read.cash Log in
@Encarnation3456 more from that month

#miraclebaby Blessed morning po sa inyo noisemate🤗 Habang nagsscroll nakita ko tong picture kahapon ng aking pamangkin na si Micus from the word of Miraculous.. yan ang pinangalan sa kanya ni hipag dahil di na nila akalain na sila pa ay magkaka anak ng aking kapatid dahil sa kanyang kondisyon na dialysis patient..na kinakailangan idialysis ng 3x aweek.. Sa dami ng nagdadasal na maging safe ang magina lumabas si Micus ng napaka healthy... kahit si mommy niya ay nagpositive sa hospital as covid positive ng pinanganak niya si Micus.. samantalang ang baby ay nagnegative result naman at nauna na iuwi sa bahay.. dalawang buwan din nagtiis ang mag mommy na di sila nagkasama sa iisang bahay.. Ang hirap ng pinagdaanan ng pamilyang ito..pero ngayon isang taon na bata malusog, makulit, malikot at bibo.. tunay nga walang imposible sa Diyos pag kalooban Niya.. Thankful kami ako at naransan ng kaptid ko maging tatay at matupad ang pangarap ni hipag na maging ganap na mommy.. isa silang happy family ngayon kahit patuloy nakikipaglaban sa pagsubok ng buhay..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.