Petsa : Octobre 21, 2021
Manunulat : Cocogrey
Gaano nga ba ka halaga ang kasal para sa dalawang mag kasing irog?
Sa sariling opinyun ko, ay susulat ako at ibabahagi ko ang kahalagan ng kasal para sa dalawang mag kasing irog na nag pa planong bumuo ng isang pamilya.
Bago ko sisimulan nais ko munang bumati sainyu ng magandang araw, pang apat na araw na ng linggo sana ay okay lang ang bawat araw nating tinatahak.
Aat sisimulan ko nang ibahagi ang sarili kong opinyon tungkol sa halaga ng kasal, kung may mali man ako ay handa po ako tumanggap ng katoroan.
________________________
Ang kasal ay isang napaka sagradong celebrasyon, hindi ito basta basta dini desisyun dahil ang kasal ay pang habang buhay na pangakong pag sasama ng dalawang nag mamahalan.
Dahil sabi ng Dios sa banal na kasulatan. Sa pamamagitan ng sakramento ng Matrimony, itinuturo ng Simbahan na si Jesus ay nagbibigay ng lakas at biyaya upang mabuhay ang tunay na kahulugan ng kasal. Sa mga sulat ni St Paul: "Mga asawang lalaki, mahalin ang inyong mga asawa, tulad ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya at ibinigay ang kanyang sarili para sa kanya upang pakabanalin siya" (Mga Taga-Efeso 5: 25–26).
Ang isa pang pangunahing saligan mula sa Bibliya para sa pag-aasawa ay ang Genesis 2: 18-25. Ang talatang 18 ay nagsasalita ng ating pangangailangan na magkaroon ng isang "angkop na kasosyo." Ang talata 24 at 25 ay nagsasalita ng dalawang naging isa at hubad at walang kahihiyan. Ang dalawang nagiging isang ito ay ang pagiging matalik. Ang intimacy ay hindi lamang pisikal na pakikipagtalik. Ang pagkakaibigan ay ang pagbabahagi ng dalawa sa kabuuan ng kung sino sila.
Mga talatang mag papatunay na ang kasal ay sagrado at noon paman ay ginagawa na ito dahil ito ang tunay na paraan sa tamang pag uumpisa ng pamilya.
________________________
Sa araw na ito ay may nasaksihan akong pag iisang dib dib? Bali, apat na mag kasing irog sa araw na ito ang nabiyayahan ng sagradong Sacramento ng kasal. Isa na dito ang pinsan ko.
Sa kwento nila, lubos akong nasiyahan. Dahil, ilang taon din ang kanilang pag sasama bago sila naikasal.
Mahirap ang buhay, ika nila. Uo napakahirap nga naman talaga para mag pakasal ng madalian, alam natin mali ang mag sama ng walang kasal dahil sa hirap parang di na natin inisip pa yan kahit na ako sa sitwasyun ko tanggap ko ang pagkakamali ko.
Kaya lubos akong nasiyahan at nag karoon ng inspirasyon sa dalawang bagong kasal dahil tinupad parin nila at binigyang halaga ang sagradong Sacramento ng kasal. Ang Dios ang siyang sakse sa kanilang pag iisang dib dib kung nahuli man sila Dios na ang may karapatan.
Kaya payu ko sa lahat lalo na sa mga nag sasamang dipa kasal, may mga paraan po para makasal pumunta lamang sa lapit na simbahan at itanong kung mag kano aabutin ng kasal.
Sabi nga ng isang pari sakanyang homiliya, problema ba kamo sa budget? Bat di niyu kami subukang kausapin, hindi naman daw kase importante ang pera. Kase para sa mga pare importante ang kasal at bas bas ng Dios para sa dalawang mag kaseng irog.
Kadalasan option para makapag pakasal.
Kasalang bayan
Ang ganitong klase ng celebrasyun mas makakatipid tayu peru wag na nating isipin ang pera masiyado isipin natin ang basbas ng Dios para sa pag iisang dibdib ng dalawang mag kasing irog.
Gayon paman kasal man kayu o hindi, isa padin ang mahalaga ang pag mamahalan niyung dalawa. May ikinasal na bongga peru di din umbra.
Kaya uulitin ko, ang kasal ay hindi laru na siyang mag didisisyun kalang agad pang habang buhay na pangakong pag sasama ang kasal.
Salamat sa panahon na ginugol mo sa isinulat ko.
Parang natamaan po ako nito kami ay 13 years nang nagsasama pero hindi pa kami na ikasal , noong bago palang kami nagpa Plano kami ng kasal kaya lang na postponed dahil yung cenomar namin na delayed hanggang sa na buntis at nagka anak dun nawala sa isip ang kasal dahil busy na palagi sa pagtatrabaho dahil hindi biro ang magkaroon ng anak lalo pa at walang stable na trabaho , sa ngayon dalawa ng anak namin pero ldr kami pero going strong naman yung relationship namin soon in God's perfect time magpapakasal kami syempre gusto ko din maranasan yung ikakasal pangarap ko din yun .