Unlucky Month for Everyone
Sa ngayon gusto ko na muna magsulat ng tagalog article para mas lalong maintindihan kung ano gusto kong sabihin, sorry sa mga foreigners jan hehehe pero may translation naman ata dito. So ayun na nga nasabi ko na unlucky month to para sa lahat dahil nadin sa nangyayari ngayon, umpisahan natin sa read at noise.cash. Alam ko na alam niyo rin na konti na lang ang funds ni read at noise dahil nga din sa mababa yung value ni BCH kaya yung mga sponsors ay naglalay low muna sa pagdodonate ng BCH para sa funds. Dahil dun yung mga reward na nakukuha natin is di gaano kalaki pero okay nadin na makakakuha ng 1 to 5 dollars per day which is profitable din naman.
Namiss ko lang yung panahon na kasagsagan ng pagtaas ng BCH na kumikita ako ng P 1,000 isang araw pero ngayon mailap na maliban na lang kung may magtip sayo ng malaki. Siguro nga ganto talaga ang buhay, hindi ko nga akalain na hahantong sa ganto kase may mga analysis na by the end of 2021 and mid 2022 ay aabot ulit ang value ni BCH sa 100k pero namali ata ng analysis kase ngayon nasa 5k na lang ang value ni BCH which is sobrang laking lugi para dun sa mga big maging small investors.
Sa noise.cash naman ganun din nangyayare, sino nakamiss ng araw na makaka $10 ka sa pamamagitan lang ng pagpublish ng short post at pag comment pero ngayon yung 1 dollar need na 2 days pa bago makuha. Sobrang daming nangyayare ngayon lalo na sa joystick.club, sa mga naglalaro jan, malamang isa kayo sa mga nasiyahan nung pumalo sa $0.22 yung value ni JOY at yun yung ATH niya pero nagbago ang ihip ng hangin nung simula ng bumaba ng bumaba ang value ni JOY. Maganda naman talaga maglaro sa JOY, meron nga ako 8 JOYBOTS dun tas pinalaro ko yung 6 sa kaibigan at mga kapatid ko, yung kinita ko noong 2x reward, pinambili ko ng bot nila kase gusto nila maglaro, nasa 10k din yun🥲🥲, tas ayun bumaba ng bumaba yung value ni JOY hanggang sa naging P1 na lang per JOY, ang sakit sa Mata ng market ngayon guys.
Yung JOY dati value niyan nasa $0.22 pero ngayon nasa 0.02 na lang, yung mga stable coins na dapat hindi bumababa ng $1 yung value nila yung flex USD nasa $0.42 na lang, dun naapektuhan yung laro na joystick.club kase nakabase yung reward sa value ng flex USD, for example yung value ng flex USD ay nasa 1 dollar ibig sabihin kapag kumita ka ng 8.7 JOY nasa max reward na yun na $0.60, edi kumita ka ng 33 pesos pero ngayon kase nakadisplay padin yung reward na 0.60 as max reward pero hindi ibig sabihin nun na same value yun kase pag kinonvert mo yung JOY na reward na nakuha mo sa mistswap eh yung value ay mas malaki pa yung ininvest kesa kinita kaya nga di na ako naglalaro muna ng joystick.club kase sobrang lugi.
Isa sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang SBCH at BCH ngayon ay dahil sa drama ng Coinflex, nabasa ko sa Telegram na kailangan nilang itigil ang withdrawal dahil sa loss na nararanasan nila ngayon, ang sabi may nawala daw na 47 million USD na pag mamay ari ng isang individual person, pinangalanan na nila at yun ay si Roger Ver, may nabasa akong article na siya daw yung bitcoin Jesus at sinasabi na siya yung single person na merong negative equity na 47 million USD at meron na siyang notice of default kapag hindi niya sinauli yung ganun kalaking halaga pero tinanggi naman ni Ver yung accusations kaso dahil sa drama nayan daming mga small and big time investors ang naapektuhan.
Yung Bridge na hop.cash hindi din gumagana dahil maintenance dahil nga nakaconnect din ang mga transaction sa Coinflex kaya yung pera ko sa Sbch hindi ko mabridge to BCH kaya as of the moment wala akong pera 🥲🥲. Buti na lang ang noise at read.cash ay hindi apektado kaya kahit papaano ay meron naman kahit konti may laman ang wallet. Sana lang maayos nila ang lahat kase nag cacause ng FUD kaya marami nagsesell ng mga assets nika kaya bumabagsak ang market. Hayszzz ang sabi June 30 daw ang continue ng withdrawal pero hanggang ngayon wala pa.
Ganun pala kalaki price ni BCH before ako naabutan ko $430 lang pero sobrang laki na Yun.