My Humble Beginning in read.cash

8 32
Avatar for DianaGal
3 years ago

Bakit nga ba ako napunta sa platapormang ito? Ano nga ba ang purpose kung bakit ako nandito?

Hello everyone! Kumusta naman kayo dyan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan ngayon.

Paano ko ba to sisimulan? Ang hirap talaga mag intro di alam kung ano ang sasabihin lol. Well, I just want to share to you guys kung paano at anong purpose kung bakit ako nandito.

Bakit nga ba ako nandito?

Isang araw naisipan kong kumustahin ang isa kong childhood friend. ( pwede ko ba siyang e mention?) Nagkumustahan kami at na open up ko sa kanya ang status ko ngayon. Nawalan kasi ako nang trabaho at sobrang hirap mag apply ngayon lalo na dito sa province. Sobrang stress at bored na ako sa bahay. Hindi kasi ako sanay na walang trabaho at income para man lang sana makatulong sa pamilya. So ayun, my friend introduced me to this platform kahapon at inexplain nya kung ano ang meron dito at sa noisecash. Sobra akong na excite hindi dahil sa kita but just because nakikita ko siya bilang isang opportunity para maipagpatuloy ko yung passion ko sa pagsusulat.

High school pa lang ako kinahihiligan ko na talagang magsulat ng mga script sa tuwing may role play na magaganap sa school, ako na din mismo ang director. Minsan main character pa. O jivah, multi tasking lang haha. Meron din akong mga diaries at gratitude notebook na hanggang ngayon ay buhay pa din. Natutuwa ako sa tuwing binabasa ko ulit ang mga ito. Nanunumbalik ang mga masasaya at malulungkot na alaala noon. May mga love story topics, about school events, personal matters at mga random na nangyayari sa buhay ko. Minsan din gumagawa ako ng mga talambuhay at article about life. Kadalasan nga lang tagalog yung ginagamit kong wika kasi dito ako mas komportable. Meron din naman sa Ingles pero mabilang lang. But I'll challenge myself now to write more articles na Ingles yung ginagamit. I'll do my best naman po.

My High School Diaries

Ngunit noong akoy nag college, naiwanan ko na yung passion ko sa pagsusulat dahil mas naka focus ako sa pag aaral. Mas loaded kasi yung schedule at mahirap pag hindi ma e maintain yung grades. Goodbye scholarship talaga. Kaya doon muna ako nagpursige.

Di ko talaga inexpect na makakabalik ako sa pagsusulat. Lalo na ngayon sobrang inspired ako dahil madami na din akong napagdaanan sa buhay. At yun ang gusto kong ibahagi sa lahat.

Ano yung purpose ko dito?

Dahil sa mahilig ako magsulat at magbahagi nang mga motivational thoughts, words of wisdom at gumawa ng kwentong mapagpupulutan nang aral. I'll consider it as an opportunity to share my humble thoughts, mga karanasan sa buhay at magbigay impormasyon.

Hindi man ako expert at fluent lalo na sa wikang Ingles pero hindi pa rin ito hadlang para maibahagi ko sa inyo ang aking kwento at pananaw sa buhay. Marami akong maikukwento sa inyo pwede drama, comedy, horror, love story, sad story at iba pa.

Pangarap ko kasi maging isang motivational speaker or magaling at mabuting mentor. Gusto ko ibahagi lalong lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng buhay. Hindi man siya madali pero pwedeng labanan ang mga hamon nito. Gusto kong gamitin ang platform na ito para makatulong sa iba. Magbigay aliw at ma inspired, makapagbibigay ng payo at mabuting asal. Ito ang purpose ko kung bakit ako nandito.

Pasasalamat

I'm so blessed kasi mahal na mahal ako nang Panginoon. Gumawa siya nang paraan para ma continue ko yung passion ko sa pagsusulat. Sobrang tagal ko ng di nakapagsulat ng mga script at kwento. I think maipagpatuloy ko na dahil sa platform na ito. And to my friend na nag recommend sa akin dito. Thank you for bringing me here dang. Labyu mwahh mwahhh.

At sa inyong lahat, sana ay magustuhan po ninyo ang mga susunod kong artikulong isusulat dito. At sobrang excited din ako to read your articles.

God bless us all and Keep safe! ๐Ÿ˜‡

~@DianaGal

Sponsors of DianaGal
empty
empty
empty

1
$ 0.05
$ 0.05 from @renren16
Avatar for DianaGal
3 years ago

Comments

Welcome po sa read.cash, kagaya mo bago lang din ako hehe. More articles to publish po sa atin.

$ 0.03
3 years ago

Hmmm.. Huwag lang talaga susuko agad-agad. Been there! Sa umpisa, mahirap pero kalaunan, masasanay ka rin..Kahit nga ako, 4 months pa lang, dami ko nang natutunan, lalo na sa ibanh users din Wag kayo mag.hesitate magtanong sa iba din. Mababait yung mga tao dito.. :) Welcome din sayo sis...โ˜บ๏ธ

$ 0.00
3 years ago

Thank you and welcome din sa readcash. More articles to publish. We'll claim it ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
3 years ago

Noise.cash yun dang.. Hehe... :)

Agad-agad ha, naka.publish na.. Hehe.. Welcome to read.cash again dang.. Its my pleasure..โฃ๏ธ

$ 0.00
3 years ago

Hahaha oo nga pala. Noisecash man d ay to Dang.

$ 0.00
3 years ago

Oh dang.. Hehe..

$ 0.00
3 years ago

Wow thank you sa pag upvote dang๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago

Hehe.. Way sapayan dang.. :)

$ 0.00
3 years ago