#togetheragain Namiss ko ang dalawang katabi ko.. Ako mama dito pero pinakamaliit samin.. Nakamedyas ako lagi pag natutulog nakasanayan ko na dahil dry ang balat ko sa paa kaka zonrox ng banyo gabi gabi.. eh pag dry parang sumasabit sa kumot basta ganon ang feeling may magaspang kaya i cant sleep without medyas..haha Nagsawa nako maglagay ng petroleum jelly.. Eto na nga hindi naman ako umalis sa labas lang ako natulog ng 3 araw dahil baka mahawa ko sila ng lagnat.. Ngayon meron na sila sipon at ubo kaya tabi tabi na uli kami para mabantayan.. Kahit sa labas lang ako ng kwarto naninibago talaga ko pag di sila katabi.. sinasamantala ko makatabi sila sa pag tulog dahil darating ang panahon na mas gugustuhin nila matulog na di ako katabi dahil magiging binata dalaga na sila.. Di mapipigil ang bilis ng panahon kailangan lang walang masayang na oras para sa magagandang alala sa hinaharap..
2 comments
Ako sis nasanay na rin ako na naka medyas kapag gabi kasi nalalamigan naman ang paa ko. Sarap matulog ng naka medyas at syempre ng may katabi haha
Winter saamin pero di ako nag me medyas pag gabi parang na iirita ako