Ang Sagot sa Isang Sulat

7 64
Avatar for Eirolfeam2
2 years ago

Hello!

Gusto ko lang malaman mo na okay lang ako.

Ikaw?

Kumusta ka na?

Matagal na rin nung huli akong nagparamdam. Magtatatlong linggo na yata.

Sana okay ka lang.

Kampante ako na lagi kang okay kasi un ka eh. Laging masaya na para bang walang problema.

Ayokong malaman na nalulungkot ka dahil sakin.

Pasensiya ka na kung napapalungkot kita kasi iniwan na kita. Kung naglaho ako na parang bula.

Huwag ka sanang malungkot kasi may dahilan kung bakit ako nang-iwan.

Gusto ko lang malaman mo na hindi kita pinaglaruan.

Totoo lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sa'yo.

Lahat ng mga ipinangako ko ay balak kong tuparin.

Lahat ng salitang binitawan ko ay galing sa puso ko.

Kung tinatanong mo kung bakit ikaw?

Kasi ikaw ung babaeng kamahal-mahal.

Ikaw ung babaeng sineseryoso at inaalagaan.

Ikaw ung babaeng karapat-dapat ipakilala sa magulang.

Ikaw ung napili ko kasi ikaw ung gusto kong kasamang bumuo ng pamilya.

Ikaw ung gusto kong kasamang tumupad sa lahat ng pangarap ko sa buhay.

Huwag mo sanang isipin na pinaasa lang kita kasi hindi totoo yan.

Seryoso ako at hindi kita pinaglololoko.

Masaya akong malaman na umasa ka na baka pwede at baka ako na.

Kasi ang tagal kitang hinintay na maging handa.

Lahat ng un ay totoo at hindi puro biro lamang.

Pasensiya ka na kung umalis ako ng hindi manlang nagpaalam.

Pero gusto ko lang din sanang humingi ng tawad.

Patawad.

Patawad kung nasaktan kita sa pag-iwan ko sa'yo.

Patawad sa mga araw na kailangan mo ako pero wala ako.

Patawad kung hindi na muling mapapalakas ang loob mo sa mga panahong hindi mo na kaya.

Lagi mong tatandaan na malakas ka. Wala kang hindi kinakaya.

Patawad kung hindi na ulit kita kayang suportahan sa mga araw na akala mong wala kang kasangga.

Madami sila. Nandiyan pa ang pamilya mo.

Patawad kung hindi na ulit ako makakapagbigay ng mga simpleng hirit.

Patawad kung wala na ako para magtiwala na kaya mong abutin ang mga pangarap mo.

Pero lagi mong tatandaan na kayang-kaya mo at may tiwala ako sa'yo.

Patawad kung naging "panandalian" lang ang pamamalagi ko sa buhay mo.

Salamat nga din pala.

Salamat.

Salamat sa pagbibigay mo ng oras sakin kahit sobrang busy ka.

Salamat sa pagpapagaan ng loob ko sa mga araw na nalulungkot ako.

Salamat sa pagpapasaya sakin.

Sa mga simpleng "Hello" at tawa mo lang ay masayang masaya na ako.

Lagi mong sinasabi sa'kin na walang nagmamahal sa'yo dahil hindi ka kamahal-mahal.

Pero nagkakamali ka.

Madaming nagmamahal sa'yo kasi mabuti kang tao.

Huwag mong sabihin na hindi ko alam na hindi ka marunong magseryoso.

Kasi yang pagiging ikaw mo ang bumihag sa puso ko.

Alam kong masasaktan kita kapag nagpaalam ako.

Pero kailangan.

Kaya paalam.

Kailangan mong tanggapin na hindi na ako babalik.

Gusto kong sabihin na kalimutan mo na ako.

Alam kong mahirap pero sana kayanin mo.

Masasanay ka rin na wala na ako.

Magiging okay ka din gaya ng dati.

Huwag ka nang umasa na babalik pa ako.

Wala ng kadugtong ang kwentong ito.

Hanggang dito nalang.

Patawad.

Salamat.

Paalam.

10
$ 3.53
$ 3.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @z_graeden
+ 3
Avatar for Eirolfeam2
2 years ago

Comments

Magpost din kaya ako tagalog? 😂 Kawawa na din puro crypto related isulat 😂

$ 0.00
2 years ago

It's up to you. Hahaha I'm breaking up with crypto topics. 🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahaha napagod ka na ba? 😂

$ 0.00
2 years ago

Oo. Literal. Hahaha 🤣

$ 0.00
2 years ago

Abat nagtagalog sya. Dhl ba to sa post ni noise? 😂😂

$ 0.00
2 years ago

Matagal na to. Hahahaha Basahin mo ung Part 1. XD 🤣 https://read.cash/@Eirolfeam2/isang-sulat-huwag-basahin-32d64206

$ 0.00
2 years ago

Ah kya pla.. May sinulat akong tagalog kanina , ginawa ko nlng english. Mas mahirap pla 😂

$ 0.00
2 years ago