Hindi na mapigilan ang pagluluha ng langit.. Kanina namumuo palang pagpunta namin sa bahay ng friend ko. Pero pagbalik ko hindi na kaya bumagsak na talaga. Hindi mo masabi ang panahon kaninang umaga tirik ang araw pero pagsapit ng hapon hindi mo alam ulan pala biglang dumilim at uulan. Ang ganda ng daanan namin bagong kalsada to hanggang ngayon ginagawa parin ,walang masyadong sasakyan pa dito dumadaan dahil Hindi pa tapos lahat. Sarap ihigop ng kape pag ganitong panahon malamig ang simoy ng hangin. At nakakatamad kumilos pero hindi pwede sa akin need ko parin magluto o kumilos para panhapunan namin. Habang nagkape tambay muna ako dito kumukuha lang tapang para umpisahan ulit ang mga gawain.
3 comments
mainit na kape sa maulang panahon........hehehh
Ang lakas nga siguro ng bagsak ng ulan diyan. Napakadilim ng kalangitan diyan. Dito hindi naman masyado at sandali lang.
True po masatap humigop ng mainit sa ganitong weather, dito sa amin buong araw om and off po ang ulan dito hanggang ngayon hihihi.