makachamba.. Nang buksan ko maganda nga! Sulit sa presyo ang itsura! ang problema ang init ng tela sa loob pwede siguro to suotin sa parteng lugar na sobrang ginaw o nayeyelong lugar.. Stk stk stk.. may nabili kami last last…
#ginisangmunggo Di lang pang friday pang huwebes din! Karaniwan po dito tuwing friday inuulam ang munggo.. samin any day basta may lulutuin.. Nilagyan po yan ng talbos ng kamote dahil walang dahon ng malunggay na mabili.. simpleng gisa lang sa bawang sibuyas kamatis at chitcharon baboy may ulam na.. Di pa nahuli isda kapartner..hehe Kain na po Pilipinas!
#Pastillasdeleche Special pastillas po pang tanggal antok.. bigay ni tito yan.. parang nanunukso nga eh may ubo mga bata dito, bawal sakanila to sakin pwede.. kaya ko magtiis makakain lang..hehe tikim lang naman! Napakalambot nito lasang lasa gatas at linamnam.. ang liit nga lang ng laman pero sulit bawat kagat.. Baka maubos ko tong isang balot pag di napigilan!🤤🤤
#pampalakas Feeling ko bumalik kami sa bagong taon dahil bumili si mister ng mga prutas.. para daw lumakas ang katawan ng mga bata.. ang problema ko paano sila mapapakain dahil saging lang ang kaya nilang kainin.. Nawa matapos na to mga sakit na kumakalat at lahat ng may sakit ay gumaling narin..
#pahirapanhanapin Ilan botika ang hinanapan ng tempra walang mga stock.. napansin ko sa tablet na tempra di pinapapawisan si bunso kaya nagpahanap ako sa kapatid ko ng liquid na tempra.. mabuti nakahanap at pinainom ko na ngayon at nawa mahiyang para pagpawisan na.. yun ang di ko makita resulta ang pagpawisan siya kaya ayaw mawala ng lagnat.. pinunasan ko narin ng bimpo pero pamumula ng pisngi niya ayaw pa mawala tanda na mainit talaga ang pakiramdam.. Bactedol pala…
#fridayna Blessed morning noisemate! Masarap pa sana humiga at matulog kaso may obligasyon.. nakakapuyat pag meron may sakit sa bahay.. thanks God bumaba na lagnat ni bunso, buti si ate sipon at ubo nalang.. Sa kabila ng may sakit gusto daw niya pumasok online sabi ko mag pagaling ka muna at matulog uli.. Ngayon tulog pa mga alaga ko ako muna kakain nito pancit canton at tinapay na chesse bread.. May labahin pa pagtapos ko nito.. Kung pede lang skip ang paglalaba kaso…
#sinigangnalechon Ayuda uli ni tito.. may nagbigay sakanya na buto buto ng lechon baboy ang ginawa niya sinigang ito.. kaya wala po lumulutang na laman dahil buto buto lang talaga pero ang sarap pala pag lechon ang ginamit malasa.. Alam niya may sakit dalawa apo niya kaya mainam daw to para makahigop ng mainit na sabaw ang dalawang bata.. Kain po tayo habang mainit pa mga ka mema!
#yumyummy Tulong yan para mas mabilis gumaling..😄 Paborito ng mga bata yan mga walang gana kasi kumain.. yung isa masakit lalamunan yung isa wala daw panlasa kaya binili sila ng papa nila baka sakali ganahan daw..haha Sila lang talaga binili..hehe ok lang di naman ako gutom happy nako sa picture!
#goodbyefever Natanaw ko sa room nagcecelphone na ibig sabihin guminhawa na pakiramdam.. kahapon talagang di hinawakan maghapon ang cellphone ngayon may energy na uli! Nawa magtuloy tuloy na.. Thank you po Lord sa kagalingan.. Makakatulog na siguro kami mamaya ng mahimbing makabawi sa ilang gabing puyat.. Mali pala ginagawa ko ginigising siya ng every 4hrs para painumin ng gamot sa oras, nakita ko sa fb sabi ng isang doctor dun dapat daw kung natutulog ang bata wag na…
#malamignasabado Blessed morning noisemate! Tayo na at magkape.. pampainit sa umagang kaylamig.. kape kailangan ko ngayon para kaya magpuyat mamayang gabi dahil may bs kami.. Mukang malungkot ang aming weekends.. di kami makakapunta kila nanay bukas dahil baka makahawa pa ng ubo sipon duon.. Isa pa bawal pa lumabas ang mga bata baka masita uli.. sunday lang kasi kami nakakalabas ng bahay.. Tiis tiis muna sa ngayon..
#cravingforpusit Tanghalian na mga ka mema Stuffed squid po ulam nabili sa kanto.. may delivery fee 5pesos..hehe nakakatamad lumabas mainit.. nuon ko pa nakikita sa menu nila yan na gusto ko sana matikman.. malalaki pala hibla.. Pag natikman ko to mawawala na takam ko tuwing makikita post nila.. Si nanay di nasanay magluto ng pusit kaya never kami ngkaron nito sa lamesa kaya gusto ko matikman.. Kain muna po tayo mga ka mema!
#unexpecteddeliver Kung kelan di mo na hinihintay saka dumarating.. Last year pa order 1stweek palang ng december ngayon lang dumating, di ko na kinukulit yung ahente dahil malamig naman ang panahon.. sayang noong mga nakaraan linggo kahit na malamig marami naghahanap dahil may mga pera pa mga bata galing sa napamaskuhan.. ngayon mukang mga ubos na ang pera ng mga chikiting.. Pero ok lang nandiyan na eh di parin kumpleto ang stock marami pang wala.. maorderan nalang pag…
#sagingQ Miryenda po tayo ng banana Q at kape.. Ewan ko lang kung makatulog pako mamaya nito pangalawang kape ko na..hehe Kanina sabi ng mga bata di daw sila makatulog kagabi sa ingay ko, nagtataka naman ako di naman ako maingay... ang lakas ko daw mag hilik na di ko naman matandaan! di ko matanggap..hehe Baka dahil siguro sa ilang gabi puyat.. susunod daw irerecord nila para maniwala nako..haha
#extrafood Blessed sunday everyone! Salamat dumaan kapatid ko nakibili nako ng comfort food ng mga bata.. minsan walang mailuto pagkain kaya malaking bagay sakin pag may stock na mabubuksan.. Tulog pa dalawa ko alaga di ko muna gigisingin dahil di naman kami makakapunta pa kila nanay..di talaga kumpleto buong linggo ko pag walang dayoff.. family day namin parang iyon na pinakareward ko sa buong week.. sabay sabay kakain at wentuhan kahit sandali oras lang masaya na ko..…
#saveenergyfor #conditionerandshampoo Dumating na ang meralco bill namin kahapon Nakakatuwa malaki ang binaba.. nagbunga din siguro ang pagtitipid sa kuryente dahil malamig naman ang panahon madalas di ko na binubuksan ang electripan mga bata lang pirmis meron. . At dahil bumaba may sosobra sa budget akin na yun.. naisipan ko bumili ng malaking conditioner para hindi na nagagalaw paninda ko.. isa pa kailangan narin ng treatment ng aking buhok dahil parang alambre na sa…
#Pilfriestayo Wala maisip na miryenda ng mga bata kaya nagprito nalang ako ng fries, naalala ko mga tira tira na sauce tuwing nag oorder sa fastfood magagamit ngayon to dahil madalas na eexpired lang.. Konti lang nilagay ko cheese powder para di masyadong maalat magtitimpla nalang ako ng juice para feeling fast food na..😊 Kain po habang mainit pa!
#hapunanisready Di nako magsasaing ngayon gumawa ako konting carbonara at umorder ng pizza.. ang ingriedients sa tindahan ko lang kinuha.. bukas ko nalang papalitan.. di namain mauubos tatalo to kaya tatawagan ko si pinsan at dito pakakainin.. busog na ang mga bata magliligpit nako ng maaga maka tapos ng mga gawain.. para bantay nalang ng tindahan.. Thank you Lord sa hapunan..
#bilogangbuwan Noong kabataan namin pag bilog ang buwan matakot kana kasi may kwento pag kabilugan ng buwan lumalabas ang aswang..haha Ngayon may edad na natutuwa ako tuwing bilog ang buwan dahil ibig sabihin hindi uulan walang bagyo payapa ang gabi.. Pag hindi uulan di ko kailangan ipasok ang mga damit na sinampay.. Diyan ko lang napagmamasdan ang buwan sa loob ng aming bahay sa parteng labahan.. Wala naman ako mapagtambayan sa labas para magmuni muni at pagmasdan ang ganda…
#nopasok Dahil walang pasok maya maya nako magluluto.. Ito muna almusal ko, kagabi pa pizza burger ininit ko lang ngayon.. Sa mga nababasa ko balita dumadagdag talaga to sa mga isipin ko sa buhay pero di dapat ako mastress dahil magiging apektado bawat gagawin ko kung meron akong takot o pagaalala sa loob ko.. GOD IS WITH US yan ang lagi ko iniisip sa panahon ngayon anuman ang mangyari di Niya tayo pababayaan..
#2in1 #almusalandlunch Dahil puyat kagabi kakalaro kagigising lang ng mga bata, alas dose na mahigit ngayon magkasama na ang almusal at tanghalian nila.. nagluto ako ng longgadog at noodles para may sabaw.. kung ano na muna ang available na stock sa ref.. di na nakakapunta ng palengke puro pabili nalang ako.. Kain po muna tayo mga ka mema!
#aralmuna #beforecellphone Yan ang usapan namin ngayon magaaral muna bago cellphone.. nauubos na kasi ang oras kakadutdot maghapon kaya binigyan ko sila ng task.. pag tapos kako ng mga dapat tapusin sige pwede na maglaro.. Nilagyan ko rin sila ng plastic bag na malaki sinabit ko malapit sakanila para di nagkakalat ng tissue pinagsisingahan ng sipon.. kanina pa kasi ko pulot ng pulot nililipad ng electripan.. Ewan ko lang kung sa lagay na yan tamarin pa sila magshoot ng…
#cookingdone Blessed morning noisemate! Nakapag sangag nako at prito itlog, yung mga kakain nalang ang tulog pa.. Ininit ko ang konting tira na adobo kagabi at hinalo nalang sa sinangag.. kakatawag ko lang kila nanay meron narin palang ubo at lagnat nahawa na kay tatay parang lahat yata kami patitikimin ng trangkaso.. ang bilis talaga makahawa.. Ingat po tayo lagi at God bless noisemate!
#pritoatsabaw Share ko po sa inyo pananghalian namin fiedchicken at sabaw ng sinagang na alimasag.. bigay lang ni tito again.. salamat talaga mahilig sa sabaw ang tiyuhin ko at di kami nakakalimutan bigyan.. ilan barangay din layo niya samin nagbibike lang siya para dalan kami.. lalong sumsarap ang prito pag may sabaw na mahihigop.. Salamat Lord sa walang sawang pagbibigay ng biyaya..
#pasalubongnipapa Miryenda tayo Pilipinas.. uwi yan para sa mga bata ni mister.. wala na daw siya maisip ipasalubong, bagong sweldo eh bumale lang.. kung ako bibili mas pipiliin ko bumili sa bakery ng tinapay at imbis na keso ganyan klase maliit na mesong sachet lang ang bibilin ko.. ang gastos mo kako di kaba nilalagnat? Hindi daw basta para daw sa mga bata kahit mahal.. ako nalang daw ang magtipid😁 May pagkakaiba talaga ang lalaki sa mga nanay magbudget.. pero natutuwa rin…
#kapalitngsarap Gandang gabi mga kamema.. Di pa ko makatulog dahil ang aking tiyan ay parang pinakukuluan pa..hehe blok blok blok! Tuwing iinom ako ng gatas yan ang kapalit kung bakit ba gustong gusto kasi ng mainit na gatas! Mabuti may gatorade na stock pa.. sasamahan ko nadin ng apple...😆 Good night mga ka mema... Sweetdreams and God bless everyone!
#newconnection Blessed morning mga ka mema! Siya pala nanggising sakin ngayon umaga si spiderman......este lineman! Di ko narin to hinhintay na dumating dahil sabi 2to3 days lang ang kabitan.. umabot din ng ilang linggo.. nagpalit ako dahil yung gamit ko ngayon tuwing gabi madalas walang connection, nawa Lord right decision po ito.. Magluluto nako almusal pag alis nila.. Nahiya ako sabihan lineman hubarin niya stepin..hehe lilinisan ko nalang sahig pagalis.. Ingat at God…
#saranggolanipapa Yan ang kauna unahan nilang saranggola na gawa ni papa nila.. 3years ago pa yan kung san pede pa makatakbo ang mga bata sa dating apartment na tinitiran nila nanay.. mabuti naranasan nila yan bago pa magpandemic.. ang tayog ng narating niyan kaso nabalalak sa poste ng kuryente at di na nakuha.. ang saya lang balikan ng panahong malaya pa..😊
#sulitangkinse Medyo maaga dumaan si nanang na naglalako ng miryenda ang tinda niya ngayon ay palabok at paradusdos o bilo bilo.. naglalakad lang siya hila hila ang stroller na lalagyan ng paninda.. napabili ako ng bilo bilo nakakaakit kasi ang kulay parang masarap.. nakakatuwa kay nanang bawat bahay na daanan niya ay tinatawag niya sa pangalan.. oo mismo sa pangalan kabisado niya bawat pangalan ng kanyang customer.. para sakin dagdag lambing yun sa mga suki.. sa kagaya ko…
#blessing Another blessing mga ka mema, binigyan kami ng handa ng kapitbahay namin may birthday.. binigyan ko din ng 1 softdrinks na malaki pandagdag kako sa inumin nila.. kahit simple bagay naramdamn ko natuwa bata.. Ang sarap magluto ng nanay niya.. mahihiya ang spaghetti ko..hehe ano kaya ang sikreto nito.. Masaya maalala ka bigyan lalo't di naman kami pala handa at palabigay sa kanila.. Dahil madalas pag may okasyon kila nanay kami naghahanda.. kaya thank you Lord again…
#freebies Minsan mas nakakapagdala sakin ng tuwa freebies kahit maliit na bagay basta bigay at libre sobra ko naapreciate..hehe bigay po sakin yan sa inorder ko gamot.. di ko pa alam ang lasa candy yata yan sa ibang bansa.. di ko sure.. May mababait din talagang seller na maalaga sa mga customer kaya babalik at babalikan mo talaga.. masarap din may suki na matatawag di kana magaalinlangan kung ang seller ay legit o hindi.. Thanks God sa nagdaang maghapon na ito.. God bless…
#tuyoisback Blessed morning noisemate! Umaambon na webes mukang matamblay ang panahon.. kakadeliver lang sakin ng tuyo kailangan matikman bago maibenta.. saka namiss ko narin.. nagsangag ako at hinalo ang tirang fried chicken.. balat lang kasi kinuha ng mga bata sayang naman ang laman.. hinimay ko ng maliliit saka pinirito uli.. Sa panahon ngayon wala dapat nasasayang.. Kain po Pilipinas! God bless noisemate!
#earlymiryenda Dahil mga busog pa sa agahan nagprito ko ng dinamita in english dynamite..hehe Inorder ko lang po yan ako nalang nagprito di ko sure kung makakain to ng mga bata pero sila nagpabili niyan.. pag hindi ako nanaman ang uubos.. Tara kain mga ka mema masubukan kung talagang sasabog to sa sarap!
#patitigasin #lulusawin Yung anak kong mahilig magpatigas ng milk sa freezer tapos palulusawin lang din bago inumin.. Nang makita ko kala ko kung ano to.. sabi ni bunso experiment daw niya yan.. madalas nakakalimutan na niya balikan kung di ko papaalala masasayang.. sabi niya para lang daw yan pag nagkakape ko pinapalamig ko rin bago inumin..ehehe mga bata talaga kung ano makita pwede nilang ibalik sayo.. kaya ingat sa mga kilos natin.. nakamasid sila at pwede gayahin..
#miryendangdinakakasawa Mabuti dumaan si lolang naglalako akoy naghahanap ng mangunguya kahit di gutom.. Saktong nandito si tatay pinauwian ko din ng dalawa tigisa sila ni nanay.. ngayon ko lang naisip na di pala makakain ni nanay yun dahil walang ipin.. Sarap pa naman sana at masustansiya bagay sakanila.. bagong pitas daw sabi ni lolang naglalako.. kain po mga kamema!
#lumpiangshanghai Magandang gabi Pilipinas! Kumain na po ba kayo? Kami po kakatapos lang.. Hindi ko po yan niluto, binili ko lang sakin kaklase na nagtitinda ako nalang ang nagprito.. sa halagang 50 pesos solve na kami ng mga bata.. Noong isang araw pa sana namin gusto mag ulam niyan kaso may sakit si nanay di makagawa ng specialty niya shanghai.. mabuti nakita ko post ni classmate sa fb.. feeling ko nakatulong nako sa kapwa ko nanay nakatipid pa.. masarap po gawa niya di…
#TOGODBETHEGLORY Bago po ako matulog ishare ko sa inyo noisemate ang natanggap ko ngayon gabi na biyaya.. dahil sa isang post ng isang noiser nabasa ko libreng 5dollars ni paypal at naisipan ko magbaka sakali meron din akong dumating.. at di nga ako binigo! meron dumating grabe tuwang tuwa ako!! nakumpleto din sa wakas ang 500 minimum payout ni paypal.. dahil ang original balance ko lang ay 259 pesos di ko mapakinabangan ang 2 buwan ko paglalaro ng earning games last year..…
#putpotputpot #putonimanong Blessed morning noisemate! Sa wakas naabutan ko din siya.. matagal tagal din hindi nakakabili dahil di machambahan ang oras ng daan ni manong.. Di na muna ko magluluto nito sapat na tong almusal.. mamayang tanghalian nalang makapagluto.. tara po tayo na mag almusal para may lakas sa pagkukusot..hehe Ingat po at God bless noisemate!
#comboinihawatsabaw Bumili nalang kami ulam mga ka mema.. inihaw na baboy at may palibreng sabaw.. Sobra pa to samin siguradong di mauubos dahil mahihina lang kami sa ulam sa kanin malalakas... Ang bilis talaga ng oras mamaya miryendahan naman..eehehe feeling blessed sa pagkain.. kahit ano pa ulam o pagkain nararapat na pasalamatan ang nagbibigay satin.. Thanks God may tanghalian kami..nawa bawat lamesa may kakainin sa mga oras na ito.. Enjoy your tanghalian mga ka mema!
#soyadrink Kung tama po ako soya ang tawag diyan.. pasalubong ni mister sa mga bata kanina baka daw magustuhan.. ginawa ko nilagay ko muna sa ref at ngayon binuksan.. kaso di nagustuhan ng mga bata.. lasa daw taho na lusaw..hehehe ganon kako talaga lasa nun.. sayang dalawa pa naman.. Kala ko lasang vitamilk mas puro pala ang lasa nito.. iniisip ko pa kung ano magagawa ko dito nanghihinayang ako..
#pasapasangblessing Tuwa naman si lola sa konting napadala ko sa bikol.. may konti grocery na siya.. yan pala nakuha ko sa pa ayuda ni paypal kagabi.. pinadala ko nalang sa pinsan ko sa gcash.. masarap makareceived ng blessing, masarap din sa pakiramadam ipamahagi ito sa iba.. thanks God talaga..
#throwbacksaturday Panahong masipag pa siya maglampaso ng sahig.. Bahay namin nuon na apartment sinaunang bahay maluwang ang kanyang gapangan at laruan.. at meron din space para sa duyan.. nakakalungkot nga lang at pinaalis kami duon at pinagbili na ng may ari ang bahay at lupa.. talagang napamahal samin ang bahay na yun dahil 20years kami nakatira duon.. Thankful parin ako dahil naranasan ko tumira sa malaking bahay na may hagdan o taas..hehe Pag binabalikan ang nakaraan…
#tiratiraulam Nag-ayos ako ng stock sa freezer at may nakita ko konting siomai at cordon bleu na isang piraso.. tamang tama may tira parin akong dynamite noong isang araw.. naalala ko isang comment ng isang noiser na inuulam daw nila ang dynamite kaya sinama ko narin sa prito.. nakasanayan kasi dito pinapapak lang, ngayon alam ko na masrap din palang iulam parang shanghai din na may anghang.. bukas na siguro kami makakain ng talagang lutong bahay pag punta kila nanay.. Kain…
#pantanggalantok Sa mga brownie lover diyan masarap to di masyadong matamis..nakaka antok ang panahon pero di pede matulog..hehe yung kakain ka para matanggal antok mo pero pag nabusog antok din naman ang mararamdaman.. kayo noisemate ano miryenda niyo.. ako ang dami ko naiisip na masarap na miryenda ayoko naman gumasta.. sabi ni nanay nuon gusto eka kumain ayaw bumili may pera naman..hehe ang kuripot ko daw.. di ba pwede nagtitipid lang..😁
#saktongdating Kala ko mga ka mema pag umorder ako ng ganyan maramihan aabutin ng 1buwan at makakatipid ako.. di rin pala.. yung una dumating na green inabot lang ng 1week mahigit.. saktong paubos na ngayon, dumating naman ang deliver na puti tissue today din.. di ko alam dahil kaya sa nagkataon may mga sipon ang mga bata kaya mabilis naubos una o talagang pag marami nakikita sige sige lang ang gamit..hehe nakakatuwa nakachamba ko ng mura tissue 80 lang kulay puti plus…
#librenikapatid May pa ayuda si bunsong kapatid birthday niya ngayon eh.. bihira lang manlibre yun natapat na kakasweldo lang nung isang araw.. bumabawi siguro sakin..hehe pero may pasaring pala.. sabi niya.."pampasalamin ko nalang ibibigay mo sakin" Haha parang sure na sure na may pambigay ako sakanya.. pero ang totoo gusto ko talaga siya mabigyan kahit paano dahil call center siya kailangan niya talaga ng protection sa mata.. bago palang siya sa company pinapasukan niya…
#beautifulsunday Blessed sunday mga ka mema! Maganda ang sikat ng araw.. happy dahil mukang makakaalis kami mamaya tanghali papunta kila nanay.. last week kasi di nakaalis dahil may mga lagnat pa.. ito lang talaga kaligayahan ko pag linggo makasama mga kapatid at mga magulang ko tapos sabay sabay kakain ganun lang akp kababaw..hehe papakainin ko lang ang mga chikiting at gagayak na kami.. Ingat mga ka mema nawa maging masaya at ligtas ang araw nating lahat.. God bless…
#happytanghalian Yan na po nagkakagaulo na.. hehe sarap kumain ng sabay sabay kahit simpleng ulam lang.. nagluto si nanay ng ginulay na mais at pritong galunggong.. sa wakas nakakain din ng gulay at isda.. mapaparami kain nito.. meron din samin taga kain ng ulo ng isda taga simot..hehe Kain na po Pilipinas!!
#specialmiryenda Dahil birthday ni kapatid na bunso kahapon may spaghetti si mader..may mga pasok lasi lahapon kaya ngayon lang nakapagluto.. sagot ng kaptid ko lalaki cake ako nagdala ng shanghai pero di pa naluto dahil naubusan ng gasul.. pang bukas nalang daw yun sabi ni nanay para di daw nganga bukas..heehe happy sunday talaga at sulit ang araw namin magiina, samantalahin dahil bukas may pasok na yata.. Miryenda tayo Pilipinas!
#busysunday Nasulit ng husto ang aming linggo, bukod kila nanay nakapasyal din kami sa tiyuhin ko naaksidente nabundol ng motor.. thanks God at galos at sugat lang ang natamo niya..mas malala naging lagay ng nakaaksidente sakanya nawa pagalingin narin siya.. tuwa naman mga anak ko nakapunta sila sa ibang lugar bukod kila nanay.. ang dami din bunga ng bayabas..kaso mga bubot pa.. nag pifeeling bata nanaman ako kanina parang gusto ko akyatin..hehe sana laging ganito pag linggo…
#Midnightsnack? Time to sleep na sa iba.. sakanya time to eat pa.. Yung anak mo kumain naman ng hapunan pero isa oras palang nakalipas nag mimiryenda nanaman.. Anak di kaba kako nabusog kanina? Nabusog mama.. sagot niya.. ganyan siya lagi kahit kumain na may miryenda parin kasunod sa gabi.. kala ko natapos na sa biscuit.. maya maya binuksan naman ang slice gusto din daw niya yun.. ayon sinawsaw na sa gatas.. nagtataka ko minsan san niya nilalagay ang kinakain..hehe di ubra…
#summernadito Blessed morning noisemate! Sino gusto mag swimming ng libre? Dito po yan sa patubig tapat ng bahay nila nanay.. Ang saya nilang tingnan maligo.. may mga kasamahan pa sila sa kabilang dulo di ko na nakunan.. tuwang tuwa mga anak ko makakita ng ibang bata naliligo.. kahapon po yan ng papauwi na kami saktong patalon na at nakunan ko ng picture.. saya lang maging bata! sana lang lagi malinis ang patubig para safe din sakanila.. Summer is coming..pero dito anytime…
#nationalID Kung tama ako yan ang tawag sa kinuha namin ngayon national id.. pero ng binasa ko PSA nakalagay sa taas.. sinamahan ko lang si nanay sa barangay para mag fillup ng form, naisipan ko tanungin din ang mother leader kung pwede din kumuha ang di kabarangay at pumayag naman sila kaya kumuha narin ako ng sakin.. nasulit ang lakad ko kaso napakainit sa pila, ayos lang sana kung kami lang ni nanay kaya lang kasama pa pamangkin ko na walang maiiwanan magalaga.. ang hirap…
#timetoprotect Nag-aya kahapon si bunsong kapatid sa optical mag inquire lang daw kung magkano protection sa mata, de sinamahan ko na para matahimik.. noong nandun na kami 950 pesos daw sabi ng nagaasist.. kaso walang grado yun pure eye protection lang.. kaya nag inquire din ng may grado aabutin ng 2200 daw.. sige kako pasukat kana sabay abot ng cash na regalo ko.. tuwa siya kita ko sa ngiti niya.. mabuti payag ang optical na pwede half lang muna tas pag balik nalang ang…
#beforeandafter Mema ko lang po itong nilipatan ng aking kapatid.. bubong lang pinagawa nila the rest silang magasawa na nagsinop.. mainam kay bayaw hanggat makakaya niya gawin siya na ang tumatrabaho.. pinaupahan sakanila yan ng 1libo bawas upa na gastos sa paggawa nila.. maliit lang na mahaba yan pero ang bahay kahit gaano kaliit basta masinop at malinis maginhawa tirahan.. para sakin masaya ang nakabukod sa mag asawa mas maraming matutunan at matututo ka talaga tumayo sa…
#jobeenight Buti pa si Jollibee lukutin ko man ang muka ng paulit ulit nakangiti parin.. ako may konting error lang di na maipinta ang muka..haha sana all talaga Jollibee kagaya mo bida ang saya! Tira ng mga bata kanina ako taga ubos.. naka jackpot ngayon may tira..😁
#tuesday Blessed morning noisemate! Napuyat ako kagabi kakakanta..hehe Feeling ko lang talaga may talent ako eh.. sabi ng anak ko magaling daw ako sabay halakhak! Alam nyo na sagot.. Nagdownload ako ng app kung san pwede kumanta pantanggal ng stress.. starmaker! nawawala naman stress ko kaso napupuyat naman ako..haha ano ba yan.. Kaya eto tinanghali.. champion at tinapay muna this time magsasangag na ako para may makain sa break si bunso online nag gatas lang din kanina.. si…
#chickencaldareta Yung di mo alam kung ano uulamin tapos may biglang darating.. padala ni nanay nag caldareta pala sila..buti naman kako at may pang ulam na kami..hehe specialty ni nanay yan.. thank God sa blessing.. Kain po tayo..
#pizzainthehouse Miryenda tayo mga ka mema.. may inalok si pinsan na homemade pizza gawa ng amo niya tamang tama wala miryenda kaya napabili ako.. marami gawa amo niya iba iba klase may cake banana cake basta my kinalaman sa baking.. sarap siguro ng maraming alam lutuin.. pangarap ko din sana magkaron ng oven para makapag bake din kaso malayo layo pa sa katotohanan..hehe
#extrabonus Sa lahat yata ng inorder ko online ito na seller na di nagtitipid sa tape at bubble wrapped! Grabe ang kapal ng pagkabalot ang sinop ng pagka packed.. ito pa ang bonus ang order ko 3 brush lang at isang sabitan.. ang dumating 4 na brush at 2 sabitan..nakakatuwa may bonus akong 2 item.. sana sinadya nalang ng seller dagdagan para di siya lugi.. pati brush inonline ko na..hehe para sulit ang shipping fee.. panalo this time!
#champorado Yan ang kanyang almusal ngayon kumuha ng evap at pinabukas sakin.. may ginawa lang ako sandali at ng makita ko nilagyan pa ng powder na gatas..hehe doble doble na gatas yan ewan nalang kung di pa sumarap.. si bunso talaga walang kahilig hilig sa gatas! Have a blessed wednesday noisemate!
#gulaytime Nagluto si nanay ng kalabasa sitaw na may alimasag na maliliit.. paborito to ni tatay nasunod ang hilig ngayon pati kami nadamay narin sa ulam.. halos lahat ng kinakain namin lutong ulam bigay lang.. pag prito prito lang luto ko na yun.. Thank God sa panibagong mga blessing.. Pero nalulungkot parin ako sa income ko sa bch di ko matransfer sa coins.. di ko na talaga alam ang gagawin..
#pugo Ano ito? Pag konti pinag aagawan, kapag marami pinagsasawaan..hehe itlog pugo! Nagpabili ko kay pinsan ng pugo halaga 60pesos madami pala kaya marami natira.. kasi magdalas nag aagawan magkapatid kaya dinamihan ko ngayon kaso natira naman.. minsan mainam pa konti nauubos kesa sa marami natitira lang..
#underthesun Panahong pwede pang pumunta ng memorial park para lang makapaglaro ng badminton.. Tama sementeryo po.. dun lang nuon may libreng space na pede namin puntahan pag may free time.. nandun din nakalibing si lola ko kaya tuloy dalaw narin tuwing mapupunta kami.. di mo maramdaman na sementeryo kasi maraming puno mahangin at malalaking museleo na parang mga bahay lang.. Minsan may nakita ko isang babae matanda nakakimona at di gumagalaw sa loob ng isang museleo na ang…
#newukayukay Nalaban narin ang dalawang bagong ukay kong short.. may panghalili narin sa wakas.. ako kasi kung ano lang paborito at komportable yun ang laging suot kaya may mga butas na.. nasabi nga isang aparador ang damit pero iyon at iyon lang din naman ang ginagamit.. noong nagukay kami mga pinagpilian na maganda sana kung new arrival pa.. naalala ko tuloy dati noong di pako sanay mag ukay sa mall kami namimili pag may budget lalo gamit ng mga bata, kaya pa nuon dahil di…
#morningroutine Blessed morning noisemate! Thank God naayos na problema ko kahapon sa payment going to coins..nakapag transfer nako.. Yan pala isa sa almusal ko tuwing umaga ang maglista ng mga bibilin ni tatay mamaya.. siya kasi ang taga pamili ko araw araw, blessed ako sa edad niya 73 nakakapagmaneho pa ng taxikel.. napakalaki tulong yun sakin lalo sa tindahan ko.. imbis ipapamasahe bibigyan ko nalang siya pang gastos.. o kaya pambili ng vitamins o gatas nila ni nanay..…
#petsadetipidna Petsa de pe ligro ang tawag ng iba..samin parang ganun na rin ngayon..hehe dahil malayo pa ang sweldo ni mister kailangan na pagkasyahin ang budget hanggang makasweldo uli.. Nag gisa ko ng century tuna na may patatas at sinangag ang tirang kanin kagabi, ininit ko na yun kanina ayaw nila kainin gusto ng mga bata isangag pa.. ginawa ko na para magsikain lang.. Akoy busog pa.. may binili kahapon si mister na buko fresh nailagay ko sa freezer at nakalimutan ng…
#goodnabantay #throwbackthursday Maulan na hapon noisemate! Parang kanina lang ang init ng panahon ngayon biglang buhos.. Nakakainip kaya throwback muna tayo.. Yan ang sistema nila tuwing pababantayan ko si bunso kay ate.. madalas ko naabutan pinapadede ng kamay niya si bunso na sinasabihan ko lagi "bad madumi ang kamay!" Si bunso naman sarap na sarap sa pagsipsip ng daliri ni ate niya.. kakatuwa lang makita mga old picture..😁 Ngayon nagiisip pako ng miryenda.. kung dati mga…
#timetodinner Mabilis lumipas ang maghapon gabi na uli.. Nakapag prito nako ng luncheon meat at itlog na nilagyan ko ng repolyo maliliit na hiwa.. sayang last week pa sa ref baka mabulok na.. sana lang kainin ng dalawa kong alaga.. pinagsaing ko na ngayon si ate sakanya ko na inutos para matuto na sa obligasyon.. basta ako nagawa ko na part ko nakapagluto na ng ulam..hehe tambay tambay muna dito kay noise hanggang maluto kanin..
#mahiwagangpamaypay Nang makita ko ito pamaypay ni nanay si inang ang una ko naalala.. dala ni inang yan kahit saan siya magpunta siguro maliban lang sa banyo..hehe ayaw niya ng electripan dahil baka daw malamigan ang likod kaya kahit sa pag tulog yan ang katabi niya.. si inang na maramdamin.. napaka babaw ng luha.. pero napakadali din magpatawad.. at pasayahin.. 1 polbo lang tuwang tuwan na yan.. I miss you inang..
#overtime Di ko malaman kung matutuwa ako o magaalala.. Nagsisipag o naghahabol..hmm sana naman talagang nagsisipag..hehe Mabigat na mga mata ko magdadasal na kami para makatulog na.. task namin yan every night sabay sabay kami tatlo magiina magdadasal.. paikot ang paglilead..si bunso ngayon lead si ate bukas.. sasamantalahin ko na hanggat mga bata pa para hanggang pagtanda alam nila kung sino at dapat unahin..only God our savior.. sa ganitong paraan alam ko di sila…
#fridayna.. Blessed morning noisamate! Maaraw na biyernes mukang makakatuyo ako ng sinampay.. pinagprito ko lang si bunso ng itlog at nilagyan ng keso saka gatas para lang magising sa online class niya.. si ate mamaya pa gising non.. Ano kaya ulam mamaya..hehe eto nanaman tayo sa ulam.. sana may pipitasin at bubungkalin rin ako sa likod bahay..ahaha may pangarap.. kelan kaya ako magkakalupa.. kailangan pa more sipag! pray! alam ko.. God will provide..☝
#monggoohh Kainan na mga ka mema! Dahil biyernes may monggo tayo.. pinabili ko lang kay tatay na luto na..tapos binigyan naman ako ni nanay ng isang pritong tilapya at may tuyo pako prito kanina umaga.. Ang mga kakain nalang ang wala.. mga nasa kwarto pa, pero ako nagugutom nako..hehe
#kahinaan Ito ang isa sa aking kahinaan ang mag chop ng karne at maglinis nito..eheh si nanay kasi di ako tinuruan lagi siya gumagawa sa kusina kami taga kain lang! Sa isda ganun din hirap din ako kaya Pag isda naman pinapalinis ko na sa tindera para ipiprito nalang.. di ko inaasahan mag uuwi si mister ng dalawang buong manok ang dami kako.. ayos daw yan para di lagi tuyo ulam..haha di naman lagi diba noisemate.. sige kako ikaw na magtilad ako na maglilinis.. dapat eka di…
#miryendana Solve na ang aking miryenda, may dumaan na nag lalako ng donnut o bicho basta tinapay na may asukal na may palamang cheese sa loob.. ang dalawa ko alaga kanya kanya ng kuha sa tindahan pede kako kahit ano basta wag lang chichiria at softdrinks..hehe ako lang pwede.. minsan lang to patikim tikim lang😉 Nag gatas sila at biscuit..nakaraos na rin ang maghapon.. magtitiklop muna ko sinampay mamaya uli hapunan..
#alaalanakakatakam Siguro dapat ko na to burahin sa gallery ko dahil tuwing nakikita ko parang gusto ko gumawa..hehe sa birthday nalang siguro ni tatay.. Paborito niya yan tamang tama may pasas pako dito at may manok na.. sorry nalang sa kapatid ko ayaw ng manok.. picture pa yan noong bagong taon.. hinahanap ko na mga lasa nila ngayon.. samantala ng oras na yun di halos pansin ang pagkain tingin palang busog na.. Nagsasaing palang wala pa kami ulam..huhu Alin kaya ang…
#Bestbudolnilazada Di ko binili si vacuum dahil tinatamad ako mag walis kundi dahil kailangan talaga ni bunso na mas malinis na paligid.. dahil siya ay may allergy madaling mabahing sa alikabok at pag sinumpong maya maya sipon na kasunod.. madali rin mangati ang balat siguro dahil cs pinanganak kaya mas sensitive ang balat.. bata palang sabi ng pedia wag daw pinapahiga o pinaglalaro sa sahig na walang sapin.. hanggang ngayon kailangan ko muna ivacuum ang higaan para less…
#labadamilabango Blessed morning noisemate! Siguro kung ganito ang sampayan ko mabilis makakatuyo.. kila nanay po yan sa mga kapitbahay niya.. si nanay di nagsasamapay diyan dahil maluwang ang sampayan nila.. saka baka daw liparin nako mamumulot ka sa patubig..hehe Maglalaba nako ngayon para bukas wala ng laman ang basket.. sana makalabas kami bukas makapunta kila nanay, makapag dayoff! Makapagsimula na ng kusot ng makatuyo..
#tinolaniduds Padala ni nanay tinola manok! sayang at bumili pa siya marami kako manok dito nakalimutan ko pa padala kahapon.. de bale malamang bukas manok uli kami..hehe ulit ulit lang ang ulam itlog manok, itlog manok..baka bukas magka pakpak na kami.. Kain na po mga ka mema tanghalian na!
#reused Hay nakatapos din maglaba.. napansin ko kanina madumi na aming bintana sa labas, naisip ko ipalinis kay ate gamit ang pinaglulugang tubig sa paglalaba.. ayos naman kahit sandali natigil ang kakadotdot sa cellphone niya... binanyo ko narin ang harap ng tindahan para mabawasan ang init at alikabok.. nakakapresko kasi pag basa ang harapan kahit sandali lang.. Gusto ko na nga lagyan ng paskil para sa mga aso na "bawal umuhi dito" kaso di mga marunong magbasa..haha…
#latemiryenda Pancit canton tayo Pilipinas! Nagmessage si suki nagaalok ng miryenda, bumili ko ng pancit canton at maruyang kamoteng kahoy.. di pako nakatikim ng maruyang gawa sa kamoteng kahoy kaya nacurious ako sa lasa.. masarap pala pwedeng maulit!!
#kwentongdipsea May ulam naman pero mas pinipili pa si dipsea.. may tira pa kanina tanghali tinola sabaw lang kinuha.. bukas isisigang ko siguro ng bangus na chichiria..hehe kahirap din mag bawas ng timbang pag ganito lagi may tira ulam.. taga kain ako ng tira.. Gusto ko sana makakain sila ng masustansiya pagkain pero hirap nako pilitin lalo na si ate.. Kung mababalik ko lang talaga ang panahon..
#monthlyscripture Praise the Lord !! I'm really thankful since my child made another achievement memorizing this monthly scripture. I was helping him practice to memorize it and I'm also very thankful for his wonderful teacher for giving him a chance to get included in the honorols! Only one left to memorize tomorrow and we're done with this second quarter going to the third.. PSALM 34:6-19 TO GOD BE THE GLORY
#scrambledeggswithpotato Blessed morning noisemate.. Pilipinas! Done na nako sa simple ulam namin ngayon breakfast nagsasaing nalang.. pagkakain pagagayakin ko na mga bata para maaga kami makapunta kila nanay ng masulit ang day off.. One's a week lang makalabas masamantala na.. Enjoy natin ang araw na to na may pasasalamat kahit ano pa sitwasyon yan God is with us.. God bless everyone!!
#dayoff #familyislove Kainan na po mga ka mema! Nandito na kami kila nanay nagluto siya ng gulay na sayote at adobong manok, ito kaligayahan namin tuwing linggo ang magsabay sabay kumain.. nadagdagan na kami ng dalawang makulit na chikiting ang aking dalawang pamangkin kaya kahit kami kami lang ay magulo na.. mabilis ang oras maya maya uwian na naman..
#melonmilon Nadaan kami kanina sa talipapa bumili ko milon sabi ko sa nagtitinda bigyan ako ng hinog na pang kain na ngayon kakayurin kako..105 yang dalawa piraso.. pag dating namin sa bahay nila nanay sabi ng kapatid ko matigas pa daw baka di pa hinog.. di ko rin alam tumingin kung hinog na o pede na ba kainin o hilaw pa.. Kaya ang ending di namin nakain kanina sayang kala ko makakatikim nako uli ng milon..kakayurin sana at lalagyan ng gatas asukal.. de bale baka bukas…
#earlydinner May padala si nanay na tirang ulam kanina tanghali kaya ligtas sa pagluluto.. Maaga kami kakain ngayon dahil may tatrabahuhin ako mamaya.. kami palang ni ate ang kakain si bunso nag mememorize pa ng huling monthly scripture niya.. hanggang ngayon nalang kasi ang binigay ni teacher na chance sakanya.. mamaya kakain yon di pwedeng hindi di makakatulog..ehhe Kain na po tayo noisemate!
#solvena Mema ko lang po ito bagong member ng family namin di ko alam malakas pala uminom..haha Nasolve sa gin bilog..ehehe biro lang po! Ang lalambing nila may disiplina sa pagihi at pag pupu.. kaso pag kakain sila lagi nagaaway! Nakakatuwa pala may alaga.. Kakawala sila ng stress ang aamo at malalambing pa..
#blessedmonday Blessed morning noisemate! Online class again.. madali siya gisingin pag sinabi mo kumain kana..hehe kakatuwa anak ko napakagana sa pagkain! Thank God sa malusog na mga anak na meron ako..malaki biyaya satin iyon bilang magulang.. May bata dito ayaw kumain ng cheese pero nang iprito ko muna tinapay sa butter at itlog favorite na daw niya.. nasarapan at nabitin!! thanks sa isang noiser na nag advice sakin na ganito ang gawin na pagluluto.. marami talaga…
#retrievalofmodule Madaliang lakad.. Kararating lang po nagsoli ng module pero walang pinauwi si teacher message nalang daw siya kung kelan kuhanan ng module.. Dahil tanghali na bumili nalng ako lutong ulam menudo 50 ang order bumili lang ako ng isa sapat na samin ito baka may matira pa nga.. buti nakapagsaing nako bago umalis.. oras na para pakainin ang aking mga chikiting.. Kain na po tayo Pilipinas alas dose na mahigit tanghalian na!
#goodnews Kanina may inabot si teacher pag soli ko ng module isang bond paper na nakalagay kung pang ilan top si ate my panganay.. Nagulat ako ng makita ko top 2.. sabi ni teacher konti lang daw lamang sakanya ng top 1 point something lang daw and diperensiya.. siyempre bilang mama pumapalakpak ang tenga ko sa saya..hehe sayang di ko inasahan kasi mas madalas ko pa nakikita si ate nagcecellphone kesa nagaaral tipong chill chill lang siya lagi.. ako pa ang mas kinakabahan…
#streetfood May uwi si papa nila ng miryenda.. Gulaman, pugo, squidball, hotdog, fishball, halo halo na.. kadami.. nakunan ko ng picture nakalahati na ng dalawang bata.. Mga busog na di na maubos.. biniro ko sila siguro kako di nako magsasaing mamayang hapunan.. Iyon umaalma agad si bunso.. magsaing parin daw at magluto mamayang hapunan..hehe takot magutom talaga..hehe
#rewardniate Dahil may achievement si ate today binili ko ng paborito niyang jolly hotdog.. at siyempre di pwedeng si ate lang dapat meron din si bunso para walang tampuhan..hehe Enjoy ang magkapatid kumakain na sila.. ako tirang ulam kanina kakainin ko.. Thank God nakaraos po ang maghapon namin bukas yata walang pasok sabi ni bunso chinese new year daw..sabi ko di ka naman chinese ah..haha basta holiday daw sabi ni teacher..
#kwentongvicks Kakatapos ko lang maglaba.. naalala ko tawagan si tatay para sa gamot niya.. inuubo nanaman.. naawa ako tingnan kanina.. mukang pinipilit lang para maserbisan ako.. sabi ng kapitbahay namin na malakas manigarilyo yan daw ang nakagamot sa ubo niya kaya binili ko rin si tatay kanina, naisip ko si tatay wala naman bisyo sigarilyo kaya baka mas madaling umipekto.. nawa gumaling na at umipekto ng maganda ang gamot kay tatay.. gusto ko malakas sila lagi ni nanay…