#pasalubongnipapa Miryenda tayo Pilipinas.. uwi yan para sa mga bata ni mister.. wala na daw siya maisip ipasalubong, bagong sweldo eh bumale lang.. kung ako bibili mas pipiliin ko bumili sa bakery ng tinapay at imbis na keso ganyan klase maliit na mesong sachet lang ang bibilin ko.. ang gastos mo kako di kaba nilalagnat? Hindi daw basta para daw sa mga bata kahit mahal.. ako nalang daw ang magtipid😁 May pagkakaiba talaga ang lalaki sa mga nanay magbudget.. pero natutuwa rin ako paminsan minsan nakakatikim rin ng iba sa nakasanayan..
No comments yet