Kaganapan Ngayong Araw ng Huwebes
May 26, 2022
Ayun na nga as usual nagising ako mga alas 8 ng umaga medyo antok pa ako pero kailangan kung e check kung gising naba si madam lumabas ako ng aking kwarto at since masisilip ko lang ang kwarto niya at ng mapagtantong tulog pa kaya ayun bumalik ako sa higaan at natulog ako ulit hahaha diskarte yarn.
Nag alarm ako ng alas 9 kaya pag alarm dali dali akong pumunta sa banyo at naghilamus after mga 30 minutes nakapag palit na ako ng damit at ready na ako mag linis sa sala pero yung amo ko tulog pa rin. Kaya pagkatapos kong maglinis ng sala upo ulit ako at nag dot dot sa cellphone.
Mga bandang alas dyes y media pumunta ako sa banyo ng amo ko at sinimulang linisin hindi naman gaanong madumi kasi araw araw ko naman nililinis kaya nung matapos na mga bandang alas onse , at sakto gising na yung amo ko nag pa timpla ng Turkish coffee kaya ayun ang bilis kung nagtimpla wag ko daw lagyan ng Asukal at ng diet nga daw siya hahaha.
Hindi ito yung usually gumigising yung amo ko kaya nasa isip ko baka may lakad siya at ayun na nga nagbihis Tama ako sa aking hinala.
Mga alas 12 saktong umalis si madam ako naman patapos na sa trabaho kaya may time na nanaman ako mag dot dot ng cellphone pero wala talagang pumapasok na magandang topic na maisulat kaya ito nalang talagang walang kabuluhan ang aking naibahagi alam niyo naman read dot cash is life hahaha.
Noong mga alas dos na nang hapon na nakaramdam na ako ng gutom kasi nga pala kape at tinapay lang pala yung kinain ko kanina kaya naisipan kung magluto pero ang nasa isip ko yung lulutuin ko ay iyung magugustuhan din ni madam para isahan nalang ang aking pagluluto.
Binuksan ko ang freezer at nakita kung may chicken breast kaya yung utak kung kakarampot joke 😅 matalino yata to hahaha.
Kaya ito ang naisipan kung lulutuin spaghetti yung tawag ni madam nito , spaghetti naman talaga hihi.
Basic lang naman tong lulutuin ko , yan yung mga ingredients hiniwa ko na ang carrots, green pepper at saka onion. At itong chicken breast nilagyan ko nang yugort para lumambot kapag naluto.
Kaya yun mix mix lang kasi alam naman natin paano lutuin yung mga ingredients diba hihi.
Atlast naluto na pero si madam malapit na mag 4pm hindi pa rin dumating kaya panigurado malamig na ito kapag dumating siya kaya iinitin ko na lang kapag dumating siya.
Ito na kakain na ako hahaha hirap pala mag luto tapos sabayan mo pa ng pictures tapos nagtype pa dito double time talaga.
Hanggang dito nalang sana bukas makapag English na ako.
Maraming salamat sa inyung lahat!
Parang ang sarap niyan sis. Medyu introvert yung amo mo ano? Ano yung work nya jan sis? Pang gabi ba sya?