Sa Aking Pinakamamahal: Panghabang-buhay

15 109
Avatar for Eirolfeam2
2 years ago
Topics: Love, Letter

Isa itong sulat para sa isang tao. Bagamat hindi pa man matukoy kung para kanino ito, ang mga nakasulat ay para sa magmamay-ari ng puso ko.

Sa mahigit pitong bilyong tao sa mundo, naniniwala ako na may isang taong magiging siguradong nakalaan para sa aking puso. Charot! 😹🤣


Mensahe mula sa may akda:

Pakinggan ang mga awiting "Somebody out there" ng A rocket to the moon at "Dear No One" ni Tori Kelly bago o pagkatapos basahin ang sulat na ito.


Sa Aking Pinakamamahal,

Hindi pa man kita nakikilala, kampante ako at naniniwala na balang araw ay makikilala din kita.

Hindi pa man ngayon ang tamang panahon, pagkaitan man tayo ng tinatawag na 'tadhana', panghahawakan ko ang paniniwalang magkakatagpo din ang ating landas sa tamang oras at pagkakataon.

Gustong gusto na kitang makita.

Gustong gusto na kitang hanapin.

Pero alam ko na hindi pa tama at hindi pa sigurado kung kaya na, kayat ang tanging magagawa ko nalang muna sa ngayon ay maghintay sa itinakda ng tadhana.

Nasasabik akong makita at makilala ka.

Nasasabik ako na malaman ang lahat ng tungkol sa iyo.

Nasasabik akong gumawa ng mga alaala kasama ka.

Nasasabik akong bumuo at tumupad ng mga pangarap na tayong dalawa ang magkasama.

Nasasabik ako sa panghabang-buhay na samahan, sa hirap at sa ginhawa, sa lungkot at saya.

At dahil hindi pa man din tayo nagkikita, ang tanging pinanghahawakan ko lang ngayon ay ang paniniwala na sa hinaharap ay makukulayan din ang mga guhit at planong mabubuo lamang kapag nandiyan ka na.

Sa ngayon, habang wala ka pa sa buhay ko, hanggat hindi pa kita nakikilala, ay ipagpapatuloy ko munang buoin ang aking sarili para sa oras na nandito ka na, hindi kulang, kun'di buo akong haharap sa'yo.

Magpapatuloy muna akong abutin ang lahat ng mga pangarap na binuo ko para sa sarili at para sa pamilya ko.

Mabuhuhay muna ako sa pagmamahal na galing sa sarili, pamilya, at mga kaibigan ko.

At ikaw, hanggat wala pa ako sa buhay mo, ang tanging hinihiling ko lang ay sana masaya ka.

Sana tuparin mo rin ang mga pangarap na binuo mo para sa sarili at pamilya mo.

Sana ay nabubuhay ka ng punong-puno ng pagmamahal.

Kapag tama na ang panahon.

Kapag tama na tayong tao para sa isa't-isa.

Kapag handa na tayong pareho na suungin ang buhay na tayong dalawa ang magkasama, ipapasa-Diyos ang lahat para Siya ang maging gabay sa landas na ating tatahakin.

Ikaw ang magiging una kong mamahalin, at umaasa ako na ikaw na din ang magiging huli.

Hindi ko maipapangakong ako ang magiging pinakamahusay sa lahat ng bagay kayat ang tanging hiling ko lang ay sana maging sapat ako para sa'yo.

Sasamahan kita sa pagtupad ng mga pangarap mo.

Susuportahan kita sa mga bagay na hilig mo.

Palalakasin ang loob sa tuwing nawawalan ng gana at nanghihina ito.

Iintindihin ko at tatanggapin ang lahat at ang buo mong pagkatao.

Sa libo-libong duda, asahan mong ang pagmamahal ko para sa'yo ang bukod-tanging sigurado.

Alam kong may mga panahong lilitisin ang pagmamahal ko para sa'yo, at ang pagmamahal mo para sa akin, kayat sana, kapag dumating ang panahon na iyon ay hindi tayo basta-basta bibitaw sa ipinangako nating panghabang-buhay.

Kapag darating ang araw na ako ang magbibigay ng problema sa ating dalawa, piliin mo sanang unawain ako dahil uunawain din naman kita.

Alam kong hindi magiging madali ang hinihiling ko pero sana mas lamang ang pagmamahal at hindi galit ang pumalit sa pagitan nating dalawa.

Alam kong kapag handa na tayong pareho, kapag tama na ang oras at panahon, kapag tadhana na mismo ang sasang-ayon, magkakaisa ang langit, buwan, at mga tala na pagbuklurin ang dalawang nakatadhana.

Kaya sa'yo na aking pinakamamahal, bagamat hindi pa kita nakikita, nakasisiguro naman ako na darating ka.

Mahal na kita kahit hindi pa kita nakikilala.


Basahin ang mga katulad na nailathalang artikulo:

6
$ 18.06
$ 17.82 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.05 from @Jane
+ 4
Avatar for Eirolfeam2
2 years ago
Topics: Love, Letter

Comments

Tama yan sis.. buuin mo muna sarili mo.. si lord na bahala kikilos.. dahil perfect ang timing nya

$ 0.02
2 years ago

Trueee. 😹

$ 0.00
2 years ago

Para buo din yung ibbigay mo skanya.haha

$ 0.00
2 years ago

Wag mo kc hanapin.. Anjan lng sya. Pansinin mo nlng 🤭

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha Sino ba yan? Hahahaha 🤧🤣

$ 0.00
2 years ago

Imention ko b? 🤣🤣

$ 0.00
2 years ago

Ayiee ayieee esave mo to and make sure na ipapabasa mo din to sa kanya. Awieeeeee haha, nakakakilig naman. It's like, you are sure na darating sya, pero pano if wala palang nakalaan para sayo? Pano kung mag iba ang ikot ng mundo at 😒, charot lang hahaha. Darating yan, for sure.

$ 0.05
2 years ago

Huwag naman ganyan. Huwag negaaaaa. Hahahaha 🤧🤣

$ 0.00
2 years ago

Wahahaha, beke leng nemen keshee haha.

$ 0.00
2 years ago

"Sa libo-libong duda, asahan mong ang pagmamahal ko para sa'yo ang bukod-tanging sigurado.

Alam kong may mga panahong lilitisin ang pagmamahal ko para sa'yo, at ang pagmamahal mo para sa akin, kayat sana, kapag dumating ang panahon na iyon ay hindi tayo basta-basta bibitaw sa ipinangako nating panghabang-buhay.

Kapag darating ang araw na ako ang magbibigay ng problema sa ating dalawa, piliin mo sanang unawain ako dahil uunawain din naman kita."

... Ang ganda mae !!!

$ 0.05
2 years ago

Salamatsu. 😹

$ 0.00
2 years ago

"Mahal na kita kahit Hindi pa kita nakilala" Galing ng linya na yan, yan yung kabuoan ng lahat heheh,

Pero pano pag kilala muna pala, malay mo kapit bahay molang pala hihi

$ 0.02
2 years ago

Ang galing. Nakuha mo ung thought. Hahahaha Pero mga kamag-anak ko ang mga kapit-bahay ko eh. 🤧🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha baka andito sa platform nato🤣 baka andito yung forever mo hahahah

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha Awit. 🤧🤣

$ 0.00
2 years ago