Helloπππ General cleaning done Pinalitan ko ang halaman sa loob ng bahay at inaayos ko na rin ang mga gamit. Marami na kasi kalat Lalo na mga gamit ng mga Bata, tinapon ko na ang hindi ginagamit. Maliwalas na tingnan ang mga aparador at mga gilid .Ang aquarium namin nilipat ko narin sa labas para hindi masikip tingnan ang sala namin. Ang bonsai ng panganay ko nilagay ko sa loob sa sala namin malapit sa bintana para sentro sa sikat ng araw tuwing umaga... Masarap sa pakiramdam nalinisan ko ang buong bahay .Bukas sa mga labahin naman ako pero mga puti lang muna ang uunahin ko. Tamang tama meryenda na natapos ako. Kahit pinapawisan ako pero mag kape parin ...malamig ang simoy ng hangin na parang uulan.
2 comments
Masarap sa pakiramdam after mag general cleaning, fulfilling talaga.
Sipag sis. General cleaning