Bilib ako Sayo

5 13
Avatar for DreamBig
4 years ago

Bilib ako sayo. Oo. Ikaw.

Ikaw na nagpapalit ng lampin ng iyong anak na 2 buwang gulang. Ikaw na minimum wage earner at nagsisikap kumita sa pagiging mason sa isang construction site. Bilib ako sayo. Ikaw na pinapaliguan ang iyong inang matanda at mahina. Ikaw na nagkandakuba- kuba sa pagsasaka makapagtapos lamang ang iyong unica hija. Ikaw na tulog sa umaga, rampa sa gabi dahil graveyard ang shifting schedule mo. Ikaw na punong puno ng pag-asa na gagaling ang iyong pasyente na maysakit na COVID-19 dahil isa kang magiting na frontliner. Bilib na bilib ako sayo.

Hindi mo iniinda ang nangangalay mong binti at masasakit na kasu kasuan mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga mahal mong umaasa sayo. Kahit gaano kahirap ang buhay, balewala sayo dahil mayroon kang pangarap na balang araw madadala mo sa ibang bansa ang mga magulang mo at mabibigyan sila ng engrandeng day off na minsan lang nila maranasan sa isang taon. Walang anuman kung mahirapan at mapagod nang paulit ulit makamtan lang ang matamis na tagumpay na matagal mo nang inaantay.

Ganyan nga. Gaod pa. Huwag susuko kahit malayo pa sa finish line of success. Ang bawat maliliit na pangarap ay nagiging malaking tagumpay. Ang bawat pagsisikap ay napapalitan ng kaginhawahan. Ang bawat HINDI mo noon ay magiging OO ngayon.

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

6
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

Sabi nga ang buhay ay weather weather lang. Lahat ng sakit may kaakibat na saya. Lahat ng sakripisyo may kaakibat na ginhawa. Lahat ng lungkot may kakibat na tawa. Kaya manalig lang po dahil lahat ng ito ay lilipas din. Ang mga taong tulad niyan ay bihira. Kaya kailangan, ingatan at pagkamahalin. Bigyan ng suporta at pagmamahal na nararapat sa kanya. You found a precious gem in the junkyard. ☺️

$ 0.00
4 years ago

Ito sana ang makita ng iba lalo na ang mga taong may kapangyarihan na makapagbigay ng oportunidad sa mga mangagagawang Pilipino. Saludo ako sa inyo!

$ 0.00
User's avatar Jim
4 years ago

Woow bihira ang mga ganyan Tao.. Magsakripisyo Para, sa, mahal buhay kahit ang iyun katawan Pagod n sa, araw araw n trabho ang pag a alaga sa kanila.... Feel ko Yan hand up.. Keep it up to ur good work don't for get Alwys pray sa to him Alwys thank for every day good life..

$ 0.00
4 years ago

Opo mam . Thank you po sa mga paalala hehhehe. At salamat po sa pagbasa ng article ko. Pasubscribe naman po. Sub back kita.thank you. Tuloy tuloy lang tayo palagi sa pagsusulat. Nakakalibang at nakakawala ng stress sa buhay at isa pa madami tayo natututunan sa buhay isa na jan ang maging grateful always despite everything...

$ 0.00
4 years ago

Done subscribe welcome po

$ 0.00
4 years ago