Tumigil Ang Aking Mundo
August 21,2022
Ilang araw na din akong hindi nakagawa ng artikulo nasasayangan man sa mga minuto, oras ,araw na nagdaan na walang maisulat ay tanggap ko na naman na minsan may mga pagkakataon na para talagang tumigil yung mundo natin.
May mga bagay na kahit anong pilit nating abutin kung hindi para sa atin ay lalayo talaga ito.
Sa aking sitwasyon na malayu sa pamilya ay masasabi kung sobrang hirap may mga oras talagang gusto ko nang sumuko, lalo na kapag wala akong makakausap pero yun nga ayuko din naman na mayroong kausap iyung pakiramdam na hindi mo na alam kung ano ang iyung nararamdaman, kasi iyung isip mo nag halo halo na. Pero alam kung hindi lang naman ako ang nakakaramadam ng ganito kahit nga yung kasama lang nila yung family nila minsan nakakaramdam din ng ganito as long as hindi natin hinahayaan na mamalagi sa ating katawan iyung negativities ,kaya laban lang tayo sa buhay.
Kaya kapag ganito yung nararamdaman ko madadamay ang read.cash account ko kasi hindi na ako makapag published dahil yun nga empty yung brain cells ko at ang weird din minsan kasi kahit alam kung hindi ako nag published ay mag eexpect ako na bibigyan ako ni random rewarder hahaha like hello nag sulat ba ako hindi naman diba e bakit nag I imagine kang may kita ka dito?
Sa ngayon unti unti nang bumabalik ang aking katinuan hahaha. Sana tuloy tuloy na ito.
Anyway yung title ko na Tumigil ang aking mundo ay yun lang talaga yung nararamdaman ko parang tumigil yung pag ikot ng mundo kasi hindi na ako nag iisip kung ano yung gagawin ko parang wala lang nood lang ng vedio sa Facebook, mga live selling, na tapos yun na hanggang sa mag 4 days na pala na hindi ako nakapag published diba sayang yun kahit pa minsan nalang dadalaw si rusty pero napakalaking tulong pa rin sa akin ang site na ito.
Kaya hanggang dito nalang muna ang aking update ano, at salamat sa mga nandiyan pa rin sa aking sponsors Block.
Salamat sa pagbabasa!
Take time lng po. Babalik dn ang sigla ng readcash.