"Masalimuot Patungo sa Tunay na Kaligayahan"(Tula)

3 53
Avatar for Dottie_Sensei
4 years ago
This is a "show not tell" poem, which I dedicated to my father who is now in heaven.  💙

Sa pagsibol ng panibagong bulaklak

Dalawang mata ang nanunubig sa sobrang ganyak

Dinig ang unang iyak

Masid ang unang pagluha't pagmulat ng mata

Subalit, bawat buhay ay tiyak paroroon sa dulo

May lalakad papalayo't may maiiwan hawak-hawak ang mabigat na lobo

Sa pagkakataong ito, mauuna na ang babaeng nagsilbing tagapayo

Sa huling hantungan, mga larawan ng kahapon ang dala

Hinahanap ang taong nagbigay buhay at umaruga sa paslit na bata

Suot ang makintab na polo na nakasisilaw

Nakasilong sa ilalim ng tirik na araw

Habang pasan-pasan ang kahon na nagsilbing himlayan

Mga araw, buwan at taon ang lumipas

Tila umiiba na ang tinatahak na landas

Sumasabay sa indak ng mga ilaw

Sa bawat inom tila ba'y sobrang uhaw

Mga tagaktak ng pawis ay mistulang mabibigat

Nag-aaliw sa mundong kasiyahan ay salat

Nabuhay sa ilalim ng makukulay na ilaw

Samu't saring palamuti ang nakapalibot

Kumukubli mula sa malawak na espasyong limitado ang galaw

Ang mundo, na siyang pinagmulan ng kalbaryo't paghihirap sa buhay

Magmula ng isinilang at nagkaroon ng malay

Nagsimulang humina ang katawan

Kirot sa kaloob-looban ay ngayon nang nararamdaman

Tagaktak ng mga pawis ulit ay mabibigat

Hinahabol ang bawat hiningang maaari'y iyon na ang katapusan

Mga bibig ay nangungutib mahihinang hangin ang siya lamang lumalabas

Habang tambol sa dibdib ay palakas ng palakas

Kalmadong dagat, mayayabong na puno't halaman

Mga ulap na nagsasayawan, araw na matingkad ang sinag

Magaan na hakbang ang siyang binitawan

Nakatingin sa baba habang mga mata'y bumubuhos ng kaganyakan

Sa wakas, natamasa rin ang tunay na kaligayahan

4
$ 0.14
$ 0.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @bheng620
Sponsors of Dottie_Sensei
empty
empty
empty
Avatar for Dottie_Sensei
4 years ago

Comments

Nice one

$ 0.00
4 years ago

Nais kong malaman mo Ang iyong tula'y katangi-tangi Tunay kang kahanga-kanga Dapat kang ipagbunyi

$ 0.00
4 years ago

Maraming salamat kaibigan At ang tula ko'y iyong nagustuhan 🤗

$ 0.00
4 years ago