Masaya Ka Ba? (Spoken-word Poetry)

66 648
Avatar for Eirolfeam2
4 years ago (Last updated: 3 years ago)

Kamusta ka na?

Matagal na tayong hindi nag-usap ah?

Balita ko, masaya ka na daw sa kanya.

Ako? Heto, iniwan mong durog at nag-iisa.

Gusto ko lang sanang itanong kung

masaya ka ba?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba habang bumubuo ka ng mga bago at masasayang alaala na siya,

at hindi na ako, ang iyong kasama?

At ako nama'y tumatawa mag-isa habang inaalala ang mga alaala nating dalawa noong tayo pa ang bida sa istorya,

Sabay pahid sa mga luha na unti-unting pumapatak,

dahil hindi ko namamalayang ako na pala'y umiiyak,

dahil ang mga iyon ay bahagi na lamang ng ating nakaraan,

na kailanman ay hindi na natin pwedeng balikan?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing binabati mo siya ng magandang umaga,

at bago kayo matulog ay mayroon ka pa munang sinasabi sa kanya?

Ano nga ba iyon?

Teka. Ah. Naaalala ko na.

"Mahal, mag-iingat ka parati dahil papakasalan pa kita."

Yan din kasi ang lagi mong sinasabi sa akin noon.

Oo. Noon.

Noong ako pa ang bumubuo sa mga araw mo,

Dahil makausap mo lang ako ay nawawala na agad ang pagod mo.

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing kasama mo siya at sabay pa kayong humahagalpak sa tawa,

dahil sa mga birong una mong sinabi sa akin,

Na bumighani sa aking puso't damdamin?

Samantalang ako, nandito,

Umiiyak sa dulo ng aking kwarto,

habang iniisip ko kung saan ba ako nagkulang,

upang ikaw ay biglang mawala nalang?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing binibilhan mo siya ng mga paborito niyang pagkain,

At sabay niyo din itong kakainin,

Na dati mo ding ginagawa sa akin,

noong ikaw pa ay akin?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba habang kinakantahan mo siya ng mga bago at sikat na kanta,

Dahil sabi niya, doon lang siya sasaya?

Habang ako nama'y pinauulit ko lamang sa aking memorya ang iyong pagkanta,

dahil doon ko nalang muling maririnig,

ang iyong napakagandang tinig?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing tinutugtugan mo siya ng gitara dahil sabi niya,

Ang tipo niyang lalaki ay ung mahilig sa gitara kaya ikaw nama'y agad inaral kung paano nga ba?

Samantalang naaalala ko pa noong pinipilit pa kita na aralin mo ang tumugtog dahil nakakaguwapo ito sa paningin,

At nangako kang ito'y iyong susundin.

Sa akin ka nangako,

pero bakit sa iba mo tinupad ito?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing hinahatid-sundo mo siya araw-araw dahil ayaw mong mayroong mangyaring masama sa iyong prinsesa,

Kaya't tudo bantay ka sa kanya?

Ginagawa mo din naman sakin yan dati,

Pero anong nangyari?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing tinititigan mo siya at napapasabi ka ng,

"ang swerte ko talaga sa kanya."?

Na parang siya na ang pinakatamang nangyari sa buhay mo,

At nakakalimutan mong minsan ako'y nandito sa kanyang puwesto.

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing sabay kayong naglalakad,

Na kahit saan man kayo mapadpad,

ay ayos lang basta't siya ang kasama mo?

Na habang magkahawak ang inyong mga kamay,

Sabay kayong nangangarap ng isang napakagandang buhay,

At doon kayo bubuo ng isang masayang pamilya?

Ganun din ang mga usapan natin noon, diba?

Masaya ka ba?

Masaya ka ba sa tuwing kinukulit mo siya,

Na kapag hindi siya nakakapagreply sa mga text mo,

Ay nandiyan na ang isang dosenang tawag mo,

Dahil alam mo na pagbukas niya ng kanyang telepono'y kikiligin siya.

Samantalang noon,

hindi lang ako makapagreply agad, mangungulit ka na.

Mahal, Masaya ka ba?

Dahil kung "OO" ang sagot mo sa tanong ko kung masaya ka ba sa kanya,

Kung masaya ka ba na sa iba mo na ginagawa ang mga bagay na sakin mo ginagawa noong akin ka pa,

Kahit mahirap tanggapin,

Kahit masakit,

Ay pipilitin ko ring maging masaya,

Dahil malaman ko lang na masaya ka,

Kahit hindi na dahil sakin,

Kahit dahil na sa kanya,

Pipilitin kong maging masaya,

para sa inyong dalawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

6
$ 3.27
$ 3.27 from @TheRandomRewarder
Avatar for Eirolfeam2
4 years ago (Last updated: 3 years ago)

Comments

Ramdam ko mga linya mo kapatid. Tagos sa puso ung mga kataga sa bawat linya. Masakit po masyado pinagdaanan mo, nakakalungkot at nakakadala po ng damdamin...

Wag po mawalan ng pag asa.. nag kataong hindi lang po kayo para sa isat isa. Mahirap tanggapin pero darating din po ang araw matatanggap nyo po ang lahat. Wag lang po kau mawawalan ng pag asa.

Prayers will help po.. 🙏🙏🙏

$ 0.00
4 years ago

Salamat. Balang araw makakatagpo din tayo ng taong sasamahan tayo habang buhay. Haha

$ 0.00
4 years ago

Opo.. tama po kayo jan. Wag lang po tayo mawalan ng pag asa.. Atleast po din na po natin kailangan mag suffer sa maling tao, pagsubok lang sa ating mga katatagan ang bawat sitwasyon ating pinag dadaanan kaya wag po tau sumuko.

Kaya natin to hindi po kayo nag iisa.

$ 0.00
4 years ago

pina ka.malungkot isipin ang mga nakaraang dina pwedeng balikan..😭

$ 0.00
4 years ago

Nakakalungkot nga kasi mga ala-ala nalang ang pwedeng balikan, pero ung taong kasama mo sa mga alaalang un, di pwedeng balikan. Haha

$ 0.00
4 years ago

grabi hugot mo ahh ..naranasan mona ba yan? nagtatanong lang ha.

$ 0.00
4 years ago

Opo, own experience ko yan eh. Kaya ko nasulat. Haha

$ 0.00
4 years ago

ay sorry huh. napalungkot yata kita sorry bawe nalag ako sayo like ko mga articles mo hehehehe .

$ 0.00
4 years ago

Kasi naman di na dapat inuungkat ang nakaraan. Hahah Move on na, Masaya na siya sa iba. Charot. Haha

$ 0.00
4 years ago

just. be happy nalang at damihan mo mga comments mo at articles para kada pagdating nang alas8 nang umaga . masaya ka haha kasi dami mo.points hahaha

$ 0.00
4 years ago

Un nga eh. Haha Kahit kunti lang na articles ung napapublish ko, magkakapoints padin.

$ 0.00
4 years ago

ang hahaba naman kasi nang mga articles mo .. kaya marami points

$ 0.00
4 years ago

Sabi kasi sa nabasa ko ding article dito, mas maganda daw talaga kapag mahahabang articles. Kaya siguro mataas points ko simula kahapon. Haha

$ 0.00
4 years ago

oo nga mas mahabang articles mas maraming points . tinatamad kasi ako minsan kaya maiiksi yung mga articles ko bumabawe nlang sa comments at likes hahah

$ 0.00
4 years ago

May points din ba kapag maglalike ka lang ng articles? Haha Ung friend ko naman na nag-invite sakin dito, panay post lang siya ng mga trivia posts pero kumita siya ng 4$ in 3 days din.

$ 0.00
4 years ago

wow galing naman niya sana all. haha meron din naman siguro points sa pag like nang articles pero masiyadong mababa

$ 0.00
4 years ago

Feel ko din. Haha Kaya kung magbabasa at maglalike ako ng article, nag-iiwan na din ako ng comment.

$ 0.00
4 years ago

nag reset na ung points .tingnan mona sayo hahaha

$ 0.00
4 years ago

Nagreset na nga ung points. 0.0 na sakin, pero wala pa siyang dollar. Bakit kaya? Haha

$ 0.00
4 years ago

wla prin naman sa akin maya.maya andiyan nayan

$ 0.00
4 years ago

Meron na sakin. 1.74 ung 700 points. Haha May nabasa ako kanina na article, sabi 3$ daw ung 600 points niya. Lugi yata ako. Char. Haha

$ 0.00
4 years ago

imposible naman yun hahaha yung 830plus na points ko nga $2.something lang yun

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga po eh. So parang nasa 400+ points pala dapat bago ka maka'1$ dito. Un na nga lang itatarget ko. Haha

$ 0.00
4 years ago

sabi nang iban noon malaki bigayan .kasi kunti palang daw ung members nayon maliit na kasi dumadami nadaw members . sabi.sabi.lang naman yan.

$ 0.00
4 years ago

Mukang totoo yata. Sabi nila 200 points 1 dollar na eh. Ngayon duble na. 400 points na bago maka'1 dollar. Strategy din kasi nila un dati para makahakot ng users.

$ 0.00
4 years ago

siguro .pero sana habang dumadami lumalaki din bigayan ..

$ 0.00
4 years ago

Oo nga kasi lumalaki din kita nila kapag madami silang users eh.

$ 0.00
4 years ago

baliktad yata sila hahaha

$ 0.00
4 years ago

Baliktad nga eh. Dapat habang padami ng padami, palaki din ng palaki ung rewards. Haha

$ 0.00
4 years ago

kung pwede lang talaga baguhin ehh .hehehe

$ 0.00
4 years ago

Sana nga maisip ng readcash founders un. Haha

$ 0.00
4 years ago

tagal mo hahaha my ginawa kaba??

$ 0.00
4 years ago

May online class ako kanina eh. Haha Bumalik lang din ako dito para magreply sa mga comments. Lol Alis ulit ako mamaya.

$ 0.00
4 years ago

auumhhft okay nag aaral kpa pala..

$ 0.00
4 years ago

Yup. I'm 3rd year college po. Haha

$ 0.00
4 years ago

wow ..anunh course mo ?

$ 0.00
4 years ago

Business Administration. Haha

$ 0.00
4 years ago

negosyante to.. hahaha mag aapply nalang ako.sa magaging companya.mo balang araw. hehehe kahit janitor lang hehehehe

$ 0.00
4 years ago

Sure ba. After 2 years. Haha

$ 0.00
4 years ago

hahahaha sige .janitor hah at sa oipisina.mo.lang dapat hahahaha

$ 0.00
4 years ago

Grabe naman. Haha

$ 0.00
4 years ago

hahahaha syepre joke lang .ang trabaho nang janitor maglinis kung saan ang dapat linisin hahaha .di yung nasa isang opisina.lang heheheh.

$ 0.00
4 years ago

Haha walang janitor sa magiging companya ko kasi ako din ung maglilinis. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

security guard nalang kaya nang sa ganun ehh mabantyan kita nang mabuti. este yung kumpanya mo.. hehehe

$ 0.00
4 years ago

nako malas ko naman haha bawal pala janitor sa kumpanya mo .hehehe

$ 0.00
4 years ago

Bawal kasi wala akong pampasweldo. Haha

$ 0.00
4 years ago

ay grabi siya may pagka kuripot kari ah .ahahaha joke.

$ 0.00
4 years ago

Ilocana ako eh. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

bakit ganyan ba mga ilocana hahaha.? prng dinman hahaha . ako naman ilonggo.

$ 0.00
4 years ago

Sabi nila sadyang kuripot ang mga ilocano eh.haha

$ 0.00
4 years ago

hehehe ganun ba ngayon kolng nrinig yan hehehe.

$ 0.00
4 years ago

Ayy. Sayang. Dapat di ko na pinaalam. Haha

$ 0.00
4 years ago

hahahaha bakit naman? okay lang kahit kuripot ka mag aapply parin ako driver hahaha

$ 0.00
4 years ago

Sige pero wala ka pong sweldo. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

okay lang hahaha kahiy wla sahod

$ 0.00
4 years ago

Bat parating malungkot mga spoken words? Hehe tanong lang 😚

$ 0.00
4 years ago

Ewan ko nga po eh. Siguro ganun na talaga. Sino ba kasi nagpasimula ng mga spoken words na ito? Sobrang lungkot yata nila masyado. Haha

$ 0.00
4 years ago