3
10
Minsan masaya
Madalas malungkot
Minsan masagana
Madalas walang pera
Minsan magaan
Madalas nabibigatan
Kahit anupaman
Siya ay pasalamatan
Sa Kanyang mga biyaya
Na binalot ng hiwaga
Nang ating mga dala-dala
Bagamat naghihikahos
Kadalasan ay kapos
Anuman ang sitwasyon
Masalimuot man kung gayon
Isang araw gigising ka
Na may magandang umaga
Sinag ng araw ay hiwaga
Bukas makalawa tapos na ang problema
Sa bawat hinagpis Ibibigay niya iyong nais Huwag mawalan ng pag-asa Lahat ng sakit iyong i-asa Sa ating amang may likha Ng siyang tunay na dakila.
Ganda po! Keep it up! 😊