Marahil madalas napapatanong tayo kung sino kaya ang mga unang tao dito sa Pilipinas, o di naman kaya ay sino nga ba talaga ang nakadiskubre sa ating napakagandang lupain, ang Pilipinas. Sa katunayan ay madaming teorya ang naisagawa at pag-aaral na din ukol sa aspetong ito at isa na nga ang teoryang Negrito daw na mula sa lupalop ng Asya ay tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa. Bagamat sa kabila nito ay hindi natin maikakaila na katutubo pa rin ang maitatawag sa kanila kung saan ay bago pa man dumating ang mga mananakop ay nanirahan na sila dito at namuhay ng payapa.
Ang mga katutubo na siyang nangangalaga't nagpakilala sa atin ng samu't-saring kultura, paniniwala at tradisyon. Karagdagan pa ay noon pa man ay mayroon na silang mga nagawang akdang pampanitikan gamit ang sinaunang sistema ng pagsusulat na kung tawagin ay "baybayin" na kung saan ay ang ginagamit nila ay ang dulo ng kutsilyo at matutulis na bakal na tinatawag na sipol upang makapagsulat. Mga kwentong bayan, bugtong, alamat at iba pa ay kabilang sa mga nagawa nilang akda. Madami din silang mga kagamitang naimbento pangseguridad man o sa bahay at hanapbuhay gaya ng itak o bolo na ginagamit sa pangangaso't iba pang hanapbuhay at armas na din kung sakali mang kailangan nilang ipagtanggol ang sarili o ang kanilang nasasakupan sa mga kalaban, mga kasangkapan sa bahay gaya ng baso na gawa sa puno ng kawayan, banga na gawa sa putik at madami pang iba. Mga arte sa katawan gaya ng tatu na hindi lamang arte kundi ay simbolo na din ng pagiging isang mandirigma at kung gaano kadami ang tatu ay ganoon din kadami ang kanilang napaslang na kalaban.
Tunay na napakaganda ng katutubong tradisyon at kultura sapagkat bawat isa ay pantay lamang ang pagtrato at bawat isa ay may kontribusyon sa kanilang pangkat, nabibigyan ng pansin ang pagkakaisa at bayanihan. Sila ang nagpanatili ng ating tunay at makulay na kultura at arte magpahanggang sa kasalukuyang panahon. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang bagong mukha ng mga katutubo natin ay halos mabura na sapagkat sa tahanan pa lamang ay naagawan na sila. Mayroong iilan na patuloy pa rin subalit kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa kanilang mga gawa gaya na lamang ng mga herbal na gamot, agimat at mga hinabing damit at kung ano ano pa. Nauubusan na sila ng tinuturing na kayamanan kaya imbes na sila'y agawan pa ay mas karapat-dapat silang tulungan at ipakitang sila'y nirerespeto't binibigyan ng halaga bilang sila'y kapwa din natin.
Proud Filipino here