Sinong naiinip na diyan??? Taas ang mga kamay at iwagayway... Nakakainip nga naman kung wala kang ginagawang makabuluhan ngayon nasa bahay lang ang karamihan sa atin. Nakakabagot kapag paulit-ulit ang ating routine sa bawat paggising sa umaga hanggang sa paghiga sa kama. Ang mga ito ay ilan sa mga dahilan kung bakit madami ang naiistress at nagiging anxious sa bawat araw ngayong quarantine period. Ito ay ayon sa aking sariling pagpapalagay lamang. Bakit? Nararanasan ko rin kase ang makaramdam ng anxiety tuwing pakiramdam ko wala akong progress sa bawat araw. Jobless ako kahit one year na akong graduate. Naghahanap ng trabaho ngunit walang dumating na para sa akin. Nag-apply biglang ESL teacher ngunit hinihingan ng matagal na teaching experience at bilis ng internet connection. Nakakapagod diba? Na palagi kang nagaantay pero walang bumabalik. Ginagawa mo ang lahat pero parang di lagi sapat. Pero huwag magalala dahil laging may PAG-ASA . Kapit tayo kaibigan sa Pag-Asa. Kasama natin ang Diyos sa bawat hamon ng buhay. Kaya naman maiisip natin na maaari nating paunlarin ang ating mga sarili kahit nasa bahay lamang tayo. Para sa bihasa maaari tayong magonline selling para sa mga mahilig magbusiness diyan, pwede din namang humanap at magapply ng trabaho na maaaring maging work from home basis, pwede magexplore sa pagiging malikhain at gumawa ng iba't ibang creative art projects upang malinang ang kakayahan sa sining, maaaring pumunta sa inyong kusina at simulang mag-aral ng iba't ibang lutuin na maaaring ipatikim sa iyong mga mahal sa buhay, maaari ding sumama sa mga Light Groups kagaya na lamang ng Feast Light Group na makapagpapaunlad ng iyong spiritual life.
Ngayong panahon ng quarantine, mas madaling maging nega kaysa maging positibo, tama ba ako??? Ngunit pilitin nating hanapin ang mabuti sa lahat ng bagay. Oo tama ang nabasa mo, kapatid. Hanapin ang positibo sa libo libong negatibo. Tiyak mas madami pa din ang positibo kahit madami ka nang nakikita na negatibo. Maaari pa nga na iyong mga negatibo ang maglapit sa atin sa marami pang positibong bagay na maaaring mangyari sa buhay mo, kaibigan.Asamin natin ang pinakamainam sa lahat, huwag mawawalan ng pag-asa sa iyong sarili na balang araw makakabuo tayong lahat ng magagandang alaala para muling pagsaluhan ng pamilya. Para sa mga jobless diyan na katulad ko, keep the faith. Balang araw, may ibibigay ang Diyos na pinakamainam sa lahat. Minsan kasi akala natin yung gusto natin ang pinaka maganda sa lahat. Ayun pala mas malaki pa ang biyaya na ibibigay sa iyo ng Diyos balang araw.
Maging positibo tayo na lahat ng ito ay lilipas din ngunit kailangan nating maging mapagmatyag sa mga nangyayari lalo na ngayon na ang gobyerno ay parang walang klarong plano tungkol sa COVID. Parang mas naplano ata nila ang pagpapasara sa ABS CBN.
Habang hinihintay nating magkaroon ng vaccine, gumawa muna tayo ng paraan para makasurvive.