Paano kapag hindi mo na talaga kaya?

2 37
Avatar for DreamBig
4 years ago

May mga tagpo sa ating buhay na tila ba parang pinaglalaruan tayo ng mga eksena sa ating buhay. Minsan kapag dumating sa puntong hindi na talaga natin kaya saka naman lalong bumibigat ang sitwasyon. Bakit ganito? Bakit ipinagpalit ako ng karelasyon ko ng 6 na taon sa isang lalaking mas matanda sa kanya? Bakit kailangan kong matanggal sa trabaho gayong nasa kalagitnaan ako ng pagbabayad sa mga hinuhulugan ko?Bakit kinakailangang baligtarin ng kumpare ko ang sitwasyon at ako ang palabasin na masama?Napapatanong na lamang tayo.

Nakakasama ng loob kapag puro negatibo ang pumapaligid sa iyong mundo. Nalulunod ka sa marami at halo -halong emosyon na nakapagpapabalisa sa iyo.Nakawawala ng pasensya at amor sa sarili. Minsan nga habang gulong gulo ka na sa sitwasyon doon mo pa nagagawang himay-himayin ang mga pangyayari kung saan ka ba nagkulang o kung saan ka lumabis. Hayyyyy. Isang mahabang buntong-hininga. Nakakapagod na.

Sa mga panahong tila ba hindi na natin maunawaan ang mga pangyayaring ayaw na nating maulit pa, nakikiusap tayo aa tadhana na huwag na nating maranasan ang mapait na yugto ng ating nakaraan. Dahil hinang-hina na tayo at naubusan na ng lakas para lumaban. Normal iyan. Maging ang pinakamatalino at pinakamayaman na tao ay nakararanas ng panghihina at pangkukwestyun sa sariling kakayahan. Mabigyan nawa natin ang ating sarili ng permiso na masaktan at magpahinga, mapagod at huminto hanggang sa makabalik sa dati nating anyo. Damhin natin ang mga negatibong emosyon hanggang sa mapalaya tayo ng nasa taas at mabigyan ng panibagong mukha ng pag-asa.Lahat ay may hangganan. Maging mga pasanin ay may hangganan din.

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

breath in breath out.kung minamalas nga naman,kelangan tanggapin khit npakahirap..sometimes it's a blessing in disguise yung mga kamalasan natin

$ 0.00
4 years ago

Tama po kayo diyan. May blessing sa lahat ng mga kaganapan sa buhay natin kahit na di natin matanggap yung rason kung bakit ito nangyayari sa atin o s amga mahal natin

$ 0.00
4 years ago