Enigmatic Magicians 1

2 46
Avatar for Dolores
4 years ago

Clyde POV

"Sunog!" Ito ang aking isinisigaw habang papalabas mula sa aking kwarto.

Agad kong pinuntahan ang kwarto ng aking mga magulang but I can't open it, it was locked. Sinubukan kong tuktukin ito ng pagkalakas-lakas pero hindi parin sila nagigising. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak.

I decided to go out. I shouted and screamed outside saying "Sunog!" just to get the attention of our neighbors. Unti-unti na silang nagsilabasan, all people seems to be frenetic already. Ang iba ay agad na gumawa ng aksyon. Ang lahat na ngayon ay nagtutulungan upang mapatay agad ang apoy.

Turmoil. Outburst. Devastation. Ang lahat ng tao'y nagtutulungan at nagbubuhos ng tubig sa aming bahay.

Naroon lang ako sa isang tabi habang ang mga mata ay nakatitok lang sa nasusunog na bahay. Ang isip ay lumilipad.

"Clyde, bakit nasusunog ang bahay niyo?" Tanong ng isa naming kapit-bahay

"Hindi ko sinasadya, hindi." Sagot ko

"Anong sinasabi mo? hindi kita maintindihan" Tanong pa niya pero hindi ko na ito nasagot ng marinig kong malapit na ang mga bombero

"Wee woo, wee woo, wee woo" the sirens from the incoming firetrucks.

Buhos dito, buhos doon. Ngunit tila hindi nagpapatinag ang apoy. Patuloy pa rin ito sa paglaki. I can't help so I just cried out loud. It was all my fault. Kung hindi lang sana ako pinanganak na ganito, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

"Nay! Tay!Sigaw ko habang papalapit sa aming bahay ngunit pilit akong hinaharangan ng mga bombero. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa dahil di hamak na mas malakas sila. Ayaw ko namang gamitin uli ang aking kapangyarihan dahil baka matakot lang sila sa akin.

Malakas na ang apoy, nadamay na rin pati ang mga  karatig na mga bahay. Sana panaginip na lang ang lahat, ilang beses ko ring kinurot ang aking pisngi pero nasaksaktan ako. Isa lang ang ibig sabihin nito, talagang nasusunog ang aming barangay. Ito ay marahil dahil sa kagagawan ko. Nang dahil sa katangahan ko.

----

Makalipas ang ilang oras, napatay na rin sa wakas ang apoy. Wala akong ginawang iba kundi ang umiyak at sisihin ang sarili ko. Tutal, ako naman talaga ang siyang may kasalanan kung bakit ito nangyari.

20 houses are affected from the fire including our house which was totally washed out. mistulang naging haunted ang aming barangay dahil sa pangyayari. Mula sa paligid, maririnig mo ang mga taong nagsisi-iyakan. May ilang mga reporters na rin ang dumating, may isa pa ngang lumapit at gusto akong kunan ng saloobin but I refused it. Ayaw kong magsalita, hindi dahil guilty ako kundi dahil sa pangyayari. It makes me confused, I don't know what to say.

Hanggang sa unti-unti na pala akong lumalapit sa mga bangkay na inilabas. Puno ng kaba ang aking dibdib. Sana mali ang iniisip ko, sana. Ngunit nanghina ng tuluyan ang aking tuhod mula sa aking nasilayan.

Wala na, wala na ang mga mahal ko sa buhay. Isa akong sumpa! Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan na akong nawalan ng malay.


What do you think about this chapter? Does Clyde morally and criminally liable to what he did?

You can share your thoughts about this chapter guys. Do not be shy. Your comments are of great importance to improve my writing skills. Thanks!


Disclaimer:

All the characters' names, events, places, and anything stated in this story are pure work of imagination. Any resemblance to the reality are just coincidence.

Photos that are used in this story are available photos that are found in Pixabay. Credits to the respective owners of those photos.

Other Parts can be found here:

Enigmatic Magicians


6
$ 0.58
$ 0.58 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Dolores
empty
empty
empty
Avatar for Dolores
4 years ago

Comments

Curiousity kills the cat... Ika nga, she was trying to test her power but it would be better kung sa open space sya nagtesting. Just saying.. 😉

$ 0.00
4 years ago

Following

$ 0.00
4 years ago