Sa isang Baryo na matatagpuan sa Probinsya ng Masbate, nakatira ang mag-inang Romel at Raquel, nabibilang sa grupo ng Badjao. Mahirap lamang sila sa katunayan ay gawa lamang sa tagpi-tagping piraso ng mga gamit galing sa basurahan ang kanilang tinuturing na bahay. Marahil ay naiiba sila sa karaniwang mga badjao na nanlilimos lamang. Isang mangangalakal ang nanay ni Romel at araw araw ay pumupunta siya sa bundok ng basura upang maghanap ng puwedeng mabenta sa "junk shop" habang si Romel naman ay nagsisikap mag-aral upang mapasaya ang inay niya.
Isang araw habang naghahanda na si Romel upang tumungo na sa paaralan bigla niyang napansin ang uniporme niyang may butas sa may puwetan.
"Nay, ang uniporme ko po ay nabutas, ano po ang gagawin ko?" nalulungkot na sabi ni Romel.
"Hayaan mo anak at tatahiin ko 'yan", sagot naman ng inay niya.
"Pasensya na anak isang piraso lamang ng tinapay ang dala ko, mahina kasi ang kalakal", patuloy pa nito.
"Ayos lang po inay paghatian nalang po natin", ang magalang na sagot naman ni Romel.
Tila matanda na kung mag-isip ang batang si Romel malayo sa kabataan na sa ganoong edad ay naglilibang sa kalye at naghahabulan. Aktibo sa klase at may paggalang sa kapwa't mga guro ang bata at lubos naman na ito'y ikinatutuwa ng kanyang mga guro at ibang nakatatanda subalit hindi maiwasan na maranasan ng batang si Romel na maliitin at kutyain ng ibang mga kaklase dahil sa estado nito sa kadahilanang naiiba nga siya sa mga kaklase niya at sa unipormeng gusot gusot na panay dinaanan pa ng karayum ang damit nito.
Minsan ay umuwi ang bata na umiiyak, at may pasa sa kabilang pisngi at sugatan din ang labi.
"Anong nangyari sa'yo?" gulat na sabi ng ina.
"Inay Palagi na lamang nila akong kinukutya napilitan lang po akong lumaban" sagot ni Romel.
"Hindi ba sabi ko sayo hayaan mo na lamang sila!" pasigaw na sabi ni Raquel.
"Pero nay, ipinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko! Sawa na po akong maliitin at kutyain!", -Romel.
Hindi na nakapagsalita ang ina bagkus ay ginamot na lamang nito ang sugat ng anak.
Dumaan ang ilang taon.
Magkokolehiyo na pala ang anak ko saan ko kaya siya pag-aaralin? Aniya ni Raquel.
"Mapapag-aral ko kaya siya?"
"Paano ang mga bayarin niya?"
"Paano na ang pambili ng uniporme niya?" Sunod sunod na tanong ni Raquel sa sarili niya.
Nagdoble-kayud ang ina ni Romel mapag-aral lamang siya sa malaking Unibersidad at maisakatuparan ang kaginhawaang matagal nang pangarap ni Romel para sa kanila. Tumatanggap na rin ng labada si Raquel at sa bakanteng oras ay nagluluto at nagbebenta ito ng iba ibang kakanin. Halos wala nang pahinga ang inay ni Romel sapagkat alam niyang kailangan niyang itaguyod ang pag-aaral ng anak. Si Romel naman ay masipag at matiyagang nag-aaral sa kursong Edukasyon sapagkat gusto nitong matulongan ang mga batang nasa bundok, kapwa nila katutubo at syempre maiahon ang ina sa kahirapan. Upang makatulong sa ina ay naisipan niyang maging isang pribadong tagapagturo. Subalit kulang pa ang mga kinikita nila halos naipagkakasya lamang nila ito sa araw araw na pagkain nila.
Huling semestro na ng binatang si Romel at madami itong proyekto't awtput na ipapasa at isinabay pa ang Tesis na kakailanganin ng malaki-laking pera sa paggawa nito.
"Inay, hihingi po sana ako ng pera para po sa proyekto namin" -sabi ni Romel.
"Anak wala akong maibibigay, sakto lang ang pera natin sa araw na to" -sagot naman ng ina na tinatapos ang labada.
"Lagi namang wala eh! Walang makain! Walang pambili ng materyalis sa eskwelahan at pati nga uniporme isa lang ang meron ako at nilumaan pa ng kapitbahay!" -galit na sabi ng anak.
"Aba! Parang hindi mo ako ina sa tono mong yan! Kung hindi dahil sa pagpupursigi ko ay hindi ka makakatuntong sa Kolehiyo!" -sagot ng ina.
Patuloy na nagsagutan ang mag-ina ng biglang sumikip ang dibdib ni Raquel.
"Inay, anong nangyari sayo?" -nangangambang tanong ng anak. Dagli-dagli itong kumuha ng tubig at pinainom sa ina ngunit hirap pa din itong huminga kaya isinugod na ni Romel ang inay niya sa ospital.
"May sakit po sa puso ang iyong ina, mabuti na lamang po at naisugod niyo na agad siya kung hindi po ay maaaring maging kritikal ang lagay ng inyong ina", aniya ng Doktor.
Parang mawawalan din ng malay ang binatang si Romel ng marinig niya ang mga iyon sapagkat alam niyang kasalanan niya ang lahat.
"Inay patawad po, hindi ko po sinasadya ang mga nasabi ko kanina. Sana mapatawad niyo po ako" -paiyak na sabi ni Romel sa inay niya na hanggang noo'y wala paring malay.
Pumasok sa eskwelahan ang binata na malalim pa rin ang iniisip at maging sa klase ay malayo pa din ang takbo ng utak nito. Malamang ay iniisip pa din niya ang ina niyang nasa ospital. Ngunit natauhan ito nang may isang binatang lumapit sa kanya, isang kaklase na hinahangaan siya at nagboluntaryong tulungan ito sa bayarin sa ospital. Lubos naman ang pasasalamat ni Romel sa kaklase niya at galak na galak siya ng makita ang inang lalabas na ng ospital. Ipinangako niyang hindi niya na ito bibigyan ng sama ng loob at magpupursigi pa lalo siya sa nalalapit nitong pagtatapos.
Sa araw ng pagtatapos ni Romel, inihanda niya na ang uniporme niya, unipormeng palagi niyang suot sa klase subalit napansin niyang butas ang sa puwetan nito kaya't sinabi niya sa inay niya.
"Inay butas po ang puwetan ng pantalon ko, maaari po bang tahiin niyo inay?" -pakiusap ni Romel.
"Akin na at tatahiin ko pero teka bakit itong luma pa din ang susuotin mo? Binilhan kita ng bago nandoon sa kwarto mo." -sambit ng ina.
"Inay ito po ang simbolo ng lahat ng paghihirap natin upang makapagtapos ako ng pag-aaral at heto nga't nangunguna pa ang anak ninyo" -natutuwang sabi ni Romel.
Napangiti si Raquel sa mga sinabi ng anak niya at binigyan niya ito ng mahigpit na yakap.
Simula noon ay natupad nga lahat ng pangarap ni Romel at ng dakilang ina niyang nagsilbing inspirasyon tungo sa kaunlaran nito. Nagtayo na din siya ng paaralan para sa mga batang badjao upang magsilbing hakbangin tungo sa karunungan at maabot ang kani-kaniyang mithiin.
Nice one