#bilogangbuwan Noong kabataan namin pag bilog ang buwan matakot kana kasi may kwento pag kabilugan ng buwan lumalabas ang aswang..haha Ngayon may edad na natutuwa ako tuwing bilog ang buwan dahil ibig sabihin hindi uulan walang bagyo payapa ang gabi.. Pag hindi uulan di ko kailangan ipasok ang mga damit na sinampay.. Diyan ko lang napagmamasdan ang buwan sa loob ng aming bahay sa parteng labahan.. Wala naman ako mapagtambayan sa labas para magmuni muni at pagmasdan ang ganda nito.. mamaya aalis na rin yan at di ko na makikita kaya naisipan ko muna picturan habang tanaw ko pa.. Ang buwan ay parang tao paiba iba.. minsan buo, minsan kalahati,minsan maliwanag, minsan malabo,minsan nawawala at bigla din lumilitaw.. iba iba man ang hugis at anyo dumadating parin ang parte kung saan siya ay nagliliwanag ng buo at may angkin ganda na kaya maliwanag san man mapunta..
No comments yet