Ano ba ang gerd? Eto po ay sakit sa sikmura na kadalasan maraming sakit na mararamdaman. ang acid sa tiyan natin ay umaakyat hanggang sa lalamunan. Iba iba ang nararamdaman mayroong heartburn, pagkahilo, hirap sa paghinga, baradong ilong dulot ng sinusitis, bara sa lalamunan, panghihina, pananakit ng mga braso, pananakit ng panga, pagsusuka,pagtatae lagnat o sinat pero hindi naman po talagang mainit ang temperatura. Pakiramdam mo lang na mainit ka pero hindi dahil normal temperature lang naman tlaga.
Maihahambing mo rin ang sakit na ito sa laraphangeal disease. Nakakabahala ang sakit na to lalo ngayon dahil sa health crisis na nararanasan natin. Kapag ako ay inaatake ng sakit na ito maghapon ako dumidighay para maibsan ang hirap sa paghinga. nakakatulong sa akin na mairelease ang acid sa pamamagitan ng pagdidighay. nakakginhawa sa pakiramdam. Sabi ng ilan na mas mainam ituon nalang ang isip sa ibang bagay na nakakalibang upang hindi natin maiisip ang ating mga nararamdaman.
Kaya upang makaiwas sa sakit na to kelangan pangalagaan natin ang ating kalusugan. Laging kumain sa tamang oras at mag ehersisyo. Tandaan lagi natin na health is wealth. Huwag natin isipin ang pag diet or pagbawas ng kain dahil minsan ito ay nakakasama na pala sa atin. Sa kagustuhan natin maging sexy at nagsasakripisyo tayo na wag kumain. Tandaan natin na ehersisyo pa rin ang mas mainam para magbawas ng timbang.
Sa tingin ko ay kailangan nang magpakonsulta sa doktor ng mga taong may mga sensyales ng ganitong sakit bago pa lumala.