Join 60,335 users and earn money for participation

Enigmatic Magicians 3

1 6 exc boost
Avatar for Dolores
Written by   357
5 months ago

Bigla akong napabalikwas mula sa bangungot. Muli na namang bumalik sa akin ang pangyayaring iyon na tila sumisira sa aking katinuan. Pero laking gulat ko ng mapansin kong tila nasa ibang lugar ako, isang hindi pamilyar na lugar. I whirl around my eyes, the place seems so nice. It's the place where I can feel comfortable. But, where I am? and how I get here?

I am about to open the door in front of me when suddenly a man from the outside opens it. Because of it my head was hit by the door. "bog"

"Aray!" bulalas ko sa taong nagbukas ng pinto

"I am sorry" hingi niya ng dispensa.

Kahit hilong-hilo pa rin ako dulot ng pagkakauntog ko ay malinaw pa rin sa aking mata't memorya ang pagmumukha ng taong ito.

"Wait! Ikaw na naman? Malas naman oh. Ikaw na nga nagpasubsob sa akin sa putikan tapos ngayon ikaw na naman ang dahilan ng pagkaka-untog ko" 

Susuntukin ko sana siya pero nakaiwas siya kahit kalkulado ko na ito. Wait, naalala ko na. Kahapon ganito din siya kahit anong gawin ko sa kaniya nakaka-iwas at nakaka-iwas pa rin siya. Naalala ko na rin ulit yung agam-agam ko. Hindi kaya talaga.....

"Walang gamot sa pagkatunganga"

"Aba't sumusobra ka na"

Kung mabilis man siyang kumilos, aba'y kaya ko pa rin siyang basahin. Hindi niya alam na I am really good when it comes to strategy. Nagkunwari akong susuntukin siya at dahil sakto ang pagkakalabas ng tubig sa aking kamay mula sa linipatan niya, aba'y naligo siya ng hindi oras.

Narinig ko pa yung dirty words niya but I just ignore it. But what really strikes me is yung sinabi niya.

"May kapangyarihan ka rin?"

Hindi ako pwedeng magkamali, dinig na dinig ko yung sinabi niya. Tama nga ang iniisip ko, hindi siya pangkaraniwan. We are the same, we have are own unique powers.

"So, iyan pala ang kapangyarihan mo? Ang makakilos ng pagkabilis-bilis?" tanong ko sa kaniya

"Oo, does it mean you have powers too? You can release water from your body." sabi naman niya 

"Yeah. Now I am comfortable. I thought I was cursed because of this but I am wrong because I'am not the only one who was given powers."

"Tama ka you're not the only one. Pero may isa kang mali"

"Ano naman iyon"

"We are really cursed. That's the truth"

"Pero sino naman ang nagsumpa sa atin? paano? bakit? saan? kailan?"

"Malalaman mo rin yan mamaya, sumama ka muna sa akin. May mga ipapakilala muna ako sa iyo."

----

Dinala niya ako sa isang lugar na talagang napakapamilyar sa akin, hindi ako maaaring magkamali. Dito ako madalas dalhin noon ng mga magulang ko. Pero ngayon mag-isa na pala akong pumunta dito. Naiiyak na naman ako kaya kinakagat ko na lang ang aking mga labi para pigilan ito.

"Umiiyak ka ba?" pagbasag niya sa katahimikan

"Hi..hindi" depensa ko habang pinipigilan pa rin ang pagpatak ng mga maliliit na butil ng luha mula sa aking mga mata.

Pagkatapos non hindi na siya nagsalita. Tumigil kami sa harap ng isang lumang gusali. Kumatok siya ng tatlong beses.

"tok"

"tok"

"tok"

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang magandang babae. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko pero tumibok na lamang ng napakatulin ang puso ko. Mukhang napansin ng babae ang pagtitig ko sa kaniya kaya bigla kong iniwas ang aking tingin mula sa kanyang napakakarismang mga mata.

"Anna, kumpleto ba kayong lahat sa loob?" tanong nitong kasama ko, kung ganon Anna pala ang pangalan ng babaeng nasa harapan ko at mas nauna ko pang nalaman talaga ang pangalan niya kaysa dito sa mokong na ito.

"Oo, pero sino naman yang kasama mo? akala ko ba bawal magdala ng ordinaryong tao dito?" masungit na sabi ni Anna, medyo naturn-off ako don.

"Bakit sino bang nagsabi na ordinaryo lang ang kasama ko?" tanong naman ng mokong.


Disclaimer:

All the characters' names, events, places, and anything stated in this story are pure work of imagination. Any resemblance to the reality are just coincidence.

Photos that are used in this story are available photos that are found in Pixabay. Credits to the respective owners of those photos.

Other Parts can be found here:

1
$ 0.30
$ 0.30 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Dolores
empty
Avatar for Dolores
Written by   357
5 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I started believing in magic

$ 0.00
5 months ago