Wala Kang Utang Na Loob!
To my non-Filipino readers (if there are. Lols 😹), this article is in Tagalog/ Filipino. If you want to read it, I hope the 'Globe' button will help you out. I was scrolling on read.cash when a title of an article caught my attention. I can't remember who the author was, but the topic was about August being the Month of Language (Buwan ng Wika 😹). It was a challenge for Filipino writers to write an article in our language, which is **Filipino**. And because it's been some time already since I last wrote a Filipino piece on this platform, let me write an entry for this "**Buwan ng Wika Challenge**". If you also want to join the challenge, just write and publish any literary piece using our own language and let's be proud of it.
**"Wala Kang Utang na Loob!"** Ilang beses ko na nga bang narinig ang mga salitang ito na para bang wala nga talaga akong utang na loob? Pero ilang beses ko din ba dapat pagbayaran ang utang na loob na ito? Hindi ba sapat ang isang beses lang kagaya ng kung isang beses lang din naman ako binigyan ng tulong ng taong akala ko noo'y ginawan ako ng pabor ng may kusang loob? Pero bakit parang hindi ganoon? Bakit parang kung ginawan ako ng mabuti noon, ay dapat hindi ko lang isang beses pagbayaran ang utang na loob sapagkat hindi kailanman masusuklian ang ginawang kabutihan? Ilang beses ba? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? O hanggang maubos ang mga numero at kahit tumanda na ako ay dapat tumatanaw parin ako at pagbabayaran ko ang utang na loob na ito? Kailan ba mababayaran ang utang na loob? Kahit siguro malagutan na ako ng hininga ay may utang na loob parin akong dapat bayaran. **Madaya!** Ganyan ko ilarawan ang "Utang na Loob" dahil kahit ano namang gawin ko ay hindi magiging sapat ang lahat ng kabayaran, na kahit pa mas mukhang labis na ang pagbabayad ko ay kulang na kulang parin sa mata ng iba. **"Wala kang utang na loob!"** Bata palang ako noong una kong marinig ang mga salitang ito. Nanggaling ito mismo sa bibig ng tiyahin ko. Hindi ito direktang sinabi sa akin ngunit ito ay sinambit sa taong nagbigay ng buhay sa akin, ang aking ina. Paano niya nasabi iyon? Malaki ang utang na loob ng aking nanay sa aking tiyahin na kapatid ng aking ama, dahil noong nagsisimula pa lamang silang bumuo ng sariling pamilya ay siya ang tumulong para magsimula sila na tumayo sa sarili nilang mga paa. Tulong na akala mo ay kusa dahil hindi mo naman sila pinilit, sapagkat ang buong akala mo'y sila ay nagmamalasakit bilang isang kapamilya, bilang isang kamag-anak. At noon nga'y unti-unti na silang nakakaahon sa pagkalugmok dahil maaga silang nagpamilya, at hindi natanaw kung gaano kahirap ang buhay na susuungin nila. Pero kinakaya. Napagtatagumpayan ang bawat hamon ng buhay dahil sa mga taong may malasakit, at mabubuting puso. At nang makaahon sa kumunoy, ay unti-unti na ring naniningil ang mga taong minsa'y nag-abot ng kamay para makawala sa lupang nangangain ng buhay. Malaki ang utang na loob ng aking ina, kung kaya't masaya itong pagbayaran ang lahat ng kabutihan na ibinahagi sa kanila noong kailangan nila ng tulong. Lahat ng pabor na hilingin ay pinagbibigyan. Lahat ng tanong ay sinasagot. Lahat ng sakripisyo na pwedeng ibayad para lamang matumbasan ang nagawang kabutihan ay nagawa na ng aking ina. Buong buhay niya, nagbabayad siya sa kabutihan nila dahil nga malaki ang utang na loob nito, kahit para sa akin ay pagmamalabis na. **"Wala kang utang na loob!"** Isang sigaw ang bumasag sa aking tainga ng marinig ko ang aking tiyahin na inaaway ang taong nagsilang sa akin noong hindi niya magawa ng tama ang pabor na hinihiling nito sa kanya. Isang beses lang niya itong hindi napagbigyan ay para bang nakalimutan na nito ang lahat ng ginawa niyang kabutihan. Naaalala kong ilang beses na din akong humingi ng tulong pinansiyal sa kanya. At ilang beses din akong tinulungan. Marunong akong tumanaw ng utang na loob, kaya kahit anong hilingin din sa akin noon ay ginagawa ko. Isinasantabi ko ang mas importanteng bagay para lamang harapin ang ipinapagawa niya. Masaya kong pinagbayaran ang lahat ng tulong pinansyal sa akin noon bilang pagtanaw ko ng utang na loob. Ngunit kagaya ng aking ina, isang beses lamang akong hindi kumibo sa pabor na hinihiling niya ay nasabihan na ako ng walang utang na loob. **Madaya!** Pinaninindigan ko na madaya ang magkaroon ng utang na loob sa iba, kaya't simula noon ay hindi na ako lumalapit sa kahit kanino man para humingi ng tulong. Dahil kung kailangan ko lang din namang pagbayaran habang-buhay ang nagawang kabutihan, at babalewalain ang mga naging kabayaran, ay pipiliin ko nalang suungin ang lahat ng hamon ng buhay sa abot ng aking makakaya. Hindi ko sinasabing kaya kong mabuhay mag-isa, pero mas gugustuhin ko nalang mabuhay ng tahimik at walang inaalalang utang na kailangang pagbayaran hanggang malugatan ng hininga. **Tumulong ng kusa at bukal sa kalooban, dahil hindi ito utang na sisingilin habang-buhay.** Well, this is my personal view about "**Utang na Loob**" (debt of gratitude). I chose this topic because I think it's one of the "toxic" traits of being a Filipino, where one has to be indebted of gratitude for life, which I find unfair. If you think otherwise, feel free to share your opinion on the comment box. 😹
54 comments
Totoo po yan,..Toxic FIlipino trait. Kung ayaw nilang tumulong ng bukal sa loob wag na lang kaysa marinig ang mapait na salitang yan.
Truee. Napaka-toxic nyan. Dapat kung tutulong, ung walang hinanakit sa puso. Lols 😹
Kaya let us change our kids not to do the same. We should not do it to them as well para mabago natin ang ating kasaysayan o kinagisnan lol
Yes sis I agree with this. Napakalungkot isipin pero ito yung totoo. Kung tutulong tayo sa ating kapwa tao dapat ay gusto natin at totoo sa kalooban. Hindi yung balang araw sisingilin mo. Gawin mo itong pinakamagandang regalo sa kapwa mo..
Aww. Gusto ko yan. Ang pagtulong ay dapat regalo hindi pautang. Hahaha 😹
Yes sis.. dapat ganyan sis.. Tumulong tayo at gawin natin itong regalo sa iba..
I have heard this many times when I was young. At yung pinakamasakit na nagsabi sa'kin niyan ay yung tita ko rin. Ang mga salitang yan ang nagbibigay takot sa'kin tuwing may matatanggap akong tulong. Na baka isang araw, ipamukha niya sa'kin ang mga tulong na nagawa niya. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang may ganyang ugali.
Awww. Nakakaasar yan. Same feels. Kaya kung maaari, ayoko talagang tumatanggap ng tulong. Hayys. 🤧
Kaya hindi mo masisisi ang ibang taong ayaw talaga humingi ng pabor sa iba (Kahit gumapang sila dahil sa pagkakalugmok) dahil umiiwas silang magka utang na loob. Kung hihingi ka din lang ng tulong, mabuti pang malinaw na ito ay babayaran. Para kapag nabayaran na, kwentas klaros at wala na ang utang na loob. Meron namang iba na bukal sa loob ang pagtulong at masuwerte kung kamakahanap ka ng ganito.
Aww. Truee. Dapat linawin sa umpisa para di magkasingilan ng biglaan.
Hindi sa magkakasingilan ng biglaan, pero ang pagsingil ay ayon sa pinag-usapan at minsan lamang. Kapag natupad mo na ang pagbabayad, tapos na yon. Kumbaga, "quits na tayo".
Kaso may iba naman din na kahit quits na kayo eh maghohold parin dun sa time na tinulungan ka niya. Hahaha Ewans. 😹
True at yung ang pinaka nakakalungkot. Parang sa pagtulong nila sa yo, buhay ang kailangan na pambayad.
Ako kase nqgbibigay ako kung meron ako pero diko sinisingil kase mabait ako pero masama ba ako kapag humingi ulit pero di ko na binigyan? feeling ko kase saken na umaasa.
Sanaol mabait. ðŸ¤ðŸ¤£ Pero huwag naman ganyan na sa'yo na aasa. Parang wala naman na silang paa pag ganyan. Mamimihasa. 🤧
Ang pagtulong ay dapat bukal sa kalooban, at hindi parang isang utang na kailangang bayaran. Ayos lang din naman kung ibalik ng iba ang tulong na ibinigay natin nung una, pero kung hindi man, maging masaya nalang tayo kasi kahit papaano ay nakapagpangiti tayo ng kapwa. 😊
Totoo po. Kung ibabalik, well and good. Kung hindi, okay lang din. Kung tutulong kasi dapat walang hinihintay na kapalit. 😹
Grabe, 'di ko 'to kinakaya. Napaka-totoo naman kasi. Utang na loob? Kailangan bang tumanaw ng utang na loob sa mga bagay na 'di naman pala ginawa o binigay ng bukal sa loob? Grabe, super relate ako. Ang pangit ka-bonding 'nung mga ganitong kamag-anak. 'Di nakaka-enjoy.
Hahaha True. Mga pangit kabonding. Sarap i-unrelative. Wahaha 🤣
Utang na loob ang pinakamahirap na bayaran. Pwede mong ibigay ang buong buhay mo sa pinagkakautangan mo pero hinding hindi nito mababayaran ang utang na loob,dahil para sa mga taong nakautangan mo nito,ang isang mabuting gawain ay hindi sapat upang itong mabayaran. Kaya hanggang maaari,kung hindi naman kinakailangan ay ayokong humingi ng tulong kaninoman. Nice article by the way 😃😃
Kaya sabi ko nga, kahit siguro patay ka na, hanggang sa hukay, sisingilin ka parin. Hahaha Hayss. 🤧 Tenkyu. 😹
Very toxic na ugali ng mga pilipino,at di lang relative ang mahilig mang ipit pagdating sa utang na loob,pati din politicians 🤣🤣
Ito talaga ang isa sa pinakatoxic na trait ng nga Pilipino. Mahirap magkaroon ng utang na loob sa mga taong umaasa ng habang buhay na kapalit. Ang utang na loob ang pinakamahirap bayaran, dahil kahit ano pang pagbayad na gawin mo, nakatatak na sa kanilang kaloob looban na may utang na loob ka sakanila at walang kabayaran ang sapat para mabayaran mo iyon.
Kaya nga. Kaya dapat matanggal na yang mentality na yan ng mga tao. Hayyss. 🤧
😪😪😪
Tama po mayo diyan kaya minsan mas gugustuhin konalang rin na maghirap magisa kesa sa humingi ng tulong sa mga tita namin kasi lakas talaga maka judgemental mga tita ko lalo na sa father side😂 Parang tulong muna tapos kukunin na buhay nung tinulungan haha
Hahaha Ung kunting tulong mula sa kanila tapos ang ineexpect eh mamamatay ka para sa kanila. Tssk. 🤧
Isa yan sa pinaka ayaw ko sa negatibong nakapaloob na kahulugan ng utang na loob e. Nagiging utang ito na walang katapusan. Na kahit ikaw na nagkautang ng loob ay mamatay ay isisingil pa ito sa mga natirang mahal mo sa buhay. Daig pa ang nagkautang sa bangko😅.
Ayy truee din. Naipapamana nga pala ang utang na loob. Wahaha 🤧🤣
Kaya nga daig pa ang utang sa bangko kung makahabol para maningil. 😅
> Hindi ko sinasabing kaya kong mabuhay mag-isa, pero mas gugustuhin ko nalang mabuhay ng tahimik at walang inaalalang utang na kailangang pagbayaran hanggang malugatan ng hininga. This! Gusto ko nalang din mapag isa nalang. kesa yung isusumbat nila lahat ng mga ginawa nila sayo sa huli. Tumulong pa sila kung isusumbat din lang naman pala sa huli 🥲
Truee. Ung pagtulong nila ay hindi bukal sa kalooban eh. Mamamatay silang malungkot. Charot. 🤣
Utang na loob bow. Utang na hindi ever mabayad bayadan. Mapuputol lang yan kapag ang pagtulong ay pamigay na talaga. As in
Totoo. Kaso ung ibang tumutulong kasi, may ibang pakay. Hahaha 🤧😹
wish ko lang may alarm no pag ganun hahaha.. para ma gauge mo kung tunay ang tulong or not...
Ah I am so forgettable. 😂 Aruy hugot post pala itey. Totoo naman, may mga taong ganyan, kamag-anak pa. Nakakalungkot talaga pag na-involve ang pera. Haaaaay. Ako malaking utang na loob ko sa lola ko. And I think nabayaran ko naman na. Di naman siya naningil pero ayun. Tska pass it forward na lang ang peg ko. hehe.
Oo nga. Ikaw pala un. Hahaha 🤣 True. Mostly naman mga kamag-anak ung mahilig mangganyan. Hahaha 🤧😹
Utang na loob, kahit ilang magandang bagay pa ang gawin natin sa kanila still tingin Nila may utang na loob pa rin tayo sa kanila. Hindi masama ang tumanaw Ng utang na loob, actually it's a good thing but Yung lagi na lang ipagdiinan sayo Yung mga bagay na naitulong sayo Yun Yung masama. Kaya ang hirap talaga magkaroon Ng utang na loob, Di mo alam kung kelan ka makakabayad sa kanila. I can relate to it
Ung isang beses lang na pagtulong nila parang kailangan kasi habang-buhay na babayaran. Hayss. 🤧
Nauurat ako sa word na iyan pramis. Naranasan din namin dati Yan e. Pagsabihan kaming ganon e Hindi Naman namin hiningi yung tulong na binigay nila saka tulong nga yon e 😂 Gusto tatanawing utang na loob. Madaya! Haha
Madaya talaga. Hahaha Kaya nga tutulong kasi may maitutulong, hindi ipapautang eh. Hahaha 🤧
Kaya nga. Madaya! Haha
Grabeee naman yang tiyahin mo. Sana di nalang sya nagbigay kung buong buhay naman kayong sisingilin. Nakakagigil uy .
Hahaha Ganun talaga. 😹
Ganyan talaga sa kultura natin noh parang habang buhay mo pagbabayaran ang utang na loob, haha. Nagtataka ako bakit di ako maka received notifications galing sayo di pala ako naka subscribe silly me haha
Kaya nga. Dapat ng mawala yang toxic culture na yan. Hahaha 🤧 Thanks sa pagsubscibe. 🤣
Iwan lang kung mawala pa yan built-in ata yan eh haha. Akala ko na sub na kita haha
Very true, one of the toxic traits. Yun talaga ang ayoko na akala mo bukal sa loob ang pagtulong, yun pala may singilang nagaganap kalaunan. Kaya ayoko humingi ng pabor sa ganung tao. Kahit igapang ko na lang, wag lang akong magkaron ng utang na loob sa kanya.
Samee. Lalo na kung kaya pa naman, igagapang nalang kaysa singilin habang buhay. 🤧
Madalas ko itong naririnig sa pelekula,at nga teleserye,pero nangyayari rin sa totoong buhay.Merong mga utabg na loob na kailanmay hindi nababayaran o pwedeng suklian ngunit dapat ay pasalamatan.
More comments