read.cash Log in
@Emeline more from that month

Good morning πŸŒ…πŸŒ…πŸŒ… Sabado araw ng pahinga para sa mga may trabaho buong linggo. Sa iba naman araw ngayon ng labahin at paglinis ng bahay.may ibat ibang paraan kung paano natin gawin ang lahat na gawain at paano mag laan ng oras sa pagpahinga. Araw ko ngayon maglinis ng hardin ko dalawang linggo hindi ko na sila pinapansin dahil nga busy lagi ako sa kusina lalo na may pasok ang mga bata. Ngayon ko lang rin napansin ang tanim kong cactus may mga bulaklak na sila . Tag iisa sa bawat kaan pero ang ganda nilang tingnan. Ngayon ko rin nalaman pwede pala itong klaseng cactus magkaroon ng bulaklak ,dahil tagal na ito sa akin ngayon ko lang nakita. Mga maliit lang sila pero ang ganda nila tingnan..pareho lahat ang kulay . Kung minsan nakatulong rin sa atin ang mga halaman tulad nila ,nagpapagaan ng loob at nagpapaligaya sa atin at kung minsan nabaling rin ang problema natin sa kanila ,naging stress reliver na sila sa atin. #CACTUS

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.