Siya ang aking kilala na mapagpanggap. Bakit hindi ka magsabi ng totoo?
Bakit hindi mo sinasabi ang tunay mong nararamdaman. Bakit ka nagpapanggap na maayos lang ang lahat. Palagi mong sinasabi na ok ka lang pero ang totoo hindi pala.
Sa maganda mong ngiti may nakatago na kalungkutan. Sa tuwing kasama mo ang mga anak mo pinapakita mo na malakas ka. Pinapakita mo na masaya ka. Pinapatatag mo ang mga loob na maging maayus din ang lahat.
Minsan naiinis ako sa tuwing kami ang iyung inuuna. Pwedi bang ikaw naman? Sarili mo naman ang iyung unahin. Lagi mong iniisip ang mga anak mo hindi mo gusto na mag-alala sila sayo.
Sa tuwing tatanungin ka kung okay ka lang ba? Palagi mong sinasabi na ayos ka lang. Tinanong kita kung ano ang naramdaman mo? Ngunit sinasagot mo pa rin na wala ito, ayos lang ako.
Kahit nasasaktan ka na pero pilit mo pa ring tinatago, kahit nahihirapan ka pero pinipilit mong maging matatag at lumaban.
Sa tuwing minamasdan kita na nag-iisa nakatingin ka sa kawalan, malalim ang iyung iniisip. Parang pasan mo ang buong mundo sa lungkot ng iyong mukha .
Hanggang sa isang gabi sumuko ang iyong katawan. Tinanong ka ng isa sa iyong mga anak. Ano ang sanhi ng iyong kalungkutan? Ano ang problema kung bakit ka nagka ganyan.
Tiningnan kita sa mata ang sagot mo.
Hindi ko pwedi sabihin ang totoo baka magalit naman siya sa kanyang ama...
Sa iyung sagot aking napagtanto na hanggang ngayon siya parin pala ang iniisip mo.
Author's Note:
Ito ay kathang isip lang sa tuwing ang aking isipan ay naglalakbay.
Ang galing ng emahinasyon ,parang novela lng