Enigmatic Magicians 2

0 65
Avatar for Dolores
4 years ago

Pagkamulat ko sa aking mata, napansin kong nasa ibang lugar na ako. Isang lugar na ngayon ko lang ulit nasilayan. Agad sumakit ang ulo ko when I remembered again what had happen a while ago. Isang karumal-dumal na pangyayari na ang puno't dulo ay walang iba kundi ako, ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi ko tuloy mapigilang humikbi.

"Gising ka na pala, ako nga pala si Nurse Cynthia. Ikaw anong pangalan mo? Sabi ng nurse 

"Clyde Joaquin po" Tipid kong sagot

"Buti kunting galos lang ang napala mo sa sunog. Nga pala nasaan ang mga magulang mo? 'Di ba nila alam na nandito ka? Alam mo ba ang numero nila para matawagan ko?" Deretsong tanong ng nurse

Mula sa mga tanong na iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking mga luha. Sa bawat patak ay katumbas ng isang kirot sa aking puso na tila dumudurog sa buo kong pagkatao.

"Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat" Sabi ko habang humihikbi

"Pasensya Clyde, hindi ko ibig tanungin ang mga iyon. At huwag mong isisi sa iyong sarili ang lahat ng nangyari" Ang nurse na humihingi ng dispensa.

Ngunit sa hindi inaasahang tagpo, hindi ko inaasahan na nabasa na pala ang kinahihigaan ko. Muli ko na naman nagamit sa mali ang aking kapangyarihan. Una pinaglaruan ko ang apoy dahil sa pag-aakalang mapapatay ko rin ito gamit ng aking kapangyarihan ngunit bakit tila wala akong magawa kapag kailangan ko na ito? Ano bang ibig sabihin nito?

----

Makalipas ang isang araw ay nakalabas din ako sa Mabini General Hospital. Kunting galos lang ang natamo ko pero kinailangan akong obserbahan dahil sa pagkakawalan ko ng malay. This day is the beginning of my new life. My new life without my parents, without their support and everything. I doubt if I can live without them.

Wala na akong pakialam kung saaan ako dalhin ng aking mga paa. All I want is to escape from reality. I'am being paranoid already but I need to fight it.

Lahat ng nasa paligid ko ay tila pawang hangin lamang. Wala akong naririnig na iba kundi ang salitang patuloy lang na umiikot sa aking isipan, "kasalanan mo ang lahat!."

Hindi ko namamalayan tumawid na pala ako sa kalsada kahit maraming humaharurot na sasakyan. Wala na akong pakialam kung anuman ang mangyari sa akin. Bigla na lamang akong napa-upo sa kalsada tapos may narinig akong bumulyaw, "magpapakamatay ka ba? kung oo doon ka tumalon sa tulay hindi yung mandadamay ka pa ng iba" ngunit agad din akong tumayo at hindi man lang pinansin kong sino yung nagsalita.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang humangin ng napakalakas, pagkatapos non ay kumidlat, binalot na ng kadiliman ang paligid, bumuhos na rin ang napakalakas na ulan. Hindi ko man lang nagawang sumilong, wala parin akong tigil sa paglalakad hanggang mapadpad ako sa isang lugar na kumuha ng aking atensyon.

Isang Carnival, ang lugar kung saan ako palaging dinadala ng aking mga magulang. Ngayon lang ulit dumako sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon bago maganap ang pangyayaring naglagay sa aking kinatatayuan ngayon. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng walang katapusan kong luha. May isa palang kagandahan ang pagkakaroon ng ulan, kahit umiiyak ka na pala ay hindi agd mapapansin ng tao unless they will focus their attention unto you. 

"Bakit ka pa naliligo sa ulan sa ganitong oras? baka magkasakit ka lang" sabi ng isang lalaking may dalang payong at papalapit sa akin

Sasagutin ko na sana siya ng agad din itong nagsalita

"Teka, umiiyak ka ba? dagdag nito

"Hindi!" Malakas kong sabi sa kanya

"Teka bro, huwag ka namang magalit sa akin. nagmamalasakit lang"

"Pwes, hindi ko kailangan yang malasakit mo kaya umalis ka na sa aking harapan"

Itutulak ko na sana siya ng agad itong nakaiwas, kaya ang ending ako ang napasubsob sa putikan. Narinig ko pa itong tumawa ng malakas. Nang makatayo ako, I am about to punch his face but he immediately grabbed my fist.

Pilit ko itong tinatanggal pero hindi ko kaya. He is taller and bigger than me that is why I can't remove my hand from him. I remembered that I am also a black belter in karate that is why I immediately used my skills to get rid from him, but again and again I failed. He is very fast, he is just like Hermes-the Greek god. Mabilis siyang kumilos. Hindi kaya.....

Magsasalita na sana ako ng agad akong nawalan ng malay.


Disclaimer:

All the characters' names, events, places, and anything stated in this story are pure work of imagination. Any resemblance to the reality are just coincidence.

Photos that are used in this story are available photos that are found in Pixabay. Credits to the respective owners of those photos.

Other Parts can be found here:

Enigmatic Magicians

2
$ 1.00
$ 1.00 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Dolores
empty
empty
empty
Avatar for Dolores
4 years ago

Comments