Fresh from my cousins' backyard Hello Pilipinas...kakasilip ko lang busy ang araw palagi. Masarap kung marami kang pananim sa paligid ng bahay tulad ng pinsan ko. Galing kami doon sa kanila ,iba talaga pàg maraming bakante lote Ang likod ng bahay kahit ano pwede ka makatanim kahit anong klaseng prutas.Sariwa lahat kahit niyog ,monggo ,patola ,saging at kung ano pa dinala ko pauwi para lang makatikim ng produkto nila.hindi ko kinuhaan ang niyog at monggo dahil nakacarton at…
@Emeline in October 2022
Hello Monday... Pagkatapos ng mga lakarin ko dito muna ako sa city mall para mag meryenda . Habang nag hihintay ng order kong hamburger at halohalo, picture muna ako ang daming tao kumakain dahil oras na rin ng tanhalian. palamig muna tayo mainit ang panahon . Nakaramdam ako ng init sa labas tamang tama lang pagkatapos ko kumain daanan ako ng asawa ko pauwi. Masarap rin kung minsan umupo mag isa at kumain...Lalo na kung tapos na ang trabaho sa bahay...parang bonus ko rin to…
Good evening kaingay ❤️❤️❤️ Oras na ng pahinga, nakaramdam na ako ng antok. grabi ang buhos ng ulan ngayon kaya malamig ang panahon,sigurado masarap ang tulog ko nito. Kanina galing kami sa birthday ng anak ng kaibigan namin ,umaabon palang pàg uwi namin pero ngayon malakas na ang buhos ng ulan may kasama pang kulog. Habang sa biahe ako kanina hindi ko mapigilan kinain ko ang palabok na pinadala ng kaibigan ko.. nagustuhan ko ang lasa kahit sa sasakyan tinira ko parin...Buti…
Hello Pilipinas... Kamusta kayo ?? Share ko lang to niluto ng pinsan ko pagpunta namin sa bahay nila noon isang araw ,napakasarap na dessert pagkatapos ng hapunan agad niya ito nilapag sa amin. Bregadero o Mexican dessert daw ito tawagin ..napakagaling niya magluto ..Tama rin nagbakasyon ang kapatid niya nagrequest siya nalutoan kami para makatikim din. Pagtikim palang ni Unica iha nagustuhan agad kahit ako kaya naparami ako ng kain. Oras na ng meryenda kape at tinapay ang…
Hello👋👋👋 General cleaning done Pinalitan ko ang halaman sa loob ng bahay at inaayos ko na rin ang mga gamit. Marami na kasi kalat Lalo na mga gamit ng mga Bata, tinapon ko na ang hindi ginagamit. Maliwalas na tingnan ang mga aparador at mga gilid .Ang aquarium namin nilipat ko narin sa labas para hindi masikip tingnan ang sala namin. Ang bonsai ng panganay ko nilagay ko sa loob sa sala namin malapit sa bintana para sentro sa sikat ng araw tuwing umaga... Masarap sa…
Kain tayo !!! Maaga gumising para magluto ng pagkain ng mga junakis..sumabay na ako sa kanila para solve na . Ang labahan naghihintay na sa akin dapat busog ang tiyan para may panlaban. Ginisang atay na manok at gulay sapat na sa amin lahat. Malakas ang ulan kagabi ,malamig ang panahon,kaya masarap ang tulog ko ..tinatamad pa sana ako gumising pero wala magagawa kailangan may pasok ang bata at ang asawa. Kayo kamusta ang tulog niyo?? Bangon na at magkape ... Magandang umaga…
Maulan na Gabi ,sarap matulog kung ganito ang panahon .. Kanina busy ako sa paglalaba ng labahin ko.. Buti nalang tinawagan ako ng asawa ko ,pinapunta niya ako sa office nila at ito ang akin nadatnan may pan meryenda pala siya sa officemate niya lomi at siopao. May magandang balita kasi sa asawa ko huwag ko na sabihin importante malaking tulong na yon sa amin pamilya siguro nabunga lang ang magandang performance niya sa trabaho niya. Hayan nagpalomi kanina sa officemate…
Kakatapos lang ng trabaho sa loob ng Bahay... Diretso agad sa misa para kumain gutom na. Ito saging binigay pa ng pinsan ko panhimagas pagkatapos kumain. Hindi magànda ang panahon ,maulan sa amin sarap ikain ng nilagang baboy o lauya kung tawagin...pero sa ibang araw nalang pagod na katawan para magluto pa. Opening salvo dito sa amin sa Aklan ,sigurado lahat na mga binata at dalaga nakabantay na para sumugod sa plaza mamayang gabi.may pa foam party si mayor ...sabik na sabik…
Ensaktong 2am na dito sa Pilipinas.. Pero gising pa rin ,hindi makatulog hinihintay ko ang mag ama ko . nakaramdam ng gutom kaya cup noodles at tinapay na kababayan ang na tripan ko. Talagang pasko na marami na Christmas lights sa punong kahoy sa plaza kuha ko yan isang araw bago mag umpisa ang opening salvo . Kanina hanggang ngayon nasiyahan parin ang mga tao sa plaza.halis tatlong taon hindi nila naranasan ang mga event kaya ngayon parang ati atihan na. Good night mga…
Bukolicious Bumawi si haring araw ngayon kaya mainit ang panahon. Sympre may pan bawi rin ako sa mainit na panahon. Buko shake kayo diyan ..fresh galing sa isang bukid tanim ng pinsan ko..Hanggang bigay lang ako walang tanim si iyay wala naman kasi bakante sa amin para magtanim ng buko. Sarap tama lang ang timpla...Tama rin sa mainit na panahon ngayon.. #i love it
Good morning Pilipinas... Nakaready na si bunso para pumasok sa school pero biglang bumuhos ang ulan. Hindi ko alam kung may bagyo ba? Maaga pa ang sarap ng iyak ng langit at may kasabay pang galit. Pero ang mga pananim muli na diligan ng tubig ulan.Kahit ang mga halaman ko sigurado natutuwa rin maaga sila naliligo sa ulan. Lunes pa naman ngayon lahat nagmamadali pumasok sa trabaho para hindi malate pero sa ganitong sitwasyon may posibilidad mayroon malate isa na dito si…
Birthday ng pamankin ko ngayon gusto sana ng mga bata umuwi para makapunta din sa 7th birthday ng pinsan nila kaso hindi pwede may pasok sila. Hanggang picture lang kami..pinadala ng kapatid ko masaya sila doon nag tipon tipon. Ang dalawang pamankin kong babae nag bibigay din sorpresa sa kanilang pinsan ,sumayaw silang dalawa.kung doon din si bunso at Unica iha mayroon rin sila sorpresa sa kanya... Masaya nagdiriwang ng birthday niya kahit wala si papa niya dahil doon halos…
Kamusta kayo mga kaingay? Ngayon lang ako nakasilip dito kakauwi ko lang ng bahay may mga importante lakad lang kami ng asawa ko. Late na tanhalian namin mag asawa ,Nauna kumain ang mga Bata.. Pasayan ang ulam ko ,niluto ko lang sprite simpleng luto pero masarap kahit mainit man o hindi masarap parin.kahit saan okasyon pwede mo makikita dahil halos nagustuhan ng mga tao lalo na kung may mga okasyon at madali lang ito lutuin. Tara na kain tayo...
Cappuccino Kailangan din bigyan ng oras ang mga paa mag relax..Hindi lang ang paa ko pati narin ang hilig ng bunganga ko ngayon .alam niyo hindi ako mahilig mag order ng milktea . Pero ngayon gabi umalis kami ng asawa ko nilambing ko to sa kanya...sympre hindi makatangi payag agad...alam niya naman ito ang bisyo ko sa buhay ang kumain. Sarap pala tong cappuccino flavor . Napansin ko terno sa suot ko na pants hehe. Kulay kayumangi ,kulay ng isang Pinay kaya proud to be…
Lutong bahay Nakahanda na ang misa para sa tanhalian namin ang mga bata wala pa sila hinihintay ko na lang ilang minuto dito na sila para makaumpisa na kami ng tanhalian. Sa turbo ko niluto ang buong manok . Lutong bahay ,nilagyan ko ng lemongrass sa loob at iba pang sankap para masarap at mabango. Alam ko magustuhan to ng mga bata. Makatipid ako ng kunti kaysa bibili ako ng luto . Sympre meat ang ulam naman nakaready agad ang panlaban sa fats. Pipino at ubas para gawing…
Hello kaingay!! Dahil Friday ngayon bukas walang klase na ang mga bata at wala rin pasok si mister ,nakikitambay muna ako dito sa opisina nila. Medyo maluwag na ang oras ko. Tinawagan nila ako kanina para pumunta dito dahil isang kasamahana ng asawa ko nagluto ng meryenda para ngayon. Birthday niya sa linggo pero nag paadvance agad para tapos na . Spaghetti, softdrink at may maliit na cake hindi ko na kinuhaan dahil doon pa sa kabilang room nila. Kahit sa ganitong paraan…
Good morning 🌅🌅🌅 Sabado araw ng pahinga para sa mga may trabaho buong linggo. Sa iba naman araw ngayon ng labahin at paglinis ng bahay.may ibat ibang paraan kung paano natin gawin ang lahat na gawain at paano mag laan ng oras sa pagpahinga. Araw ko ngayon maglinis ng hardin ko dalawang linggo hindi ko na sila pinapansin dahil nga busy lagi ako sa kusina lalo na may pasok ang mga bata. Ngayon ko lang rin napansin ang tanim kong cactus may mga bulaklak na sila . Tag iisa sa…
Good morning 🌻🌻 Kamusta mga kaingay? Maganda ang panahon ngayon,pero kagabi maulan may kasama pankulog. Dahil linggo ngayon marami pamilya lumabas para mamasyal at kumain. Share ko lang to picture namin kahapon ng kaibigan ko kung saan nagkitakita kami sa isang kainan.namiss ko rin sila magkasama kahit sa isang lugar lang kami pero ang busy nang bawat isa. Libre to ng isang kaibigan namin nasa gitna ..Isa sa may ari ng Korean noodles...sympre ipagmalaki ko ang sarap ng…
Sarap tumanbay dito sa loob ng isang mall lalo na may malaking Christmas tree na sila. Parang damang dama ko na ang pasko lalo na medyo malamig ang hangin ngayon. Bumili lang ako ng tasa para gamitin ko sa pagtimpla ng tea sa opisina ng asawa ko mayroon naman sila pero gusto ko lang may sarili ako. Umupo lang ako at kumain ng potato chips doon hanggang malapit na sila mag close umalis na ako. Masarap sa pakiramdam kahit kunting oras lang naglaan ako para makapag relax ang…
Umalis ako kanina may binibili importante isa na doon ang gamot ng asawa ko. Kahit makulimlim ang panahon at maambon kanina pero sobrang init ang feeling ko pinapawisan parin ako. Pagdating ko doon sa mall sa ice cream agad ako dumiretso at kumain. Sa 25pesos solve na ako at masaya ako kumain.. Milk strawberry ang flavor na inorder ko. Parang na pawi ang init ng katawan. Pahinga na ako bukas sigurado busy ulit ang araw ko lalo na sa umaga.,.. Alam niyo naman buhay Nanay…
Hindi na mapigilan ang pagluluha ng langit.. Kanina namumuo palang pagpunta namin sa bahay ng friend ko. Pero pagbalik ko hindi na kaya bumagsak na talaga. Hindi mo masabi ang panahon kaninang umaga tirik ang araw pero pagsapit ng hapon hindi mo alam ulan pala biglang dumilim at uulan. Ang ganda ng daanan namin bagong kalsada to hanggang ngayon ginagawa parin ,walang masyadong sasakyan pa dito dumadaan dahil Hindi pa tapos lahat. Sarap ihigop ng kape pag ganitong panahon…
Name tag Sa wakas natapos ko rin name tag nila para gamitin sa boyscout nila sa Friday at Saturday. Rooster patrol ang grupo ng anak ko. Para maganda tingnan nilagyan ko ng balahibo ng manok ang paligid ng pangalan nila . Sana magustuhan ng mga bata ang ginawa ko para sa kanila. Hindi naman lider ang anak ko dito pinapagawa lang ng isang nanay sa akin para Wala na problema. Hayan ready na po bukas para pamimigay ko sa kanila.
Lahat natapos ko na pati props nila ako gumawa. Kahit medyo masakit sa kamay at likod pero kinaya parin. Excited na mga bata para bukas sa kanilang boyscout parade. Nakaready na ang mga damit ng anak ko. Sana maganda ang kinalalabasan nitong ginagawa ko .Isa itong silbing palamuti sa ulo nila para sa kanilang sayaw . Kamusta kayo?maulan na panahon.. Alam ko wala na akong maaring maibigay pa sainyo,alam niyo na yon kung ano ang dahilan. Pero sasamahan ko parin kayo dito..…
Ang bilis ng araw biyernes ulit. Maaga pa tirik na ang araw,gising na gising si haring araw. Natutuwa naman ang mga halaman ko nasikatan ng araw dalawang araw na lagi umuulan at hindi maganda ang panahon. Namumukadkadulit ang mga bulaklak ko.. Maganda tingnan kung ganito lagi . Parang bininiyayaan karin Ng grasya tuwing makikita mo sila. #my stress reliver
Masarap maging bata Kung atin balikan masarap maglaro sa isang putik lalo na kung marami kang kalaro. Pero sa ngayon wala kana makikita dahil ang mga bata tutok na sa mga gadgets. Buti nalang nabigyan parin ng oras para maglaro ang mga bata sa pamamagitan ng boyscout camping . May natutunan at kung paano magkisama sa kapwa nila bata.Damang dama nila ang kasiyahan sa bawat isa lalo na makipaglaro sa isang putikan.hindi alintana ang putik sa palayan para manalo lamang ang…
Lahat na ginawa niya doon sa school sa oras ng cook out nila sinubukan nya gawin dito sa bahay. Unang subok niya ang galing niya magprito ng itlog sa isang papel.naluto naman at kinain niya rin pagkatapos. Nakakatawa kahit paano may natutunan rin sya sa cook out nila kahapon sa school. Sana marami kapa natutunan para kusang matuto ka sa gawain at pagluto. Good job bunso...
Breadtalk Usapang tinapay sa bread talk ako. Sa bawat kagat lalong sumasarap at malinamnam. Wala na ako hahanapin pa kundi dito lang sa bread talk.. Pasalubong ng kaibigan ko kahapon sa akin . Isa sa mga paborito ko Basta galing sa breadtalk. #thank you bff
Pray for Aklan Sana humupa na ang malakas na ulan . Ganito ang sitwasyon sa kalibo may mga lugar na sobra pa dito ang sinapit marami na nasirang tulay at halos nalubog na sa baha. Hanggang ngayon malakas parin ang ulan dito. Hinihiling ko isang panalangin niyo para sa taga Aklan. Panginoon huwag mo kami pababayaan #bagyo paeng
Dahil sa masamang panahon ,salamat sa kaibigan ko sa munting pagkain binigay niya sa akin kinatutuwa ko naman.dito mo makikita kung paano ka alalahanin ng mga kaibigan mo sa oras ng kalamidad ... Salamat sa arosbalensiyana at suman kung tawagin sa amin hindi na naorasan sa akin simot agad. Isa sa paborito ko tong pagkain kaya pagtanggap ko kinain agad na mimiss ko ng sobra.
Kahit maulan ulan pa ngayon pero ok na ang panahon kompara sa nakaraan dalawang araw na sobrang lakas.medyo maliwanag na ang kalangitan. Bumababa na rin ang level ng tubig sa Aklan river Kuha ko to kahapon kung saan pumunta kami sa bayan ng Madalag. Sana hindi na ulit bumaha kahit may malakas na ulan nakakatakot at napakahirap lalo na sa mga tao nakaranas ng baha ang kanilang mga bahay. Panalangin ko ang kaligtasan ng lahat..