Hello!
Kamusta ka na?
Ang tagal na nating hindi nag-usap ah.
Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam.
Okay ka lang ba?
Sana okay ka.
Sana masaya ka.
Ako?
Okay lang ako. Lagi naman.
Pero ang totoo?
Hindi ako okay.
Ang lungkot-lungkot ko.
Simula nung hindi ka na nagparamdam, ang daming tanong ang nabuo sa utak ko.
Totoo ba lahat yun o napaglaruan lang ako?
Pinaglaruan mo lang ba ako?
Bakit ka nagbitaw ng mga pangako kung hindi mo naman tutuparin?
Bakit ka nagbitaw ng mga salita na alam mong ikahuhulog ng loob ko sa'yo?
Bakit ako?
Bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ung napili mong paasahin?
Minsan na nga lang ako mapili, ung mapaasa pa.
Seryoso ka ba nun o pinaglololoko mo lang ako?
Kasi umasa ako na seryoso ka.
Umasa ako na baka pwede.
Umasa ako na ikaw na.
Pero kung biro lang lahat ng un, sana ipinaalam mo.
Sana sinabi mo para nakapaghanda ako.
Bakit ka umalis ng hindi manlang nagpaalam?
Buhay ka pa ba?
Tandang tanda ko pa ang huli mong mensahe at un ang kinakapitan ko.
Pinanghahawakan ko ang mga seryoso mong salita.
Na kahit sinasabi ng utak ko na huwag kong paniwalaan, isinisigaw naman ng puso ko na paniwalaan kita.
Hindi ko alam kung ano ng nangyari sayo.
Sana buhay ka pa.
Alam kong hindi mo na mababasa 'to.
Alam kong kahit gaano pa kahaba ang isulat ko, hindi ka na babalik.
Pero nais ko lang sanang magpasalamat.
Salamat.
Salamat sa pagpapalakas ng loob ko sa mga panahong akala ko hindi ko kaya.
Salamat sa pagsuporta sa mga araw na kailangan ko ng kasangga.
Salamat sa mga simple mong hirit.
Salamat sa pagtitiwala na kaya kong abutin ang lahat ng mga pangarap ko.
Salamat sa kabutihan mo.
Mabuti kang tao. Sana alam mo.
Salamat sa pagiging "palagi" ko sa mga nagdaang buwan kahit panandalian lang.
Pasensiya na din pala.
Pasensiya ka na kung akala mo hindi ako marunong magseryoso.
Siguro un lang ung tangi kong paraan para maiwasan na hindi masaktan.
Pero heto ako ngayon, durog at nasasaktan kasi nang-iwan ka ng biglaan.
Nasanay lang siguro ako na lagi kang nanjan.
Hayaan mo.
Masasanay din ako na wala ka na.
Magiging okay din ako gaya ng lagi kong sinasabi sa'yo.
Babalik din ako sa dati.
Ung masaya lang.
Ung halos walang problema.
Ung walang sakit at kirot na nararamdaman.
Hindi ito isang sulat ng pamamalaam ko sa'yo kasi kahit anong gawin ko, umaasa parin ako.
Umaasa ako na balang araw, babalik ka.
Umaasa ako na may kadugtong pa ang kwentong ito.
Pero kung wala na talaga, baka hanggang dito nalang muna.
Gusto ko lang malaman mo na merong espasyong nakalaan para sa'yo dito sa puso ko.
Salamat.
Paalam.
Hanggang sa muli mong pagbabalik.
Bakit aasa kapa sa wala namang kasiguraduhan? Talagang naniniwala kang babalik sya? Pano if bumalik sya pero hindi na sya malaya? Aasa kapa rin? Patuloy na lulunurin ang sarili sa lungkot habang naghihintay sa taong wala namang kasiguraduhan na dadating pa.
Ay nadala ako ano ba yan naman kasi, malungkot kasi. Sure kabang di mo sya itinaboy papalayo? May ganon kasi ee hindi namamalayang naitataboy na ang isang tao, di man sa salita pero maaari nilang ma feel.