Maikling Kwento
Ni:EmAeDi
"Ano'ng oras ka na naman umuwi? Nakatulog na ako't lahat wala ka pa rin!" Kagigising ko lang ay sermon na ni Mama ang bumungad sa akin. Wala nang bago ro'n. Ako naman lagi niya'ng nakikita e. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa banyo.
"Lumalaki ka ng paurong Lea! Hindi ka tumulad sa ate mo, valedictorian." Dinig ko pa'ng dugtong nito. Walang imik ako'ng naligo sa loob ng banyo.
"Alis na ako Ma." Paalam ko rito.
"Gabi ka na naman uuwi Lea! Kailan ka ba titino?! Napapagod na ako sa kakapayo sa'yo! Hindi mo ba nakikita ang mga paghihirap namin ng tatay mo? Lea naman! Parang-awa mo na. Umayos ka." Pahabol nito habang nakatayo sa harap ng hapagkainan. Hindi ako sumagot. Pinihit ko na ang seradura ng pinto, pero bago ako tuluya'ng makalabas ay nagsalita pa si Mama "Hindi ka ba mag-aalmusal?" Malumanay na ang boses nito sa pagkakataong iyon.
"Hindi na Ma. Mahuhuli ako sa klase." Walang gana ko'ng sagot at tuluyan nang lumabas.
***
"Tagay mo na Lea." Sabi ni Mark habang iniaabot ang babasaging baso na may lama'ng dilaw na likido. Kinuha ko iyon at inisa'ng lagok. Napangiwi pa ako sa lasa no'n. Medyo nahihilo na ako dahil naka limang bote na kami. Birthday kasi ni King kaya nagkainuman ang barkada. Mas masarap kasi'ng sumama sa kanila. Naiintindihan namin ang isa't-isa. Hindi ko kailanga'ng magpanggap para pumasa sa panlasa nila. Hindi ko kailanga'ng pinuhin ang mga kilos ko dahil wala naman si Papa na magagalit sa kagaslawan ko. Higit sa lahat, walang magsasabi sa akin kung ano ang bawal at pwede. Isinandal ko sa balikat ni Glen ang aking ulo. Lumingon ito sandali sa akin at humalik sa aking bunbunan. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa bilog na lamesa na may sapi'ng bulaklaking mantel. Walo nalang kami'ng lahat na natira. Ang iba ay bagsak na. Tumingin ako sa relo'ng nakasuot sa kaliwa ko'ng braso. Alas-onse na ng gabi.
"Guys uwi na ako. Gabi na e." Paalam ko sa iba. Tumayo na ako at dinampot ang bag na nakalagay sa sofa, tinabig ko pa ang paa ng nakahiga sa sofa'ng si Fred na nakapatong sa bag ko. Umayos lang ito sa pagkakahiga at yumakap sa katabi'ng nobya. Tumayo na rin si Glen, malamang ay ihahatid ako.
"Ano ba yan Lea!" Biglang buwelta ni King na may hawak ng baso'ng tinatagayan ng alak. "Birthday ko e. Bukas ka na umuwi." Dugtong nito na halos pikit na ang mata habang nakatingala sa amin ni Glen.
"Oo nga Lea. May bakanteng kwarto naman d'yan. Dito nalang tayo matulog. Delikado na umuwi ng ganitong oras. Wala namang pasok bukas e." Singit naman ni Christine na girlfriend ni King.
"Ihahatid naman ako ni Glen." Pangangatwiran ko.
"Tapos? Mag-isa si Glen na babalik dito? Baka makursunadahan pa 'yan d'yan sa kanto. Hindi ko na kayang samahan 'yan. Lasing na 'ko." Muling wika ni King. Tiningnan ko ang iba nami'ng kasama. Ang iba'y subsob na sa lamesa. Ang iba ay nakahiga na sa sofa. 'Yung iba, ewan ko kung saang lupalop na napunta. Malamang, nagkapwestuhan na. Dumako ang tingin ko kay Glen. Nakatingin lang ito sa akin. Naisip ko, oo nga. Mag-isa lang siya'ng babalik pagkahatid sa akin. Hindi na kasi siya pwede'ng umuwi sa kanila dahil malamang ay sinaraduhan na ng pinto ng tatay niya.
"Bukas nalang 'hal. Baka kung mapano ka pa pagbalik mo." Sabi ko sa aking nobyo.
"Sigurado ka?" Sabi nito bago hinawi ang bangs na tumabon sa aking mata. Tumango ako bilang tugon.
"Doon na kayo sa kwarto ni Ate." Sabi ni King at tumayo na rin, hila-hila ang nobya niya'ng si Christine papunta sa kwarto ng lalaki. Ako nama'y inakay na ni Glenn papasok sa sinabing kwarto ni King.
***
Napatakip ako sa aking bibig nang tignan ko sa pangatlong beses ang hawak ko'ng aparato. Naluha ako at napasapo sa aking noo. Narinig ko ang tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan ng banyo kasunod ang boses na Glen. "'Hal? Matagal ka pa ba?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa toilet bowl at inayos ang aking sarili. Lumabas ako at naabutan ko ang kabadong mukha ni Glen. Iniabot ko sa kanya ang hawak ko. Ilang segundo niya iyong tinitigan bago bumaling sa akin ang naluluha niyang mga mata. Dahil sa ekspresyon niya ay hindi ko na napigil pa ang hagulgol na kanina pa gustong kumawala sa aking bibig. Niyakap niya ako upang pakalmahin.
"Shh... Tahan na. Pananagutan kita." Lalo ako'ng naiyak sa narinig ko. Paano na ang kinabukasan namin? Paano na ang pag-aaral namin? 17 years old lang kami at hindi pa nakakatapos. Paano kami mabubuhay?
"Bakit gano'n 'hal? Paulit-ulit ko nang sinampal ang sarili ko pero dalawang guhit pa rin ang nakikita ko." Umiiyak ko'ng pahayag.
Bakit may nabasa akong King dyan .ahahaha