Ayon pasensiya na sa title wala ako maisip eh. Ngayong gabi susulatin ko kung ano yung nangyari sa araw na ito, siyempre routine na talaga namin na tuwing sabado at linggo, maglalaro kami ng badminton dun sa Arca South. Bale kanina kase umulan kaya sinabi ng kaibigan ko na hintayin tumila. Mga bandang alas 6 ng umaga tumila yung ulan kaya sabi niya tuloy ang laro. Kaya nag ayos ako sabay nagtricycle papunta dun sa Centennial. Ganun padin pala pamasahe, bente padin kahit na tatlo na yung pasahero.
Pero okay lang yun para daw ata makabawi yung mga drivers sa lugi. Ayun na nga pagkababa ko ng Centennial, nakita ko dun tropa ko na nag aantay. Tapos nun naglakad na kami, dumadaan kami dun sa mga shortcuts para mas mabilis at nung nasa FTI na kami, grabe yung putik dun sa kalsada kaya para kaming sumabak sa training pero nalagpasan namin buti na lang may maliit na ilog doon kaya dun kami naghugas ng sapatos. Pagkatapos nun pumasok kami ng Sunshine mall, bale papasok pa sa sunshine mall para makapasok ulit sa Arca South, kita namin na konti lang yung tao, siguro dahil umulan kase.
Dun kami dumiretso sa LTO kase malawak yung space dun na pwede paglaruan kaya ayun nagwarm up muna kami tapos tingin tingin kung may mga chick's sa paligid. Malas nga eh kase konti lang. Tapos nun naglaro na kami, kaso minalas ulit kase umulan. No choice kame kundi sumilong pero hindi padin natila yung ulan. Naghanap kame ng mas maayos na masisilungan kase basa na kame eh. Doon kami sa may office ata yun, umupo muna kami dun tapos may nakita akong kuting.
Siguro gutom kase lapit ng lapit saken kaya nilagay ko na lang siya sa damit ko. Partida basa kame jan kaya no choice ako kundi maligo pag uwi. Pansin ko na gutom yung kuting kaya naisipan ko na bilhan siya ng pagkain dun sa seven eleven. Pati nadin tong kasama ko nilibre ko na. Ayon sulong ako sa ulan para sa ekonomiya ng pilipinas, wala din kase basa na ako. Isa nga akong gangster eh kase pumasok ako sa seven eleven kahit basa, tapos diretso ako dun sa corner ng mga tinapay, kumuha ako ng siopao sabay tinapay na may hotdog at kape, may nakasabay pa nga akong chicks kaya pinauna ko na.
Sabay pagkakuha ko ng binili, takbo ako pabalik dun sa LTO para kumain ayun tuwang tuwa yung kaibigan ko kase libre yung pagkain. Naghati kami ng pusa dun sa Siopao haha. Tapos nun mga 20 minutes ata umuwi na kami. Nagdecide kami na maglakad kase nga maghahanap ako ng ukay ukay store para bumili ng damit, di ko kase afford ang mamahalin, buti na lang may nakita kaming isa. Ang gaganda ng T-shirt dun kaso bumili lang ako ng dalawa, yung isa ata T-shirt na may nakaprint na brand ng football team. Tapos nun diretso na ako bahay, akala ko makakapahinga na ako yun pala may hahakutin pa akong kahoy sa kapit bahay. Ayon buhat dito buhat doon.
Hirap nga ako eh pero nakaya naman tapos nun diretso ligo na kase nabasa ako kanina. Tapos mga bandang hapon nakapagpahinga ata ako. Ayon nood videos at chat chat sa Litmatch. Almost 1 and a half year na ata akong di lumalandi kaya namiss ko. Nagdownload ako litmatch nung nakaraang araw at wala akong ginawa kundi magkalat ng kalokohan sa mga chats. Sinubukan ko na mag seryoso at kantahan yung mga nakakausap ko. Buti kaclose ko yung isa, hindi ata ako nauubusan ng topic doon sabay kinakausap ko din mga nakapaligid sa kanya, basta feeling close ako sabay puro katarantaduhan.
Ganto talaga ata pag namiss mo isang bagay lalo na sa paglalandi hahaha. Tapos naging chatmate kame, puro padin ako kalokohan sabay kinakantahan ko siya, sabay gusto niya daw ako makita kaya nagsend ako picture sabi niya cute daw ako pero di ko makita saan banda. Tapos tinanong ko kung meron ba siya picture. Sabay sinabi niya na check ko daw yung profile niya tapos stalk ko daw and damn ang ganda niya awit. Bigla akong nahiya sa mga pinanggagawa ko, as in ang cute at ganda niya. Ano itatabi ko na ba?.
Hahaha.. Natatawa ako tuwing namemention mo yung chicks