Ngayon ang araw na para sa kanila naalala mo pa ba ang mga taong mahal mo ang iyung pamilya, kaibigan na lumisan na.
Dumaan man ang maraming taon hindi natin sila makalimutan dahil nakabaon na sila sa ating puso at ang mga aral at mga alaala na manantili sa ating isipan.
Hindi nakatulad noon ang ngayon maraming nagbago dahil sa pandemya. Nagbago na din kung paano natin ginugunita ang All Souls' day. Tulad lamang ngayon ay sirado ang mga simenteryo bawal ang dalaw.
Kami ng aking pamilya ay dumalaw na kami sa simenteryo noong October 20,2021 maaga para wala pang masyadong tao. Kasama ang asawa ni Uncle at ang aking pinsan. Dinalaw namin ang aking kapatid na lalaki sina lolo, lola at si Uncle. Nag sindi kami ng kandila sa puntod at nagdala din kami ng bulaklak galing sa mga tanim ni mama para sa kanila. Pagkatapos ay nagdasal kami para sa kanila.
Naalala ko pa tuwing All Souls' Day ay uuwi ang aking tatlong Auntie na nasa Davao City. Kasama ang aking mga pinsan uuwi sila sa probinsya. Parang naging reunion na din ang kanilang pagbisita.
Pero ngayon hindi sila nakauwi dahil mahirap bumiyahe at matanda na din senior cetizen na sina Auntie. Ang aking mga pinsan naman ay busy sa kanilang trabaho at sariling pamilya.
Sa mga nakikita ko sa Facebook post ng aking mga fb friends at sa post din ng noise ay nag-alay sila ng pagkain at nagsindi ng kandila para sa kanilang yumaong mahal sa buhay. May nabasa din ako na post na hinanda nila ang paboritong pagkain ng kanilang minahal.
Marami din akong nakita sa Facebook mga litrato ng kanilang Halloween Costumes. Merong maganda, nakakatakot at meron ding mapapatawa ka na lang. Meron ding artista na ang kanilang Halloween costumes inspired by the Netflix hit “Squid Game”
Iyun lamang ang aking kwento.
Ano ang ginawa nyu ngayung araw ng All Soul's Day? you can share in comment section. Tomorrow is back to work na at back to school.
Hindi lang maganda ang aking pakiramdam 3 days na din pa balik-balik ang aking lagnat at 3 days na din namamaga ang aking ngipin parang nakakain ng madaming candy ang isa kong pisnge. Masaya ako na nakapag-sulat ako today.
Sarap naman hinanda ng kuya. Hehe! Kami nag biko rin at tsaka pumunta sementeryo