Abot-kamay Na!

2 31
Avatar for DreamBig
4 years ago

Elementary days. Highschool days. Hanggang sa College Days. Patok na patok sa pamilya ni Jayvee ang financial struggles. Sabay pa sila nag-aaral at nagtui-tuition ng kapatid niyang si Maya. Noong Elementary parehong public school ang pinasukan nila pero nung naghighschool na sila nalipat na sa private school HaHaHaHa!!!! Kunwari "L na L" ( nakakaluwag -luwag pero ang totoo "G na G" , Gipit na gipit). Hindi sa nagpapanggap sila pero gusto lang ng magulang nila na mabigyan sila ng magandang edukasyon. Kumayod ng todo todo ang tatay nila na si Mang Tonyo. Buong pagmamahal at suporta naman ang binibigay ng nanay nila na si Aling Betty .

Rakiterang maituturing ang kanyang itay. Mga gawaing pangbukid ang kanyang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng palay, pagmamangga, pagaalaga ng mga baka na pangbenta sa merkado at marami pang raket ang pinipilit gawin ni Mang Tonyo. Kung tutuusin sapat na ang mga ito para may maipantustos sa tuition nilang magkapatid ngunit sa katunayan ay tauhan lang siya ng masungit na among si Ka Berting.Palibhasa iniwan ng kanyang mga anak at asawa. Kuripot siya magpasweldo. Ginigipit ang kanyang mga tauhan at hindi ibinibigay ang kanilang sweldo kung kelan kaukulan. Kaya na lang siya nilalayasan ng kanyang mga tagapagtrabaho. Madami ng naging tauhan itong si Ka Berting pero sumuko din sila isa-isa. Tanging si Mang Caryo at si Mang Tonyo na lang ang naging masugid at matiyagang tagapagtrabaho ni Ka Berting. Puyat at pagod nauuwi ng bahay si Mang Tonyo kaya't asikasong asikaso siya palagi ni Aling Betty. Sobrang mapagmahal ni Aling Betty sa kanya. Minamasahe niya tuwing gabi ang matigas na likod ni Mang Tonyo. Labis naman itong ikinasisiya ng kanyang puso. Lumaking mababait ang kanyang mga anak. Kaya naman sa tuwing nakikita nilang pagod ang kanilang ama, hindi sila tumitigil sa pag-aaral upang suklian ang hirap ng kanilang ama. Lubos nilang isinasapuso ang bilin ng ama, "Nagpapakapagod ako sa trabaho, makapag-aral lang kayong magkapatid. Pakiusap ko sa inyo mag-aral kayong mabuti upang pagdating ng araw, makamit ninyo ang inyong mga pangarap."

" Opo itay." Mahinahong pagtugon ng dalawa.

Naging mahirap ang naging sitwasyon ng magkapatid lalo na ng sila ay tumuntong na sa kolehiyo. Tuwing araw ng eksaminasyon, lagi silang kinaiisan ng kanilang mga guro dahil sa pakiusap nila na mabigyan ng "promissory notes" upang makakuha ng pagsusulit. Hiyang hiya man sila sa klase pero wala silang magawa dahil kapos na kapos sila ngayon. Napilitang umalis sina Mang Caryo at Mang Tonyo kay Ka Berting dahil hindi na sila pinasweldo ng 2 buwan. Nalululong sa sabong si Ka Berting. Kaya naman namasukan si Mang Tonyo bilang mason sa karatig bayan.

Habang lumilipas ang panahon, mas sinikap ng magkapatid na tapusin at pagpursigihan ang pag-aaral. Nakakuha ng matataas na marka at nakasali sa mga quiz contests sa labas ng paaralan. Naging inspirasyon nila ang kanilang mga magulang lalo na si Mang Tonyo na noon ay inaatake ng matinding hapo dulot ng amoy ng sigarilyo ng mga kasama niya sa konstraksyon. Nag-alab ang damdamin nina Jayvee at Maya na makuha ang tagumpay sa buhay at magsilbing katuwaan ng kanilang mga magulang.

Hanggang sa dumating ang Mayo 11. Araw ng pagtatapos ni Jayvee. Di mapagsidlan ang galak sa puso ng kanilang pamilya. Maaga silang naghanda para sa araw na ito. Nasuklian ang paghihirap at sakripisyo ni Mang Tonyo sa kanilang magkapatid. Nakapagtapos si Jayvee ng Bachelor of Science in Civil Engineering - Cumlaude. Proud na proud ang kanyang ama habang isinasabit ang medalya sa kanyang anak.

" Anak, salamat. " sambit ni Mang Tonyo.

" Tay, abot- kamay na natin ang tagumpay. Sa susunod na taon, si Maya naman. Makakaranas din tayo ng ginhawa. Malapit na. " sabi ni Jayvee sa ama.

Abo't kamay na ang tagumpay para sa bawat taong hindi napapagod magsumikap sa kabila ng maraming balakid sa buhay. Abot- kamay na...

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

3
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

"Abo't kamay na ang tagumpay para sa bawat taong hindi napapagod magsumikap sa kabila ng maraming balakid sa buhay. Abot- kamay na..."

Good insights. Inspiring thoughts ❤️❤️❤️

$ 0.00
User's avatar Jim
4 years ago

Salamat po sir Jim 😊😊

$ 0.00
4 years ago