Matayog na paglipad. Malayo ang naabot. Nakagagawa ng maraming pugad.
Sa mga taong punong puno ng pangarap , nagaalab ang kanilang mga puso upang kamtin ang mga ito. Tinitiyak nilang maaabot nila ang kanilang mga naisin sa buhay. Pinaghihirapan nila itong mabuti, minamahal at iniingatan ang kanilang mga pangarap. Pinalalago nila ito hanggang sa magbunga ng malaki. May ibang mga tao na mabilis makamit ang mga naisin nila. Matapos na magsumikap, nakakakuha agad sila ng magandang trabaho pagkatapos magkolehiyo. Ang tatayog ng mga lipad. Kanya- kanyang kulay ng kanilang karera ang kanilang naipipinta. Mabilis nakapagiipon , nakakapaglakbay saan man nila naisin, nakabibili ng mga sasakyan at sariling bahay. May iba namang parang tila makunat ang panahon para sa kanila. Nagsusumikap at na mabuti pero tila mailap sa kanila ang masaganang buhay. Minimum wage earners. Madalas labis pa sa walong oras ang kanilang naigugugol sa pagseserbisyo sa trabaho nila, pero panggastos sa bahay ay nakasasapat lang sa kanilang arawang kita.
Kung titingin tayo sa malayo, parang lagi tayong lubog sa iba. Angat sila habang tayo ay nagaantay ng pagkakataong umangat kasabay ng pagpupursigi sa trabaho. Hindi maiwasan ang makaramdam ng inggit at pagkahabag sa ating mga sarili. Naiisip nating tila ba laging mas maganda sa kabilang dako.Sabik na sabik na tayo na makapaghatid ng kasaganaan para sa buong pamilya. Ngunit minsan may kaparehong tagpo ang nangyayari sa loob mismo ng tahanan. Kung may kapatid kang angat ang buhay kaysa sa iyo, hindi mo maiwasang magtanong " Bakit nga ba parang napag-iwanan na naman ako?" Hindi maitatanto na para bang nawawalan ka ng pasensya sa sarili mo habang nakaririnig ng mga pagkukumpara mula sa labi ng iyong sariling magulang. Masakit pero totoo. Ang tanging magagawa mo na lamang ay magtiyaga at maghintay na balang araw " Ikaw naman." Ikaw naman ang bibida.
sana nga,sana..the 1st one is much luckier than the latter
haay😔 bkit nga ba?kayod kalabaw nmN